Chapter 21: MSC 2(Mr. Campus Sweetheart 2)
Natapos na ang kanta ni Peter. Lahat sila naghiyawan. Lalo na ang parte ng mga fans club niya. Ang galing niyang kumanta, wala parin kupas simula nung Elementary pa kami.
Bigla na lang lumabas ang isang lalaki. Naka cap siya at nang alisin niya ito, nagulat ako kasi kasali pala siya sa Campus Sweetheart? Nice Johnson! Manonood pala ha? Kasali kadin naman pala, kaya pala pormal na pormal ang suot nung nakasalubong ko!
Sasayaw siya at ang astig! Mwahaha. Andaming back-uo siguro mga nasa apat? Madami na yun no! More than one is many kaya.
Tumugtog ng malakas at sinabayan ng mga hiyawan ng tao ang kantang As long as you love me by Backstreet Boys. Nagsimula nading sumayaw si Johnson at ang back up dancers niya.
Tangina! Makalaglag panty ka Johnson! Ang galing sumayaw. Witwit. Di na ako magtataka kung magkaroon agad ng Fans Club or maging isang sikat yan sa Campus na to. Wait? Sikat na naman pala talaga siya e. Di ko lang siguro nahahalata kasi nakafocus ako kay (alam niyo na) mwahaha!
Wooah! Go Papa Johnson.
Ay lab it! I LOVE YOU JOHNSON
Omegosh! Si Pulbo! Mahihimatay ako!
Natawa ako sa last na narinig ko. Pulbo? Haha. Ayos na pang-asar kay Johnson ah? Oo nga no! Di ko man lang naisip yun noon, Johnson Baby Powder. Mwahaha, naks ikaw na.
Bigla namang may sumigaw sa di kalayuan at nangibabaw ang boses. "Go kuya!" At napansin kong si Baby. Ano daw? Kuya? Does it mean, hayst oo gets ko na. Magkapatid sila. Di man lang sinabi sakin ni Baby na may kapatid pala siyang pulbo!
Nang matapos na sila, sumunod na ang pinakaaabangan ko. Oh sasabihin ko pa ba kung sino? Wag na! Kilala niyo na naman e. Okay kung pinipilit niyo ako sasabihin ko na. Si Leinard, the one and only. Masaya na? Haha.
Takte, nagtaka lang naman ako bigla kasi nagslow motion ang paligid nung lumabas na siya sa backstage at humarap na siya sa stage. Alam niyo yung feeling na wala kang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso niyo lang? At slow motion ang paligid. ANG GWAPO NIYA *U*
"Ahm? Ehem, so I'm Leinard Laudit, representative of Section One-Fourthyear!" At nagsimula nang maghiyawan. Sobrang lakas! Makabasag eardrum dre! Wooah!
Nagsimula na siyang magstrum ng guitar niya. At nagsimula narin akong manood, at bumalik na naman ang situation. Yung slow motion.
[Song: Passenger Seat by Stephen Speaks]
♪I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car♪Hutanghena! Sorry natututo nakong magmura. Huhu, kasi naman ang ganda ganda ng boses niya. Halos kaboses niya si Stephen Speaks ng konti, pero I swear. Para sakin mas magaling siya. Bakit nga ba ako nainlove sa lalaking ito?
Una, gwapo siya. Oo, malakas ang appeal niya pero napansin ko yan nung crush ko pa lang siya. Pangalawa, nababaitan ako sa kaniya. Alam kong hindi halata pero alam ko may hidden atittude yan. Pangatlo, di ko malaman ang dahilan. All I know is I'm inlove with this guy named Leinard but I also know, he didn't loved me back. Sa bagay, di pa naman niya alam na mahal ko siya diba?
♪And as we go the traffic light
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the eveningSana Leinard, maramdaman mo yung pagmamahal ko sa’yo. Sana naman malaman mo na nandito ako, handang magpakatanga sayo. Sana lang no? Automatic na naiinlove din ang taong kina-iinlove-an natin. Hayst! Sana lahat ng SANA natutupad sa magandang paraan.
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Teen FictionIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...