Chapter 23: Si Papa!Paalis na kami ngayon at pauwi na sa kaniya kaniyang bahay. Yup, tapos na ang celebration. Ang saya~
"Sige dito nalang ako, salamat" sabi ko sa kanila. Naka car na kami ngayon, sa car ni Peter. Di nga sumabay si Leinard e.
"Ingatssss" sabi ko at nagwave!
Pumasok na ako sa loob at sinalubong si Mama.
"Mama eto po yung dal--" nagulat ako ng iba ang lumabas sa kusina at naka apron siya.
"Hi Rey" di ba ako nananaginip? Totoo ba to?
"Papa?" Paninigurado ko at ngumiti naman si Papa.
"Kkyyah~ miss you Papa" at niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Miss you too Rey" sabi ni Papa. Yep, Rey tawag niya sakin para naman daw unique at siya lng tumatawag. Mwehehe!
"Kelan pa po k--" naputol naman sasabihin ko ng lumabas din si Mama.
"Hi nak, kamusta celebration?" At niyakap ako ni Mama.
"Ayos lang po, super saya" sabi ko at umupo kami sa lamesa. Antagal ko tong hinintay. Huhu! Buo na ulit kami, yiieh!
"Baka naman may boyfriend na si Baby Rey ko ha?" At naghalumbaba lang si Papa. Kahit kelan talaga si Papa!
"Pa naman, wala no" at kumuha ako ng shawarma sa lamesa. Miss ko din to!
"Pa gawa mo? Sarap ah" sabi ko kay Papa. Yup, chef si Papa. Daig! Haha kemerot.
"Always naman Baby Rey hahaha" at nag apir pa sila ni Mama. Aba, nag ala teen ager. Sweet talaga. Haha!
Pagkatapos kong kumain ay umakyat nako sa kwarto. Wala namang pasok eh bukas pa. It's Sunday at gusto kong sabihin kina Tin na nandito si Papa.
Binuksan ko fb account ko at minessage na si Tin. Online naman siya kaso di niya siniseen. Kamusta na nga pala yon?
Gusto kong dalawin yun, kaso gusto kong sulitin na kasama si Papa. Kung siya na lang kaya papuntahin ko dito? Hayst. Oo pwede!
After 15 minutes, sineen na rin nya. Yess!
Tin Ramos•
(Really? Ano, may pakain na ba? Hahaha)Kakaiba diba? Hahaha.
Aubrey Macalintal•
(Oo naman, invite kita ha? Para naman makita mo din si Papa)Tin Ramos•
(Sure! Mag start nakong gumayak)Offline
Hahaha nakakamiss tong si Tin eh, pano ba naman laging kasama si Edward. Nag usap na nga pala kami ni Tin.
Matagal narin yon, sinabi ko kasi yung totoo na niloloko lang siya ni Edward kay Ayessa. Ako naman pala ang mali, pinalano pala talaga nila yon.
Nalungkot lang ako, kasi planado pala ang masaktan si Leinard. Talagang gusto ni Ayessa na masaktan si Leinard pero atleast daw panandalian lang kesa yung malaman talaga ni Leinard ang totoo kay Ayessa.
Ewan ko ba, ang gulo!
**
"So kamusta ka naman ija?" Tanong ni Papa.
"Ayos lang naman po ako, lagi po kayong kinukwento sakin ni Aubrey eh. Masarap nga po kayong magluto" sabi naman ni Tin.
"Ay nako ineng, buti free time mo ngayon, wala din kasama si Aubrey ngayon e" sagot ni Mama.
Bakit naman?
"Bakit po?" Tanong ko, aba syempre may role dapat ako. Makikisali din ako no!
"Eh kasi magde-date kami ni Papa mo" at nagngitian pa sila.
Gusto ko kapag katulad nako nina Mama at Papa, parehas ko sila. Para silang mga teenager pa kung umasta. Nakakainggit T__T
Niligpit na namin ang pinagkainan namin at tyaka gumayak sina Mama.
