" anggaling mo naman."Napatigil ako sa pag'e'sketch ng may magsalita sa tabi ko.
Nakangiti siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Kelan pa to nakalapit?" sabi ko ang'galing mo." Ulit niya
" tapos?"
Napakamot naman siya ng ulo niya dahil sa sinabi ko.
Isinara ko sketch pad ko at Ibinaling ko na lang ang tingin sa harapan para makinig sa discussion ng professor namin." thanks" mahinang sabi ko. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin at ngumiti nanaman. Hindi ko na lang pinansin
--------------------
Kasalukuyan akong kumakain dahil lunch time na. Tapos na ang dalawang subject ko at mamayang 2:30 pa ang simula ng klase ko mamaya.
Mag-isa lang ako at tahimik na kumakain ng may umupo sa may tapat ko at tumingin sa akin ng nakangiti. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.
" Hi,pwedeng patabi?"
Nakaupo ka na nga eh. Tinanguan ko na lang.
" I'm Ryann, and you are?" Sabi niya at inabot ang kamay sa akin. Tumigil muna ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
" Maki" at saka ko inabot ang kamay niya. Tumango tango naman siya na parang nakadiskubre ng isang magandang bagay at kumain na rin
" bakit parang ilag ang ibang estudyante dito sayo?" Biglang tanong niya
" because I'm weird?" Patanong na sagot ko
" Eh? Hindi naman a. Sa tingin ko ay isang simpleng estudyante ka rin katulad namin"
" hindi naman pare-pareho ang pagtingin ng tao." Sagot ko kaya tumango na lang siya
" pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong niya at ngumiti
Tinitigan ko lang siya" pleaseeeee." At pinagdaop ang mga palad kaya inirapan ko na lang. Nakatagpo nanaman ako ng isip-bata
" I'll take that as a yes." Sabi pa niya at kumindat. Gwapo naman siya eh, mahaba ang buhok at maputi.
" ano sabay na tayong pumunta sa classroom mamaya?" Tanong niya. Feeling close din to kaagad eh.
" bahala ka."
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
" sigurado ka bang ayaw mong sumabay sa akin?" Ryann
Ang kulit
" may sasakyan nga ako."
" eh sigurado ka bang yan ang gagamitin mo?"
Ano bang masama kung nakamotor ako?
Tumango na lang ako" hindi ba delikado para sayo yan?"
" pwede ba umuwi ka na lang? Daldal mo rin eh. Ayos nga lang kasi ako." Sabi ko
Napabuntong hininga naman siya" please be safe." Sabi niya
" oo na po, Ryann." Sabi ko pero pinitik niya noo ko
" Yah ! I told you to call me oppa." Sabi niya. Aish ! Ang sakit
" oo na oo na ! Umalis ka na." Tinulak tulak ko na siya sa loob ng kotse niya. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang pumasok at umalis. Pero nanermon pa. Tsk ! Kakakilala ko pa lang sa kanya pero lakas makasermon.
At ewan ko rin ba bakit anggaan ng loob ko sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/76195005-288-k736933.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Talking With The Ghost
Paranormal" Ahhhh ! Layuan niyo na ako please. Naglalakihan na ang eyebags ko ng dahil sa inyo !" - Maki Dvonne