Chapter 7: Date?
Andito kami sa classroom. Di ko parin makalimutan yung nangyari kanina eh. Eto naman si Peter antahimik ngayon,nahawaan na yata ng mga kaklase ko
"Aubrey?" Tinawag ako ni Peter. Anlungkot ng mukha niya. May problema kaya siya?
"Bakit?" Tanong ko.
"May crush kana ba?" Ano daw? Abnormal na lang ang taong walang crush no. Syempre naman,pero bakit naman niya naitanong? Hhm.
"Ahm oo naman haha" that was a fake smile,alam kong malungkot si Peter kaso ayos lang ba na tanungin ko siya kung ano yun? Wala naman sigurong masama diba?
"Hehe. Answerte naman niya" at nagfake smile din siya. Sinasabi ko na nga ba eh may problema siya. Hayst kawawa naman si Peter. Ano kayang pinoproblema nito?
"May problema kaba?" At agad naman siyang nagulat. What's wrong? Mali ba ang itanong ko kung okay lang o may problema siya? Concern friend lang naman ako eh. Hhm.
"Ha? Eh wala no" at ngumiti siya. "Ayos lang ako don't worry" then ginulo niya ang buhok ko. Ambait talaga ni Peter,swerte din ng magiging girlfriend niya. Halos perfect guy kaya siya. Alam natin na walang perfect,I mean in other words gifted siya.
May nagpoke sakin at bigla na lang akong hinawakan sa wrist ko. Bat may kuryente. Kahit wrist lang? Buset tong si Leinard kikiligin na naman ako. Echoss.
"Tara!" Sabay bulong sakin. Ano daw? San naman kami pupunta? Magdedate? Nako wag ng mag expect masakit yun.
"Saan?" Syempre pakipot muna ang lola niyo.
"Sa Mall!" Ano? Sa Mall? Naisip ko eh may klase naman. Anong pinagsasasabi ng lalaking ito? Pero keri na,gorabels na ang lola niyo. Pakipot paba? Nyii!
"Baliw? Cutting to diba?" Tanong ko habang naglalakad na kami papuntang gate. Paano kami makakalabas eh may mga guard sa Gate. Pano yun?
"Kspqjcewwsmxkwosj" ano? Wala akong maintindihan sa usapan nung guard at ni Leinard pero agad naman kaming pinalabas. Wow ha? Bat parang andali lang kay Leinard na makalabas?
"Ang galing mo, pano tayo nakalabas ng ganon ganon na lang?" Ni hindi ko kasi malaman eh, mwehehe paano na lang kung sinabi niyang cutting? Eek as if namang sabihin niya yun edi di na kami pinalabas nung guard.
"Sabi ko nanghihina ang girlfriend ko" O////O seriously? G-girlfriend? I'm gonna die omeged. Keme lang no pero talaga? Sinabi niyang girlfriend niya ako? Nako nako sumosobra na yang si Leinard ha.
Natahimik na lang ako at tahimik na nagdadrive si Leinard. Di nga niya ako pinayagan na umupo sa back seat eh sa front seat na lang daw. Hayst!
Leinard's POV
Wala naman masyadong ginagawa sa campus at room eh. Tyaka parang naiirita ako dun sa Peter ba yon? Ewan ko ba unang kita ko pa lang nag iinit na dugo ko.
Niyakag ko si Aubrey, oo alam ko na ang name niya. Ang weird nga kasi classmate ko siya but I don't know her name. Naririnig ko lang kaya nasabi kong Aubrey ang name nitong babaeng ito.
"Baliw? Cutting to diba?" Tanong niya pero di ko na pinansin. Ayoko masyado ng madaming tanong mas mabuti pa ngang umarte na lang siya na kunwari nahihilo.
"Ahm? Guard iuuwi ko lang girlfriend ko nanghihina eh" sabi ko dun sa Guard at nag oo naman kaya mabilis lang kaming nakalabas. Wala na kong ibang maisip na idadahilan sa lalaking yon.
Pinaupo ko si Aubrey sa front seat, ansagwa namang tingnan kung walang nakaupo dun tapos sa back seat si Aubrey diba? Wag niyong bigyang malisya because until now, I love Ayessa. Ganon ako kabaliw.
Niyakag ko si Aubrey sa Mall, pinagplanuhan ko ito para magkaroon kami ng issue. Isa din ako sa mga sikat sa Sally High University eh kaya mabilis kakalat ang issue namin. Anong gagawin ko? Date ang gagawin namin para magselos si Ayessa at bumalik na sakin.
"Ang galing mo, pano tayo nakalabas ng ganon ganon na lang?" Tanong niya, wala kasing bilib sakin tong babaeng ito eh. Psh! Sana naman magtagumpay ako sa plano ko. Yung kanina sa Music Hall? Tsk di naman yun kasama sa plano ko, talagang ang clumsy lang niya kasi mahuhulog na siya. Tutulungan ko na sana kaso nahigit din niya ako.
"Sabi ko nanghihina girlfriend ko" I said. Si Ayessa sana ang kasama ko ngayon at di siya, kasi namang palpak na kiss yun! Bwiset. Kahit alam kong may Edward na siya babawiin ko siya no alam kong palabas lang nila yun.
Natahimik siya, at ako? Kasalukuyang nagdidrive. Bullsht! I miss so damn my girlfriend. Dapat siya kasama ko ngayon at hindi ang babaeng ito. Ano ba pumapasok sa isip ko? Ugh! Kelangan ko ng gumalaw!
[Mall]
Niyakag ko siya sa Jollibee. Ugh kasi ayoko sa mamahaling restaurant eh naaalala ko lang si Ayessa. Tyaka siya din naman pumili nito eh ewan ko ba parang ang bata bata niyang kumain. Tingnan mo ang kalat kumain tapos may ketchup pa sa bibig. Bat parang gusto kong alisin?
"May ketchup ka oh!" At biglang gumalaw ang kamay ko para punasan. What am I doing? Ugh ano bang pinaggagagawa ko? Baliw na yata ako, oo kay Ayessa. Baka nga!
"Ah eh salamat" see? Bat parang ang bata niya? Magpapasalamat sa halip na magalit dahil ginawa ko yun. We're not close kaya dapat siya-- wala!
Pinagmasdan ko lang siyang kumain, ang ganda ng mata niya tapos ang ilong niya matangos tapos ang lips niya hindi siya naglilipstick pero ang pink naman ta-- Ano bang pinagsasasabi ko? Ayessa lang ako no! Fck.
"May dumi paba?" Tanong niya, maybe napansin niyang tinititigan ko siya. Baliw ka kasi Leinard eh.
"Huh? Wala ka bang salamin tingnan mo!" Sabi ko, ahm? Di ko sinasadya yun ha! Crap parang lumungkot mukha niya, look what you've done Leinard.
Napapansin ko din na madaming nakatingin samin. At yung iba taga Sally High University, this is so nice. Dating with this girl.
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Teen FictionIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...