Umakyat muna kami ni Tin sa kwarto.
"Oh kamusta naman ang Celebration niyo kahapon?" Panimula ni Tin.
Actually, masaya naman talaga. Ewan ko lang, parang may iba sa atmosphere ko eh. Leinard?
"Masaya naman, bat di ka sumama?" Sabi ko. May napapansin ako kay Tin.
"Ahm? Eto okay lang" at lumungkot boses niya.
May napapansin talaga ako, may mali sa kaniya eh. Tinignan kong mabuti ang mga mata niya.
"Tin, don't be shy to share with me. I'm your bestfriend" at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"What do you mean?" At tinignan niya rin akom
"I know na may problema ka, anyare ba nung wala ako?" At nagulat ako sa next na ginawa niya.
Niyakap niya ako
Iba ang yakap niya ngayon. Ibang-iba. All I know is nasasaktan ang best friend ko!
"Tin, sorry ha? Wala nakong update sayo, please share with me. Anong problema? I'm here please share naman oh" at umiiyak na siya.
Inalis naman niya ang pagkakayakap!
"Aubrey *sob*" at pinahid niya nga luha niya para umayos ang pagsasalita niya.
"Aubrey, kasi parang may iba si Edward, I feel. Aubrey, pakiramdam ko may mali sa kaniya" sabi niya.
"Aubrey kasi one time, nakita ko siyang may kasamang iba. Pero binalewala ko yun at di ko pinaalam sa kaniya, pero Aubrey tao naman din ako diba? Napapagod!" Ayoko ng ganito.
Ayoko ng sinasaktan ang bestfriend ko!
"Tin, I'm here. Relax ka lang ha? Umayos ka. Alam kong masakit yan, pero Tin alam ko ding mahal mo siya? Wala naman sigurong masama kung pakakawalan mo siya"
Nanlaki mga mata niya
"What? Ayoko!" Sabi niya.
"Tin, listen me first. Tin mahal mo siya at alam nating mahal ka niya pero hanggang ngayon ba? Sigurado kaba na mahal ka pa niya?"
"Tin, kung nakita mo na siyang may kasamang ibang babae at alam mo sa sarili mo na niloloko ka niya, wag kang martyr Tin. Di mo deserve ang mga taong sinasaktan ka lang"
Nagsalita siya "Di mo kasi alam eh"
"Ang alin? By the way, Tin wag mong icareer ang pagiging tanga. Nasasaktan kana nga, pinipilit mo pa. Mahal kita as a best friend kaya concern ako sayo. Kapag niloko ka ulit niya, ako makakaharap niya!" At niyakap ko siya.
Masakit para din sakin na nasasaktan bestfriend ko. Sino ba namang hindi?
"Thanks Aubrey. Dakilang magalin ka sa advice talaga" sabi niya at tumawa.
Alam kong masakit at nalulungkot siya ngayon kahit nakangiti pa siya. I feel sorry for her kasi di ako naging updated sa kaniya.
"Tin, wag ganan ha? Di mo deserve ang mga taong nananakit sayo ng paulit-ulit. Dahil mas deserve mo ang mga taong itetreat ka na parang ikaw lang ang buhay niya. Siguro, masyado pa tayong bata para sa ganito, may darating pang mas better sa kaniya" advice ko.
Lumalabas na naman ang adviser side ni Aubrey Macalintal!
After ng dramahan namin, niyakag ko siyang manood ng mga movies sa kwarto. Libangan namin to kapag nag oovernight siya dito at minsa sa kanila.
Para kahit papaano, mabawasan ang kakaisip niya dun sa gagong Edward na yon!
A/N: Heya guys, sorry for late updates. Sorry din dun sa mga readers ko na nananabik na. Hahah. Especially sa nagcomment na sa Chapter 21 para sa gustong gustong next update. Sorry. Babawi ako :*
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
JugendliteraturIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...