Chapter 11

767 48 5
                                    

MAKI

Hindi na kami pumasok ni Ryann at dumiretso na lang kami sa isang playground. Ang sabi niya dito daw sila madalas ng kapatid niya noon.
Nakaupo lang kami sa swing at tahimik lang siya magmula kanina.

" Tungkol dun sa sinabi mo kanina. Is that true?" Pambabasag niya ng katahimikan. Napatingin ako sa kanya at tumango.

" Yeah. Balak ko na talagang sabihin yun sayo kanina kaya ako maagang pumasok para abangan. Hindi ko naman aakalain na ganun ang madadatnan ko eh." Sagot ko sa kanya kaya napayuko siya.

" pAsensya ka na." Mahinang sambit niya, tama lang para marinig ko.
Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito.

" Wala yun. Basta ba ipromise mo sa akin na hindi mo na ulit gagawin yun." Ako

Tumango siya't ngumiti. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tumitig sa akin.

" Oo nga pala. Sa tingin ko ay may dApat ka pang ipaliwanag." Sabi niya sa akin kaya napakamot ako ng ulo. Oo nga pala

>>>>>>>>>>>>>>>>

Inabutan niya ako ng maiinom at umupo siya sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa isang bench. Mas komportable kasi kung dito ko sasabihin sa kanya lahat.

" Gaya nga ng sinabi ko kanina, nakakakita ako ng multo. Ammm... Paano ko ba sasabihin to?"
Anghirap pala, paano ko ba uumpisahan ito?

" sige ganito na lang. Magtatanong na lang ako tungkol sa bagay na yan at sagutin mo ng totoo." Ryann, kaya tinanguan ko siya. Mas okay nga yun.

" Kelan nagsimula yan? Paano ka nagkaroon ng ganyang ability?" Ryann.

" hmm... 2 years ago kasi nasangkot ako sa isang aksidente. Ang sabi sa akin noong magising ako from coma, nabagok daw ang ulo ko kaya ako nagkaroon ng amnesia---"

" What!? May amnesia ka?" Ryann. Hindi ko natuloy ang pagkukwento dahil sa pagsigaw niya. Mabuti na lang at walang halos tao dito

" shh ! Ingay mo. Oo, may amnesia ako. Sa katunayan nga, si Brylle ang doctor ko noon. Yun yung nabanggit ko sayo nung nasa may parking tayo." Dugtong ko kaya tumango tango siya

" yun... Pagkagising ko from coma. Nagstay pa ako ng ilang week sa hospital. Dun ko nakilala si Mavi."

" Mavi?"



" Yupp. Nabanggit ko siya sayo noon. Nakilala ko siya noon kasi nakita ko siyang umiiyak sa may tabi. Kinausap ko siya at ang sabi niya, namatay daw yung isa niyang bestfriend. Inalo ko siya kasi pakiramdam ko naramdaman ko na rin yung ganun eh. Pkiramdam ko namatayan din ako ng bestfriend. Ewan ko ba nung mga oras na yun. Simula nun naging magkaibigan na kami ni Mavi." Pagkukwento ko.

"... At ng makalabas ng hospital, dun na nagsimula ang lahat. Lagi na akong nakakakita ng multo hanggang sa nasanay. Hindi ko na lang pinapansin ang iba, pero kasi may mga multo talagang makukulit at hindi ako tinitigilan hanggang sa matulungan ko sila." Tuloy ko


" ano namang klaseng tulong?"

Luh curious na curious siya.

" hmm... Simple lang naman, tulad ng pag-aabot ng mga bagay na ipinamana o di kaya mga mensahe nila ganun." Sagot ko sa kanya kaya tumango tango siya.

" Hindi ka ba nababahala na may ganyan kang kakayahan? Na baka mamaya mapossess ka at hindi na ibalik ang katawan mo."

Napaisip naman ako. Hindi pa naman sumagi sa isip ko ang bagay na yun. Na baka nga hindi na maibalik ang katawan ko.

" syempre minsan naiisip ko, bakit ako pa yung may kakayahang makakita ng patay na? Bakit kailangang pagdaanan ko ito? Madami pa akong tanong na hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot. Nababahala din ako minsan pero dahil wala naman akong magawa, tinanggap ko na lang. Acceptance lang naman ang kailangan eh. Saka masaya din akong makatulong kahit papaano."

Ngumiti siya sa akin at bigla akong niyakap. Napangiti na rin ako at gumanti rin sa kanya

" I'm so glad na sinasabi mo ito ngayon sa akin. Thanks for trusting me Maki. Thank you." Ryann sabay kalas ng yakap. Lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
May naisip naman ako bigla.


" Ryann."

" oppa." Pagtatama niya pero hindi ko na lang pinansin.

" total ayoko diyan sa oppa na yan. Pwede bang yann-yann na lang itawag ko sayo?" Kesa naman oppa, hindi kasi ako komportable.

" psh. Oo na." Sabi niya at ngumiti kaya niyakap ko siya ulit.

Napatingin ako sa may gawing kinaroroonan ng monkey bar.
S-siya yun ! Yung lalaking may mahabang puting buhok. Nakatitig siya sa amin---sa akin.

Pero bakit ganun? Bakit mukhang nasasaktan at nalulungkot siya?
Napatayo ako kaya tumingin sa akin si Yann-yann na nagtataka.

" Anong problema Maki?" Napatingin ako sa kanya saglit at agad na tumingin sa may gawi pero wala na siya. Tumingin tingin pa ako sa paligid baka makita ko pa siya pero wala na. Sino ba talag ang lalaking yun?


" w-wala. Akala ko kasi may nakita akong kakilala. Bata lang palang naglalaro." Tumingin siya sa may gawing tinitignan ko.

" ganun ba?" Tinanguan ko lang siya

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Ihinatid ako ni Ryann sa condo ko at nakita kong nakaabang si Brylle sa harap ng building. Para naman siyang di matAe.
Nagpaalam ako kay Ryann at hinintay siyang makaalis bago lapitan si Brylle.

" Brylle." Tawag ko sa kanya ng nakangiti. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

" Brylle may problema ba?" Ramdam ko kasi ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ano bang nangyayari sa isang to?

Napatingin ako sa may loob ng building kung saan may mga taong naglalakad.
Napakunot noo ako ng makita ko si papa.

" Brylle, si papa ata yun oh." Sabi ko sa kanya at ramdam kong lalong humigpit ang pagkakayakap niya.
Napakunot noo ako dahil sa inaasta niya. Nakakaramdam na rin ako ng kaba.

" Brylle, ano ba kasing problema? Magsalita ka nga."

Nakita kong umaalog ang mga balikat niya.
U-umiiyak ba siya?

" Brylle, pwede ba sabihin mo sa akin kung anong nangyayari!? Bakit ka umiiyak ha?" Nagpapanic na ako dahil sa kanya.


" Tinawagan ako ng mama mo kanina at may pinapasabi siya sayo"

Bakit naman siya tatawagan ni mama para lang may ipasabi sa akin?

" ano yun? At kailangan pang ikaw ang magsabi sa akin?" Tanong ko. Pwede naman kasing sabihin sa akin ni mama ng direkta di'ba?

" She was scared"

Huh?


" Brylle pwede ba diretsuhin mo na lang ako?" Naiinip na ako sa sasabihin niya and at the same time ay kinakabahan. Bumibilis ang kalabog ng puso ko.


" Your fAther passed away because of car accident."

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon