Chapter 19: Sorry
Naglalakad ako ngayon papuntang Sally High University. Naalala ko lang yung kagabi, nasabi ko kaya sa kaniya? May mga nasabi kaya akong di maganda? Hayst, sana naman wala. Baka mapahiya pako.
Nakita ko si Leinard na may kausap na babae? Bakit naman? Anong pinag uusapan nila? At bakit ko ba pinapakelman? Siguro new ni Crush? Ayts, ganon ba ko kawalan ng tiwala? Hayst.
Nang makita kong umalis na yung babae, lumapit ako sa kaniya.
"Ahm, salamat!" Sabi ko. Nakakahiya kayang tumingin, nakayuko lang ako.
"For what?" He asked, gaano ba kamanhid to? Yung kahapon lang di niya maramdaman na about kahapon ang tinutukoy ko? Aish, Leinard naman e pati pagkakaroon ko ng crush sayo, di mo mapansin.
"About kahapon" nakayuko parin ako habang sinasabi yan.
"Ah welcome!" Sagot niya at umalis na. Ang snob naman, ano bang nakain nun? Nagpapasalamat lang naman ako e. Tsk!
Pumunta na lang muna akong canteen at bumili ng Shawarma, di kasi nakapagluto si Mama e. Late na sa work, eh may Shawarma naman sa Canteen. Pero mas masarap yung kay Mama ^__^
Habang kumakain ako, bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. Isang message from Peter.
From: Peter
(Aubrey I'm back :) kita na lang tayo sa rooftop)Naalala ko yung dapat kong gagawin, gusto ko talagang kausapin si Peter about dun. Hayst, bahala na si Batman, si Superman sino pa bang superhero na labas ang brief? Aish!
Inubos ko na ang Shawarma ko then naglakad nako papuntang Rooftop. Bigla namang pumasok sa isip ko si Tin. Huhu, miss ko na yung lukaret na yun. Lagot sakin yang bf niya, inagaw sakin.
Nang tumapat nako sa door ng rooftop, nakaramdam ako ng kaba. Huhu wrong timing ka naman eh, kung kelan gusto ko ng sabihin saka ako kakabahan? Nakakaano ka eh no?
Pinihit ko na ang doorknob then *tadah* nakatalikod si Peter at nakasandal sa edge ng rooftop at nakatingin sa kawalan. Parang ang lalim lalim ng iniisip.
"Oh andito kana pala. I miss you Aubrey" then kiniss niya ang forehead ko. Paano ko ba sisimulan? Eh nagpapakasweet na naman siya. Huhu!
"A-ah o-oo hehe m-miss na rin n-naman k-kita e" sabi ko. Miss ko na rin naman talaga siya e, baliw lang tong dila ko. Ewan ko kung bakit umaatras, wala naman dapat akong ikakaba dapat.
"Are you okay Aubrey?" He asked. Huminga ako ng malalim at gusto ko ng simulan.
Gusto ko ng sabihin sa kaniya ang totoo. Ayokong magsinungaling sa kaniya, at isa pa naging totoo din naman siya sakin e. Hayst! Ang bad bad ko talaga. Sana naman, di ako magsisisi sa gagawin kong ito. Ilang beses ko ng tong pinag isipan.
Ilang beses ko ng tinanong sa sarili ko. Tama ba tong gagawin ko? Ang sagot naman ng puso ko, oo. Tama lang naman daw to kasi para sa ikakabuti niya. Baka masaktan ko lang siya bandang huli kasi baka sabihin niyang paasa ako. Sabi naman ng utak ko, oo din. Kasi ganon na nga, mas maganda daw na hangga’t maaga pa, masabi ko na. Hayst!
"Peter sorry" panimula ko. Unang intro ko pa lang, kinakabahan na ko. What more kung sabihin ko ng tuluyan. Tingin ko naman di nako mauutal, kasi di naman ako nagsisinungaling e.
"Bakit Aubrey?" Tanong niya at may halong pagtataka.
"Peter, sorry kasi baka isipin mong pinaasa lang kita. Peter kasi, ano eh? Peter kasi gusto ko ng itigil mo ang pagiging suitor mo sakin. Ayokong may masaktan ako, first of all diba? Sinabi ko naman sayo na baka masaktan lang kita, at kilala mo naman talaga e. Peter sorry kasi di ko kayang ibalik yung pagmamahal at effort na ibinibigay mo sakin" namalayan kong umiiyak na pala ako.
"Peter sorry kasi gusto ko ng itigil mo yung ginagawa mo, gusto kong makahanap ka ng dapat para sayo. Yung handang tanggapin ka ng walang pag aalinlangan. Sorry ha? Ang tanga tanga ko, or let me say ang selfish ko. Peter ayoko lan---" niyakap na lang niya ako bigla
Umiiyak pa rin ako, sinabi ko lang naman lahat yun kasi ayokong masaktan siya. Alam kong alam ni Peter kung sino talaga ang gusto ko. Una palang, binalaan ko na siya.
"You don't have to say sorry Aubrey, naintindihan kita. Tahan ka na, ayokong nasasaktan ka lalo na't dahil sakin. Ayos lang naman ako Aubrey eh, wag kang mag-alala. Thanks sa pagiging concern mo Aubrey. Ako dapat ang mag sorry kasi pinilit kitang ligawan ka. Thanks for giving me a chance kahit alam kong di ko naman siya mapapantayan. Hehe, ang swerte naman niya sayo"
"Kasi may nagmamahal na katulad mo. Ang swerte niya kasi minamahal mo siya ng ganan. Sorry Aubrey, ayokong nakikita kang umiiyak. Please lang? Stop crying. Naintindihan kita kaya stop na. Promise, okay lang ako"
Nasasaktan ko na pati si Peter. Am I so being selfish? Gusto ko lang naman siyang patigilin kasi masasaktan siya sa bandang huli. Mahal ko siya pero as a friend lang. Tinuturuan ko naman sarili kong mahalin siya pero kay Leinard talaga e.
Kumalas na kami sa pagkakayakap. Umiyak din pala siya, sinasabi ko na nga ba. Ang tanga tanga ko na naman. Hayst!
"Ayos lang ako no! Basta kapag sinaktan ka niya s--" hinampas ko siya dahilan kaya napatigil siya. Sabihin ba naman daw saktan ako? Eh ni hindi nga alam ni Leinard na mahal ko siya.
"Hehe joke lang tara na nga" sabi niya tapos inakbayan niya ako. Ansarap sa feeling nang ganito. Yung parang nabunutan na ako ng tinik. Yung alm kong komportable na ko kasi wala nakong iniisip na baka may masaktan pa ako.
**
Pumunta na kami sa next subject ni Peter. Andami ngang nakatingin kasi nakaakbay sakin si Peter. Well, friend lang kami. Masyado kayong mamalisya. Hayst!
"Oh pinabibigay ni Ma’am for Campus Sweetheart" abot ni Leinard kay Peter sabay alis. Kanina pa yun? Baka may problema na naman yun
Oo nga pala, kasali sila sa Mr. Campus Sweetheart. Bukas na nga pala yun. Sana naman di maapekto yung mga sinabi ko kay Peter. Ay babawi na lang ako sa paggawa ng Banners. Pero paano si Leinard? Huhu, isasama ko si Tin. Nasan na bayun?
"Oy Aubrey" biglang may nagpoke sakin and speaking of, andito siya sa unahan ko. Napapansin ko lang na tumataba si Tin. Hhmp?
"Yes Ms. Ramos?" Sabi ko, susungitan ko lang naman e ano ba? Namiss ko kaya si Bestfriend.
"Asus, don't me Ms. Macalintal, parehas nating namiss ang isa't-isa" then nagkatinginan kami. Alam na alam eno?
"Kyyah~ miss you bestfriend" then hinug ko siya. Ansarap niyang kayapos, lalo't parang tumataba siya. Ano kayang kinakain nito?
"Yieh, miss you too bestfriend" then hinug din niya ako. Asus, pagbigyan niyo na, minsan ko na lang ulit to makasama e. Miss my bestfriend :'(
[Locker]
"Pano ba yan best? I have to go bye" then kiniss ko na siya sa cheeks. Umalis nako kasi maaga dapat akong umuwi. Wala si Ate Yna kaya magluluto ako para kay Mama and for me.
Nagtatakbo ako papuntang Parking Lot pero bigla nalang akong natumba dahil may nakabunggo ako. Ansakit sa pwet nun ah? Ouch!
"A-aray!" Daing ko, ansakit sa pwet promise tapos may mga dala pakong libro.
"Oh" abot niya sakin ng libro. Napulot na pala niya, wait familiar sakin yung boses. Tumingala ako para siguraduhin ko kung sino.
"Minsan mag-iingat ka ha? Clumsy mo. Haha" ay binelatan pa ako. May part na nasura ako, asarin ba daw ako. Pero may part na kinikilig ako, ang cute cute kaya niya. Yyieh! Bipolar kong crush!
Nagpunta na akong Parking lot then nag-abang nako ng taxi. Malapit kasi sa Parking lot natigil ang mga taxi kaya di naman mahirap akong nakasakay.
Pagkauwi ko nagluto nako ng adobo. Oh diba, improving ako. Mwahaha, tinuruan kaya ako ni Ate Yna last day, kala niyo ha?
Naalala ko tuloy yung kanina sa rooftop, I'm happy kasi nasabi ko na sa kaniya but I'm sad for him. Alam kong nasaktan ko siya kahit di niya sabihin. Hayst, sorry talaga Peter.
BINABASA MO ANG
Dear Crush [Completed]
Teen FictionIsang Aubrey Macalintal ang may crush sa sikat na sa Campus nila na si Leinard Laudit. Isang taon na siyang may crush sa binata, pero ng dahil sa isang sitwasyon nagbago ang lahat. Nawala ang girlfriend ni Leinard, nagbago ang takbo ng buhay ni Aubr...