Chapter 14

745 39 4
                                    

MAKI

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Bumangon ako at tinignan ang oras. 6am pa lang ng umaga.
Bumangon na lang ako at dumiretsong kusina upang magtimpla ng kape. Nagkakamot pa ako ng tyan ko habang naglalakad at humihikab. Sabado ngayon pero Ang-aga kong nagising.

" Gising ka na pala."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses na yun? Agad kong niligon ang nagmamay-ari ng boses . Nakita ko siyang nakaupo habang may kapeng hawak. Walang emosyong nakatitig sa akin.

" B-bakit nandito ka pa? Pinaalis na kita diba?" Sabi ko pero nagkibit balikat lang siya sa akin.

" Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Sino ka ba?" Tanong ko. Tinitigan niya lang ako bago niya mapagpasyahang tumayo. Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin.

" Hindi mo ako kilala?" Tanong niya habang lumalapit. Umiling ako bilang sagot

" Sigurado ka ba?" Tanong ulit niya

" O-oo naman. Maliban sa nakikita kita sa garden wala na akong maalalang nakita na kita sa kung saan. Hindi kita kilala." Sabi ko sa kanya kaya tumigil siya sa paglapit. Ayan nanaman siya sa titig niyang walang kabuhay buhay

" Oo nga naman. Tama ka, ngayon lang talaga tayo nagkita." Sabi niya at bumalik sa pagkakaupo niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Pero pansin ko lang na kanina pa siya umiinom ng kape pero mukhang hindi naman nababawasan. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatitig lang siya sa may bintana.
Hindi ko alam kung bakit pero naluluha ako dahil sa naisip ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya pero hindi man lang siya lumingon. Nanginginig man ay hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.
Nanginginig ang kamay ko ng mahawakan ko siya. Ramdam ko ang pamilyar na lamig sa tuwing nakakahawak ako ng isang tulad niya.

" You're a ghost." That was meant to be a question but it came out as a statement.

" I am." He said without looking at me.

" Kaya ba... Kaya ka ba nandito dahil kailangan mo ng tulong ko?" Tanong ko na ikinalingon niya sa akin. It takes a minute before he finally answered my question with a nod. Angtipid niya sumagot

" Anong gusto mong gawin?" Tanong ko. Pakiramdam ko gusto ko siyang tulungan but at the same time ayoko. Pero bakit? Nababaliw na siguro ako

" Just simple. Gusto ko lang gawin lahat ng bagay na hindi ko nagawa nung nabubuhay pa ako." Sagot niya

" Tulad ng alin?"

" Mga simpleng bagay na ipinangako ko sa isang babae at magagawa ko lang yun sa tulong mo." Ngisi niya . Napakunot noo ako dahil dun

" aba mukhang hindi ko gusto ang iniisip mo ha." Sabi ko at lumapit sa ref upang kumuha ng fresh milk. Nagsalin ako nun sa baso at umupo na rin.

" hindi mo ko tutulungan?" Tanong niya

" malay ko ba kung ano yang sinasabi mong gusto mong gawin noh. Baka mamaya holdaper o di kaya kidnapper ka nung nabubuhay ka." Sabi ko sa kanya

" hindi mo talaga ako tutulungan?" Ulit pa niya kaya nagkibit balikat ako.

" pwes hindi ko patatahimikin ang buhay mo. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita napapapayag." Sabi niya at bigla na lang nawala na parang bula. Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Walang hiyang multong yun nagwalk-out !

>>>>>>>>>>>>>

*beep*

Kinuha ko ang phone ko sa kama habang sinusuklay ang buhok ko.

" gonna fetch you later *wink*" basa ng kung sino sa text message ni Ryann. Tsk ' nakalimutan kong ipapakilala niya daw ako sa ate Rica niya at sa mga kabanda niya. At nakalimutan ko ring may multong pasulpot sulpot sa condo ko at nang-iistorbo

" Mukhang may lakad ka aa." Sabi niya kaya nilingon ko siya at inirapan.

" Huwag ka nga biglang sumusulpot. Baka mamaya niyan sumulpot ka habang nagbibihis o di kaya naliligo ako." Ismid ko sa kanya. Naconscious naman ako ng tingnan niya ko mula paa hanggang ulo.

" Huwag kang mag-alala nakita ko na naman yan nung isang gabi." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at itinapon sa kanya ang suklay na ginagamit ko. Pero bigla siyang nawala kaya diretso lang sa sahig ang suklay.

" Urgh ! Bumalik ka dito multong longhair na manyak !" Sigaw ko at napapadyak. Bastos !

>>>>>>>>>>>>>>>>>

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon