Chapter 44: CuriousPeter's Pov
Nakakatuwang isipin na mapapasaya ko na siya. Di man ako ang gumawa pero nakatulong ako. :)
Oo, humiling sakin si Leinard. Isang hiling. Abno din kasi yon, napaka torpe. HAHAHAHA NAPAKAGAGO!
"Be lated Peter" sabi ni Coolen. Isa sa mga kaibigan ko sa Japan. Filipina siya pero mukhang Japanese
"Salamat Coolen, kelan ka magbabakasyon dito?" tanong ko, naguusap kasi kami sa Skype.
"Maybe March? Yeah, march" sabi pa niya. "Wait Peter, I have to go. Tinatawag nako ni Daddy. Bye" at disconnected na.
Nagmamadali nga yata?
I'm officialy 17 years old mga tol! Yup. Kahapon ko birthday at ansaya. Hahaha kasi pinasaya ng mga gagong kaibigan namin.
Sino sino pa ba?
Be later Fafa Peter!
Omoo~ gusto kong ibigay gift ko kaso nakakahiya.
Nireplyan niya ko sa greet ko Waah!
Pakinig kong sabi ng mga girl student dito sa Campus. Di naman ako boastful na lalaki, para ireject yun.
But di ko pipilitin :')
"Ano pre pumayag ba?" nagulat ako ng biglang sumulpot ang kambal tukong ito.
"Ano, ayos ba?" si Cyan naman. Si Cyan at Phrince nga po pala.
"Ako pa ba!" Sabi ko and tingin ko nagets naman nila kaya parang mga tangang nakangiti.
"Naks naman gagraduate na si Leinard" sabi ni Cyan. Mukhang nagets ko naman yon!
"Woah! Promise magpapaparty ako kapag nakagraduate na siya" sabi naman ni Phrince.
Mga loko!
Aubrey's Pov
Busy na masyado ang school. Pano ba naman, nagreready na for tomorrow. JS Prom.
Birthday ko na din bukas. Di ko alam pero parang ansaya ko. Wow naman! Himala, araw ng mga puso, single ako, tapos ansaya ko pa? Ts.
"Yow Lyka!" Bati ko, kakamustahin ko sana sila ni Simon kaso insnob ako? Narinig niya ba o hindi? Pero mukhang narinig naman niya.
Hayst, baka busy lang. Hayaan ko muna.
Nakita ko naman si Tin. Ganto talaga ang estudyante dito ngayon, gala gala nalang. Busy din yung iba sa pakikipagchikahan para sa isusuot bukas.
Mascarade kasi ang theme.
"Best! Anong kulay ng gown mo tomorrow?" I asked. Mukhang busy siya.
"Red" sabi pa niya. Ang tipid naman, ang alam ko excited yan kapag nagJjs pero bakit anlungkot o kaya busy.
"Eh anong maskara mo?" tanong ko. I'm just trying to catch her attenion, but failed.
"I'm busy Aubrey, bukas na lang" sabi pa niya at ang lungkot.
May nangyari na naman ba sa kanila ni Edward!? I mean nag away ba o ano? Wag green!
Pumunta nalang akong locker ko. Ilalagay ko lang yung iba kong gamit. Nakakatamad ng pumasok.
Pero excited ako bukas, ewan ko kung bakit.
Nakita ko naman sina Cyan, Phrince at Peter na nagkukulitan kaya binati ko sila. "Hi Cyan, Phrince tyaka birthday boy" natatawa pa ko nyan.
Pero sila?
Di yata ako napansin at nagtatawanan pa. Nakakasura sila. Nakakaasar. Sinasadya ba nilang maging busy!?
May galit ba sila sakin!? Jusko! Nakakasura.
Nilagay ko na lang mga gamit ko at sinarado ng malakas ang locker ko kaya nakuha ko atensyon ng iba.
-
Habang naglalakad ako napansin ko naman si Baby. Anla, baka di niya rin ako pansinin.
"Hi Aubrey" napatingala ako. Akala ko di niya rin ako papansinin. "Hello Baby" I said. "Kamusta ka?" Sabi pa niya.
"Ayos lang ikaw ba?" I asked her. Mukhang masaya siya. "Ayos lang, birthday mo na bukas diba? Yieh! Alam m---" biglang may tumakip sa bibig ni Baby.
"Hey Aubrey, sorry masyadong masaya ngayon kapatid ko eh. Hahaha. Hiramin ko muna ah?" Sabi ni Johnson at nagnod lang ako.
Naglakad na lang akong papuntang room. Nadatnan ko namang maingay sila. As I expected, nag uusap about Js Prom.
Sino kaya isasayaw ni Leinard?
Omo~ Sana isayaw ako nina Leinard o kaya Cyan o Phrince o Peter
Sana lang maging last dance ko si Peter
Shitness be! Alam mo ba, magpapamake up ako sa make up artist ni Liza Soberano para mapansin lang ni Leinard.
Natawa naman ako. Desperada talaga siya, but not bad. Maganda naman siya kaso kire lang!
"Aubrey" tawag sakin ni Faith. Remember, yung may ayaw din don sa Noimy na yon.
Tss. Naalala ko na naman yung nasa City Park. Mahal pa pala niya.
"Yow" bati ko din. Buti na lang at may pumapansin sakin. Nacucurious na nga ako kung bakit di ako pinapansin ng nga ugok kong kaibigan.
Sino ba namang di macucurious! Eh yun bang biglaan ka na lang lalayuan at busy'ng-busy pa!
"Goodluck" sabi niya. Anong goodluck? May lalabanan ba ako? May aaway ba sakin?
Letsugas naman oh! Nakakairita na. NAKAKAIRITA!!!!
--
Andito na ako sa bahay at kausap ko si Mama. Miss this.
"Nak, Js Prom niyo na rin bukas. Anong gusto mong color ng gown mo. Tyaka uy! Birthday mo na" sabi ni Mama sabay ngiti.
Si Mama talaga! Hahaha.
"Ahm? Gusto ko Mama, blue!" Sabi ko pa. Ayos lang naman yun diba, tyaka haler! Fashion designer si Mama. Siguro naman madami ng model na blue gown yan.
Ganda kaya ng mga artworks niyan.
"Haha. Ikaw talaga nak. Sige ba" sabi pa niya. Nagulat naman ako ng suklayan ako ni Mama.
Naalala ko, sinusuklayan ako lagi ni Mama ng buhok nung bata pa ako.
"Aubrey, kapag nagkalovelife ka na wag mong pababayaan pag-aaral mo ha? Tyaka alam ko naman na sasaya ka nak" minsan sa mga sinasabi ni Mama, mapagkakamalan ko na siyang baliw.
San paba ako nagmana? Haha.
"Ma naman ano--" di ko natuloy ang sasabihin ko kasi nagsalita ulit siya na para bang walang narinig.
Mama naman eh T__T
"Tapos nak, kapag nagkalovelife kana. Wag mong kakalimutan ang katawan mo, magpaganda ka. Mana ka kaya sakin" sabi pa ni Mama at parehas na kaming tumawa.
Oh diba, kahit hindi ko gets ang mga pinagsasasabi niya tumawa na rin ako.
Humarap ako sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsusuklay. "Mama naman puro na lang lovelife" sabi ko.
"Nak, 17 years old kana bukas. NBSB ka diba?" Sabi pa niya. Mama naman >.< kelangan talagang ipagdiinan!
"Ma!"
"Joke lang! Tyaka ako bahala sayo bukas" at nagwink na siya. Cute ^^
Pero napaisip ako. Mga lintek kong kaibigan, nacucurious talaga ako. Mga letsugas. Ano kayang pinagkaaabalahan ng mga yon!?
Author's Note: Kyaah~ next chapter. Kaabang abang! <3 Woah #LeiBrey for the win. Woah! Keme. Well, thanks sa support niyo. Keep reading ans voting po :)
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Ficção AdolescenteIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...