Chapter 28: Party
Johnson's POV
Hayst, eto na naman ang pinakgwapong nilalang. Nag ka pov na naman.
Don't worry, sadyang humble lang ako. Hayst, hirap kasing maging gwapo!
By the way, it's my day! Birthday ko na. Ilang taon na nga ba ako?
17 years old na ko, gwapo parin. Pinanganak na gwapo, mamamatay na gwapo. Sadyang ganan, tanggapin niyo na.
"Kuyaaaa!" Sigaw ng magaling kong kapatid
"Ano na naman ba? Kanina kapa!" Buset, kelan niya ba di guguluhin ang gwapo niyang kuya?
"Bumaba ka daw sabi ni Mommy, faster!" sigaw niya, oo nga pala.
Pagkababa ko, nakita kong naghahanda na sila. Madaming taong natulong at nagluluto.
Yung iba nag aayos ng mga decoration lalo na sa pool. Kapag ngayon, swimming party pa lang.
Pero mas niyaya ko sila sa Bar. Para naman party-party! Yeah yeah.
"Why Mommy?" I asked.
"Maligo kana, suotin mo na yung attire mo tapos tawagin mo na mga kaibigan mo" sabi ni Mommy.
"Mommy, sa iba ko sila niyaya" at napakamot na lang ako sa ulo. Wala naman akong kuto, sadyang ganan lang mainis ang mga gwapo!
"Yaan mo na siya Hon, bigboy na si Johnson. Madami namang pupunta e" at inakbayan lang ni Daddy si Mommy
Umakyat nako at naligo, hihintayin ko na lang sila mamaya sa bar.
Aubrey's POV
Habang nakain ako sa canteen with Tin, andami na namang nakatingin. What's new?
Di ko parin nakikita yung kambal. Haha, naalala ko lang yung kahapon eh. Hahaha!
"Best, ininvite ako ni Baby for her brother's birthday daw si Johnson, sorry di ako makakapunta eh" sabi niya.
"Why Best?" Tanong ko.
"Eh kasi di ako papayagan ni Mama. You know naman" sabi niya habang kumakain ng cordoun bleu
"Diba hindi naman strict si Tita?" Nakakapagtaka lang eh, di naman kasi mahigpit si Tita, basta kasama ako.
"Eh kasi Best, basta ha? Masyadong busy eh" sabi niya.
Ahm :3 lagi na lang busy, sayang di ko na naman siya makakasama. Hayst!
"Okay fine, basta if magbago isipan mo and ni Tita, call me k?" At nagnod lang siya.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso muna kami sa locker. Matagal ko na ding di nabibisita to e. Mwehehe!
"Mauna na ko best ha, ingat" at nagbeso beso na kami.
"Ano ba yan, ang gabok gabok di na kita nalilinis, sensya na--"
"Talking to her own locker?" Boses familiar.
"Ay palaka!" Expression ko yan kapag nagugulat eh.
"Gwapong palaka!" Si Leinard lang pala. Himala?
"Oh nasan na yung pinadadrawing kong mukha ko?" Tanong niya, aba sineryoso nga?
"Ha? Seryoso ka don!" At tumawa lang ako!
"Seryoso naman ako ah?" Sabi niya, okay serious tone na yung voice niya.
Abante
Atras
Oh-uh bakit papalapit siya sakin? O///O
"Masama akong binibiro alam mo ba yon?" Ilang inches na lang ang lapit niya sakin at tuluyan nakong napasandal sa locker
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Teen FictionIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...