Chapter 9: (Ate Aubrey!!)

40 1 4
                                    



Chapter 9: Ate Aubrey!!





Masakit sakit parin ang ulo ko until now, masyadong binigay nila lahat ng force nila kakasabunot sakin. Nalaman ko nga na kinausap sila ni Leinard eh, naawa ako sa kanila kasi mas napahiya sila eh. Hayst sana naman malaman nila ang totoong nangyayari.





Si Ayessa daw, walang pakielam sa nangyari kaya nalungkot ako kasi nalungkot si Crush Leinard. Ewan ko ba dapat nga masaya ako kasi napapansin nako ng crush ko. Hayst!




Andito nga pala ako sa kwarto, time check 4:39am pa lang pero dapat nagreready nako. Masyado ba kong madaming iniisip? Di naman sadyang maaga lang gising ko. Leche kahapon nalate ako ng gising kasi wala alarm clock ngayon maaga? Wala narin naman masama.




"Anak? Aubrey?" Kumatok si Mama sa pintuan kaya pumasok narin siya. Umupo si Mama sa kama ko at umupo ako nang Indian Seat. Namiss ko si Mama kasi minsan na lang kami mag usap ng masinsinan.




"Kamusta kana nak? Sorry ha busy si Mama sa work eh, next time babawi ako ha?" At kiniss naman ako ni Mama sa forehead ko. Naintindihan ko naman si Mama eh, namimiss ko narin naman siya pati bonding namin nina Papa.




"I'm okay naman Mama, dont worry Mama naintindihan ko naman po eh!" Sabi ko at nagyakapan kami ni Mama then sabi ko liligo nako. Para mapaaga naman ako ng pasok. Si Mama nga ready na eh at papasok na. Kaya si Ate Yna na lang daw mag aasikaso sakin.




Bigla namang may bumosena na car sa tapat ng gate. Lumabas ako para tignan kung sino. Si Peter? Anong ginagawa ng lalaking yan ha? Dejoke ang aga naman niya. Bakit kaya?




"Goodmorning Precious!" Sabi niya. Kelan pa naging Precious name ko? Aubrey po yun. A-U-B-R-E-Y!



"Aubrey name ko no!" At nagtaray ako, parang di naman bagay eh? Di ako marunong mang-irap pano ba? Mwehehe.



"Di bagay sayo mataray! Haha" at inakbayan naman ako. Pumasok na kami at pinakain ko na siya. Kaso busog na daw siya eh, isasabay pala niya ako sa pagpasok buti nalang maaga akong nagising.




"Tara na! Babye ate Yna" paalam ko. Remember Ate Yna? Yung yaya namin pero turing kong Ate kasi nga only child ako. Namiss korin si Ate Yna no. Mweheh!




Pinagbuksan naman ako ni Peter ng car niya then pumasok na rin siya. Nabigla nga ako kasi siya nagsuot ng seatbelt ko eh at hinalikan ako sa forehead ko. Amp? Bat parang nag init ang pisngi ko? Naalala ko tuloy yung Crush kong si Leinard. Nyork!




"Mamaya iniinvite kita ha?" He already broke a silence, saan naman? May birthday ba? Nako ang bad Aubrey! Di mo man lang natandaan ang birthday niya.




"Ay sorry Peter wala akong regalo ha!" At nagpeace sign ako kaso he gave me a weird look. May mali ba sa sinabi ko? Hhm?




"Haha Aubrey naman eh di ko birthday, Family Dinner lang and bawal na tumanggi kasi sinabi ko na kay Mommy" what? Family Dinner pero kasama ako? Seriously? Bakit naman ako kasama eh FAMILY DINNER nga eh.




"Huh? Diba Fa--" di ako natuloy kasi nagsalita na siya. "Don't worry sabi ni Mommy pwedeng mag invite, parang friend dinner narin" at ngumiti siya. Ambait talaga ni Peter.




Nakarating kami sa Sally High University ng andami na namang nakatingin. Ngayon na ba sila nakakita na magakasabay na babae at lalaki? O sadyang may issue na naman about sakin at kay Crush?




Dear Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon