Chapter 39: BeachNapagusapan nila na pumuntang Beach. Well, ayos lang naman. Tyaka para may bonding kami before the Christmas. Homaygad, I can't wait.
Anlayo din naman kasi e. Quezon ang pupuntahan namin. Sariaya, Quezon mga dre. Kaya nagreready na me.
From: Tin
(Beeeessst! Pinayagan na ako ni Mama. Basta kasama si Edward ^^)I'm so happy for her. Naging maayos na siya, sana lang magbago na si Edward dahil kung hindi. Kakatayin ko siya.
Aba! Baka nga ipakulam ko pa. Di na siya naawa kapag nangyari pa yon. Jusko, mahabagin!
"Anak, kain ka na!" Tawag ni Mama mula sa baba. Kaya bumaba nako.
"Ma, sabay ka na" inabot ko sa kaniya ang pinggan. Eh nemen, nekekemess ete.
"Mama kamusta po?" Matagal na din kasing wala kaming bonding ni Mama. Busy siya sa work, ako sa school.
"Nak, don't worry I'm okay, ikaw ba nak? Maayos ba sa school? Wala bang nang aaway sayo? May nagugustuhan kaba?" and poof! My eyes widened and my cheeks turns into red, I think.
Mama chuckled. She stoop up and then "Mama-- Hahahah-" Omygosh, I can't control. Naluluha nako, kinikiliti ako ni Mama.
"Ikaw ha? Sino yan? Boyfriend mo na ba?" salamat, tumigil na din si Mama. Umupo naman kami ng maayos tyaka ako umiling.
"Asus nak sa ganda mong yan eh mana ka sakin" sabag tawa ni Mama. Si Mama talaga eh.
--
9:00AM
Naligo na ako at nagready. Paalis kasi kami ng 9:30AM. Yun ang usapan, bigla namang may bumosena sa tapat ng gate.
I saw him standing there and I wonder why is he here? Di naman ako nagpapasundo. Di rin ako tumawag.
Napansin kong napatingin siya sa direksyon ko kaya nagtago ako. Jusko, yung heartbeat ko na naman.
"Nak, sinusundo kana" sigaw ni Mama kaya kinuha ko na ang bag ko at bumaba.
"Ingat ka nak don ah?" Sabi ni Mama at nagbeso beso na kami.
Lumabas na ako ng bahay. Actually, nakatayo lang ako dito sa gate, pinagmamasdan siya.
"Tatayo kana lang ba jan?" Panimula niya at binuksan ang front seat signaling na pumasok nako. Nilagay niya sa compartment ang gamit ko the he start the engine of his car.
♪♪♪♪
Alam mo bang may gusto akong
Sabihin sa'yo
Magmula ng makita ka'y
Naakit ako
Simple lang na tulad mo
Ang pinapangarap ko
Ang pangarap ko
♪♪♪♪
Nagkatinginan kaming dalawa ni Leinard at
Sabay na kumanta. Finifeel ko eh! Wwoooaah. Si DJ to eh! Kaway kaway sa fans ng KathNiel! Wuwot!
"Dahil, simple lang ang pangarap ko, mahalin ang katulad mo sana ay mapansin mo~" ako yan! Ako ang sa line na yan. ANSAYA!
"Dahil simple lang ang pangarap, maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko. Simpleng tulad mo~" siya yan! Omo, ang ganda ng boses niya!
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Dla nastolatkówIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...