Chapter 5: (New Classmate!)

60 4 1
                                    



Chapter 5: New Classmate!




It's Sunday. Kahapon kasi wala ako masyadong ginawa,nasa loob lang ng bahay at basa lang ng basa ng wattpad at nanonood lang ng mga movies. Wala naman kasi pating masyadong Assignments kasi nga busy ang mga teachers.




Magbubukas na lang ako ng facebook ko. Matagal narin kasi akong di nakakapagbukas eh. So kinuha ko ang laptop ko at dumapa sa kama ko. Binuksan at andami namang notif at ekek burechek.



64 notifications
3 chats
13 friend requests



Nakita ko sa notif ko ay puro shared,likes,tagges photos at mga hate notifications. Ugh! Sinasabi ko na nga ba e. Then sa chats naman si Tin nagchat para mangamusta kaso naisip ko na naman yung Friday. Nasusura na talaga ako. Tsk. Then kay Mama at kay Papa na chats. Nangangamusta lang din so nagreply naman ako. Then sa friend request ay si Leinard Laudit? O___O KYYYAH~ inadd ko huhu. Answerte ko naman.




Atyaka kung sino sino pang di ko mga kilala. Inaccept ko naman wala namang masama dun diba? Then yun nag off nako. Inaantok ako eh tyaka minsan lang akong matulog ng tanghali no? Mwehehe.




"Anak? Bumaba ka muna jan!" Si Mama? Ambilis namang makarating. Tutulog palang ako eh so bumaba nako.




"Aubrey bili ka muna sa Supermarket nito oh. May pupuntahan pa kasi ako eh" sabi naman ni Mama. Ahm? Okay mabait naman akong bata eh. Lololol! Haha. So naghalfbath lang ako kasi nakaligo nako kanina no. Then nagpants at nagshirt lang ako then flat shoes at messy bun.




[SuperMarket]




Ang haba haba naman pala ng listahan nato. Ganon na ba kadami ang wala samin sa kusina? Di ko napapansin eh. Sayang wala si Ate Yna yung aming yaya. Kaso ate na lng tawag ko kasi wala naman akong kapatid diba? Mabait kaya siya. Dayoff niya ngayon eh sunday kasi.




Habang bumibili ako may nabangga naman ng cart ko. Nako naman! Ang clumsy ko naman so nagsorry ako dun sa lalaki.




"Oh hi Aubrey!" Sabi nung lalaki. Huh? Bakit niya ako kilala? Sino siya tyaka wow ha? Ang cool ng dating niya infairness.




"Kilala mo ko?" Malamang tinawag niya ako sa name ko diba. Isip isip din minsan Aubrey no. Nawawala na naman utak mo eh.



"Haha. Oo naman I'm your classmates nung Elementary no! Di mo ko tanda?" Sabi niya. Amp? Sino na nga bato. Hhmm-- Ahhh oo nga si Peter. Bat di ko natandaan agad yun. Mwahaha! Ang cool na niya ngayon huh?




"Oh! Hi Peter hehe" nahihiya din naman ako syempre no pero promise. Anlaki ng pinagbago niya. Haha! Nalaman ko nga na crush daw niya ako noon kaso bata pa naman kami nun no! Haler.




"Akala ko naman di mo na ako tanda Crush-ay hehe. Sorry" at napakamot naman siya sa batok niya. I found it cute? Yeah I admit it. Pero Leinard parin ako no.




"Haha. Ogenki desu ka?" Tanong ko. Oo nga pala haha! Half japanese kasi tong si Peter eh. Peter Ashimuto ang full name. Pero dito siya lumaki sa Pilipinas. {Ogenki desu ka=Kamusta ka}




"Genki desu,anatawa?" Nako nonosebleedin ako sa lalaking ito e. Dapat pala di ko na lang sinimulan. Nahawa kasi ako sa kaniya dati kakajapanese kaya natuto ako kaso limot ko na yung iba eh. Mweheh. {Genki desu=ayos lang Anatawa= ikaw}




"Ayos lang din no! Nonosebleedin ako sayo eh Haha" sabi ko so yun namili na kami nang namili. Tinulungan niya nga din ako eh kasi maunti lang naman daw yung kaniya. Then niyaya niya ako kumain. So pumayag ako libre kaya no!




Dear Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon