Chapter 38: Confirm

33 0 0
                                    

Chapter 38: Confirm

"Selos lang yan" bulong ni Edward. Tsk, feeling close. -,-

"Feeling close" sabi ko. Ano kayang pinagsasasabi nitong selos. Wala naman. Tyaka eew, as if namang magselos ako.

"Well, I'm just telling the truth. Nagseselos ka, the way you look at them. Parang kinakatay mo na ng buhay yung girl. Di mo nga ata namamalayan na halos 1 minute ka ng nakatingin sa kanila" sabi ni Edward.

Ganon na ba yun katagal? Eek.

"Thank you" pahabol pa niya. Napatingin naman ako sa kaniya. "Thanks for what?" I asked him.

"Thanks kasi tinanggap mo pako para sa bestfriend mo. Nagsisisi na naman ako sa ginawa ko 'non e. Tyaka magbabago nak--Aray!" Binatukan ko. Future tense dre? Magbabago?

"Lul, anong magbabago? Dapat nagbabago! Tyaka dapat lang" sabi ko. Nakikita ko naman na nagbabago siya pero....Ah basta wala parin akong tiwala.

"Okay fine" tinaas pa niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko "Mahal na mahal ko ang bestfriend mo" I can see his sincerity by his eyes.

Tsk.

Natapos ng kumanta si Peter. Kaya nag aayos na yung iba para umalis.

"Guys, goodnight. See you next year guys" sabi naman ni Baby. Nagkumpulan kasi kami dito e.

"Nakakaiyak bes" at nag iyak iyakan pa si Phrince, sinakyan naman ni Cyan. Kaya napatawa kami, kahit kelan talaga.

"Paano ba yan? See you next year, iintayin ko yung regalo ko senyong lahat ha? Bye" sabi ni Johnson kasama si Baby.

"Thanks again Aubrey" sabi ni Peter at hinalikan ako sa pisngi kaya nagulat ako. Sumunod na siya kay Baby.

Nakatingin naman silang lahat sakin lalong lalo na si Leonard. Andito pala yan?

"What?" I asked tapos bumalik na ulit sa normal. "Group hug" sigaw ni Leonard kaya nag group hug kami. Namalayan kong katabi ko pala si Leinard O/////O

Umalis din naman agad sa group hug. Di ko siya nakita kanina ah?

"Oh Aubrey" abot ni Cyan sakin. Yung choco shake. I giggled. I remember the day when the three of them sat beside me. And the guy beside me is Cyan. He gave me a choco shake with a note 'see you when I see you Ms. Macalintal'

Tinanggap ko naman yun. Nag ehem naman bigla si Leonard. May ubo ba talaga yan? Mwehehe :3

"Ay Leonard thanks nga pala sa binili mo saking dress" I thanked him. Napatingin naman silang lahat kay Leonard sabay kay Leinard.

"LEOOOONNNAARRDD!" sabi ni Leinard at hinabol si Leonard na tawang tawa. Okay, what's going on?

Nagtawanan naman sila. Nag si uwian narin sila. Isasabay nga daw sana ako ni Leonard kaso tumanggi ako. Sasabay ako kay Tin, pupunta kasi ako sa kanila remember?

Pagkalabas na pagkalabas namin ng parking lot, nakita ko si Leinard na may katawagan ata sa cellphone at napatingin siya sakin.

<3 dug dug. dug dug.

Lecheng puso!

Sumakay nako sa kotse ni Edward. Nasa front seat naman si Tin. Ayos na sila, yan ang masasabi ko. Para narin sa Baby nila.

"Ahm Ed, si Aubrey dun din samin ingat ka sa pag uwi" sabi naman ni Tin ng makita na niya ang bahay nila ay tumigil na si Edward.

"Okay no problem, bye ingat" sabi ni Edward at pinagbuksan si Tin. Bubuksan ko na sana yung pinto ng car ng biglang buksan ni Edward. Tss.

Ngumiti lang siya. Then pumasok na kami.

"Hi Tita" sabi ko. Tagal ko na ding di nakikita si Tita e. Nakakamiss.

"Oh ija, andito ka pala. Dito kaba tutulog?" Tanong niya. Walang kupas talaga ang ganda ni Tita. Ambait pa. Loko lang talaga Papa ni Tin, iniwan ang dyosa. Hahaha.

"Ahm. Hindi po, uuwi rin po ako" and I smiled. Umakyat na kami ni Tin sa kwarto niya. Then humiga ako, jusko nakakapagod!

"Oh anong problema, Ms. Macalintal?" Sabi niya at naghahanap ng tsinelas panghalili sa sandals.

"Problema agad?" Napaupo tuloy ako sa kama niya.

"Asssus, ikaw ha. Kilala kita, share ka na" sabi niya at umupo din sa kama. She know me too well, kahit 3 years kaming magbestfriend.

"Nalilito kasi ako Tin e" I started to open the topic. I sighed.

"About you feelings?" And I nodded. Umayos siya ng upo, then eto na. Eto na. Sumapi na ang Aubrey Macalintal Spirit kay Tin. Ako naman kasi ang magaling talaga sa advice pero padating ko sa sarili ko, di ko kaya.

"Well, Aubrey. Be yourself first. Kasi minsan sa feelings, naloloko mo ang sarili mo. But in the end, you regret kasi lalong lumala. Nakikita ko naman sa mga ikinikilos mo, you already love him Aubrey. The way you look at him, the way you na kausapin mo siya"

"Sa feelings, wag mong lokohin ang sarili mo. Dahil kapag niloko mo sarili mo, naloko mo na din ang ibang tao. Nasaktan mo pa sarili mo. Halata naman sayo na nagseselos ka, di mo lang talaga pinapahalata ng pinapahalata kasi nga tinatago mo"

"Aubrey, tell me. Sa paningin mo, inlove lang yan no? Well, you're wrong. You already love him. Ilang years na ba yan, two?" At nagnod ako.

"Tin, kanina inamin ko sa sarili ko na mahal ko siya pero di ko alam ngayon, bakit nagdadalawang isip ako" I said at tinap niya lang ulo ko.

"Aubrey, di naman kasi forever na masstock ka sa crush e. Nagiimprove yan no. Kahit alam ko ang sagot, I'll try to ask you this question, nagseselos kaba, kapag nakikita mo siyang may kasamang iba at iba ang nagpapasaya sa kaniya?" My eyes widened and my heartbeats fast.

Selos lang yan -Edward

Calm down, ganan talaga pag nagseselos -Simon

"Confirmed!" Sigaw niya. Huh?

"Anong confirmed eh wala pa nga akong sagot" I said. Confirmed agad?

"Yun na nga Aubrey eh, wala kang sagot. Silence means yes. Di ka naman mananahimik at mag iisip kung di ka nagseselos diba? Bat ka nagdadalawang isip kung hindi diba?" Napaisip ako dun, talaga ba?

"CONFIRMED" I whispered. Kitang kita ng peripheral vision ko na ang lawak ng ngiti ni Tin. Kasi napaamin niya ako.

So all this time, naloloko ko na pala sarili ko? Malay ko ba. Tsk, tyaka ang hirap kaya kasi sa paniniwala ko inlove lang ako.

I love him.

Dear Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon