Chapter 1.2: Text.

56 4 7
                                    

(7:40 PM)

Trisha accepted your friend request.

Jec-jec: Yes! Inaccept niya ko. Chat ko kaya? hmmm, ano sasabihin ko? Hello? Musta? Eh, di naman kami close eh. Pero, sayang naman! Online eh. Sige na nga. Chat ko na.

CHAT.

Jec-jec: Hello. Thank you pala sa game kanina.

Ate: Hi. Welcome po kuya jec?

Jec-jec: (Ano pa kaya sasabihin ko dito)

Trisha is typing...

Trisha: Out po muna ako. Kakain na po kasi kami eh. Bye! Thank you din :)

Jec-jec: Ay. Sige. Eatwell. :) 09060907051. Textmate?

Trisha: Sure. :) 09169001234

Jec-jec: Saved. :D Sige na, kain ka na.

Trisha: Okay. :)

----

Akala ko masungit si Trisha. Di naman pala. Naging judgmental lang pala ko. Well, masaya naman. Ang bait pala niya. 

Mag-isa lang ako sa bahay ngayon. 8:30 PM na ah. Ang nanay ko, nag-mall. Ang ate ko, pumasok sa school. Ang kuya ko, nasa labas, tumatambay as usual. 

Oo nga pala! May quiz nga pala bukas! Sh*t. Nalimutan ko na naman mag-aral. Ano ba naman yan. Nakakatamad. Kasi naman, mag-aaral ako ng 3 chapters nitong book ng accounting. Tapos, ang exam bukas, 25 items multiple choice. Tas nganga na naman sa choices. 

Ay teka. Text ko nga si Trisha. May load kaya siya? Baka tulog na? H'wag na lang? Eh, sige na. Ttry lang naman eh.

Text.

Jec-jec: Hello po. :) Tapos ka na po ba kumain? Gising ka pa po ba? :) Text back. :P

(After 30 minutes)

Ay. Tulog na siguro yun. Makatulog na nga rin. 9:15 PM na rin kasi e. Makatulog at baka malate na naman ako bukas. Re-take exam pa naman din. Ay, hindi. Antay pa ko. Mga 30 minutes pa ulit.

(After 45 minutes)

Tulog na nga talaga siguro siya o kaya naman walang load. 10:00 PM na. Sabi ko pa man din maaga ako matutulog. Pero, ito. As usual, late pa rin. Ba't ba kasi ako nag-aantay ng text galing dun sa babaeng yun. Nabaitan naman ako masyado. Makatulog na nga.

(After 15 minutes)

Bakit hindi ako makatulog! Asar naman. :| Malalate na naman ako nito bukas panigurado. Umaasa pa rin ako? Hindi naman na eh. Okay lang. May bukas pa naman eh. 

Ah, alam ko na. Text ko na lang siya ulit. :)

Hello Trisha,

Mukhang tulog ka na sa oras na'to. Hehe. ^_^ Goodnight! :) God Bless. See you tomorrow. :)

Ayan. Matutulog na ko. Goodnight Lord. :)

(After 10 minutes)

If I lay here, if I just lay here, would you lie with me and just forget the world.

Parang huminto ang ikot ng mundo. Slow mo effects. Parang yung puso ko kinabahan bigla. Hindi ko alam ang gagawin ko. Grabe talaga.

(1 message received)

Bubuksan ko ba? Baka siya na to? Bukas na lang? Sige na nga ngayon na.

(Show Message)

From 8888, 

Ang iyong GOUNLI30 ay expired na. Mag-register muli sa pamamagitan ng pagtetext ng GOUNLI30 to 8888. Salamat.

Para sa mga SNM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon