Chapter 1: The Introduction

105 3 7
                                    

Ano ba? Saan ba tayo pupunta? Nakakainis naman eh. May quiz kaya ako bukas. Long test pa naman yun. Kailangan ko bumawi, bagsak ako ng first quiz. Re-take na nga lang bukas eh. Malayo ba yun? 

Hindi ako atletang tao. Badminton lang ang sports ko. Well, focus kasi talaga ako sa studies ko. Hangga't maari, dapat mamaintain ko yung quota grade ko. Second year College na'ko. Accounting ang course ko. Bigat no? Wala eh. Yun kasi ang gusto kong kurso. Nag-enjoy naman na rin ako. Kaya pwede na rin. Math ang favorite subject ko at Science ang pinaka-ayoko. Medyo adik ako sa mga computer games. Mahilig sumayaw at kumanta kahit hindi naman ganun kagaling. Masayahin akong tao. Hangga't maaari, ayoko ng may nakikita akong malungkot. Lalong lalo na yung mga taong malapit sa buhay ko. At naniniwala ako sa isang pilosopiya, Ang buhay ng tao ay parang pagbabasa ng libro. Minsan masaya at nakakainteresado ang nababasa mo. Minsan naman malungkot at di mo gusto. Pero sa buhay mo, pag nakatagpo ka ng hindi magandang parte habang nasa byahe ng buhay mo. H'wag mong tapusin ang kwento ng buhay mo. Mas susunod na yugto pa ang buhay mo. Tulad ng libro. Ako nga pala si Jec-Jec. Sa buhay ko iikot ang istoryang ito.

Ano ba? Saan ba tayo pupunta? Nakakainis naman eh. May quiz kaya ako bukas. Long test pa naman yun. Kailangan ko bumawi, bagsak ako ng first quiz. Re-take na nga lang bukas eh. Malayo ba yun? Tanong ko sa kaibigan ko.

Ang dami mo namang reklamo. Diyan lang yun. Malapit lang yun promise. Saglit lang naman tayo eh. Sabi ng kaibigan ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ng kaibigan ko. Basta ang alam ko, masaya naman. Kasi kasama  ko mga kaibigan ko. Para ko na rin kasi silang kapatid. Halos sabay sabay na rin kasi kaming lumaki. Kaya kahit college na ko at high school pa lang sila. Gumagawa ako ng paraan makasama lang sila.

Jec-jec: Hay nako. Alam mo bang wala akong time maglaro ngayon Deni?!

Deni: Isang oras lang naman eh. Sige na. Sige na. Please? :)

Jec-jec: Isang oras lang ah? Osige.

As usual, hindi na naman ako makahindi sa kagustuhan ng mga kaibigan ko. Under ata ko sakanila eh. Naturingang pinakamatanda, spoiled naman mga bata.

(Matapos ang isang oras)

Jec-jec: Oh, ibayad mo. 

Deni: Ikaw na. Isama mo na tong bayad ko.

Jec-jec: Kahit kelan ka talaga no?! Nako, pag ako talaga bumagsak sa exam bukas. Lagot ka sakin.

Deni: Ayos lang yan. Enjoy lang naman eh.

Jec-jec: Bye po! Una na po kami. Thank you.

Deni: Bait nila no? May bago na tayong paglalaruan. Tsaka, mabilis naman PC nila. Ano sa tingin mo?

Jec-jec: Ayos na rin. Pwede na.

Deni: Sus. Gusto mo na bumalik no? Nakita mo ba yung bantay? Ganda no?

Jec-jec: Ha? (Nagkatinginan)

Jec-jec: Hay nako, tigilan mo ko ah. Gawan pa raw ako ng issue.

Deni: Laro ulit tayo bukas ah!

Jec-jec: Sige. Bukas ulit. Salamat! :)

Deni: Yieee, di na siya makakatulog. 

Jec-jec: Loko ka talaga. Hahaha!

Sino kaya yung babaeng yun? Kaano-ano niya kaya yung may-ari ng shop? Crush? Hmmm. Pwede na rin. Kaso, mukhang masungit. Ni hindi naman ngumingiti. Pero, ang cute niya ah. :')

Para sa mga SNM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon