Chapter 17: (Si Mahal ko!)

51 2 0
                                    




Chapter 17: Si Mahal ko!


Pumasok na ako ng Sally High, nagtungo muna ako sa bench. Wala pa namang klase ang alam ko kaya magdadrawing na muna ako.





"Hi Aubrey!" Boses pa lang alam ko na. Kinikilig ako ngayon ha? Haha. Paiba iba ng mood talaga. Amp? Paktay!!!




"H-hello!" Bati ako at tinago ang dinadrawing ko. Inhale, exhale Aubrey. Wag kang matense.




"Anong dinadrawing mo?" Tanong niya, potek! Anong isasagot ko? Amp?



"T-tao!" Sagot ko, masyado bang obvious! Amp?



"Hahahaha! Malamang, nakita ko eh. I mean sino yan?" Tanong niya, anong isasagot ko? Ah eh ih oh uh! Wwaahhh~



"Si Mahal ko!" Sagot ko at lumungkot ang mukha niya. Anong meron? Si Crush talaga, parang meron din. Nag iiba ang mood bigla bigla.



"Sino bang mahal mo?" Tanong niya. S-sino nga b-ba m-mahal ko!? Uuugh! Malamang si ano... Si ano! SIYA!???




"WALA KA NA DON!" sigaw ko kaya napalayo siya, medyo tutok sa tenga din yun e. Sorry na Leinard. Huhu mamaya pagpiyestahan pako ng mga fans mo.



Nakita kong nagsmirk siya then inilagay niya yung dalawang kamay niya sa bulsa niya. "Nakita mo ba si Baby ko?" O___O sinong baby sinasabi niya? Anong baby? May anak na siya?



"May anak ka na?" Out of nowhere kong sagot. May anak na siya? Ayts, isip isip Aubrey. Baka naman chix niya? Ang chix naman ni Crush. Hayst!



"Psh! Si Baby ko? Yung baby ko!" Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Anong sinasabi niya? Baka yung kausap niya kahapon? Amp? Ansakit naman, nawala lang si Ayessa may baby na siya!



"M-malay ko sayo! Magsama kayo ng baby mo!" At tumayo nako. Sorry crush, I can't control pala, kasi meron ako ngayon. Alam na ng mga girls reader yon. Mwahaha!




Hinawakan niya ang kamay ko. Ouch! May kuryente na naman ah? "Selos ka no!" At ngumiti siya. Puchek, ako magseselos? No way! Crush ko lang naman siya diba? Diba!!




"Hindi no! Bat ako magseselos! May Peter nako!" Sigaw ko, amp? Bigla naman niyang binitawan at nagalit ang mukha. Ewan ko kung galit nga ang mukha, tingin ko lang. May nasabi ba akong mali?





"Aaaaauubbbrreeyy!" Nakakabingi naman yung sigaw na yun. Ang tinis pa ng boses. Sino yun? Naglalakad kasi ako pataas sa rooftop.




"Kkyah~~ Aubrey!" Biglang yapos sakin ni Baby?




"Hingal na hingal ka" sabi ko then kumalas na siya sa pagkakayapos.




"Miss na kita, tinext kita di mo ko nireplyan" then nagpout siya. Ang cute niya. Hehe, tiningnan ko ang cellphone ko at 5 messages na pala.




"Hehe. Sorry Baby ha? Sorry talaga!" Then hinila ko siya. Isasama ko na din sa rooftop. Yung favorite place ko sa Campus na to!




Pagkaakyat na pag kaakyat namin, dumiretso ako dun sa may bakal malapit sa edge ng rooftop. Bakit parang gustong lumabas ng mga luha ko? Ganon kasi ako, kapag napunta ako dito kahit wala naman dapat iyakan. Napapaiyak ako.



"Ang ganda naman dito" sabi niya at tumingin sa langit.




Rooftop ang magaling kong sandalan kapag may problema kami ni Tin. Dito kami nagbubuhos ng iyak, lungkot, saya at isinisigaw namin ang gusto naming isigaw. Wala namang nakakarinig e.




Dear Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon