Chapter 12: Competition
Leinard's POV
Unti-unti nang nagwowork ang plano ko. Ang pagselosin si Ayessa para mapabalik siya sakin. Cool off lang naman kami eh, pero gusto ko na matapos na yun. Damn! I miss her so much. Pero may part na nagsasabi na, wag ko na lang ituloy? HINDI! Nagwowork na eh!
Ngayon nga pala yung competition, at ngayon nadin ang plano kong magconfess kay Ayessa. Di ko na kasi maitago eh. Gusto ko na talagang magkabalikan kami, gusto kong i-announce na bumalik na siya sakin. Alam kong siya may kasalanan pero wala eh, tanga ako. Ganan naman sa LOVE diba? Nagpapakatanga tayo para lang sa mahal natin.
Alam ko rin naman na may pagkakamali ako. And that's all about a kiss. Kiss na binigay ko kay Aubrey. As what I've said, that's not my plan and that was unexpected. Si Ayessa talaga ang isusurprise ko. Sht!
Kaya ako nagpapakasweet kay Aubrey kasi nga para magka-issue at magselos si Ayessa. Badguy? Pwede na rin, dahil gumamit ako ng babae para lang magselos mahal ko. I am so desperate to make Ayessa's mine again. Pero sabi ko nga din,bat parang ayoko nang ituloy? Bat parang namimiss ko siya pero iba ang nasa isip ko. Si Aubrey ba? NO! BAKA NASANAY LANG AKO NA KASAMA SIYA!
Aubrey Macalintal's POV
Di ako uminom ng malamig na tubig ha para lang sa competition na ito. I'm so excited. Nyenye as if naman na may care sila? I don't care!
So naligo na ako para makapagready na. Cancel ang klase sa Sally High University at pinagreready na lang kami. 6:00pm ang simula sa Gym kaso ang nabunot namin #28 eh thirty kaming lahat so pangalawa kami sa dulo. Mga 9:00 payun. Kyah *U*
"Aubrey, request naman nak" sabi ni Mama. Syempre supportive Mom kaya yan kaya nandito para tulungan ako. Yieh!
"Yes ma?" I asked. Ano kaya yun?
"Etong dress ang isuot mo ha?" What? Di ako nagdedress T__T pano yun? Balak ko nga lang mag ripped jeans at mag t-shirt lang. Ako kasi yung babaeng walang fashion eh. Di masyadong girly ang fashion kasi puro jeans and flat shoes lang. Aish!
"Ma naman eh" sabi ko, kay Mama kasi di ko matiis pero paano to? Dress? Color maroon pa man din. Huhuhu! Ano ba naman. Kaya napa OO na naman ako ni Mama. Si Mama paba? Malakas yan sakin.
Naligo na ako, natulog nga ako kaninang 1pm-5pm. Haha. Masyado bang nag iipon ng energy? Pwede na. So naligo nako at nagcoconcert pako kaso naisip ko tama na! Baka mapaos pako!
Nagblower nako ng buhok at nagbihis na. Kinulot ni Mama ang lower part ng buhok ko. Remember? Si Mama fashion designer yan kaya magaling din yan sa ganito mga eklavush chuvachenes!
Then tinawagan pa ni Mama si Tita Baby, kapatid ni Mama pero bakla. Tita Baby kasi ang tawag ko eh maganda siyang bakla kala niyo ha! Mahal ko yun no. Siya kaya pinakaclose ko kesa kay Mama. Mwehehe!
"Oh close your eyes Aubrey" sabi ni Tita Baby. Eyeshadow ata nilalagay eh, naiilang nga eh kasi naman talagang titigan eh no? Hehe.
Done! Tapos na lahat at minulat ko mata ko then I saw my reflection in the mirror. What the-- Ako ba talaga to? Hindi yata eh, anghel yung nasa salamin. So parang sinabi ko ng mukhang anghel ako? Makafal naba? Sapakin niyo na haha.
Then sinuot ko na yung 4 inches heels color maroon din. Dapat nga daw 6 inches eh kaso ayoko, mapapahiya ako nun no. Huhu! Kaya tama na to, mataas pa nga to sakin eh. Promise po!
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Teen FictionIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...