Chapter 15

823 34 2
                                    

MAKI

*ding*dong*

Agad kong iniligpit ang gamit ko at kinuha ang kwentas na krus na may rosas ng marinig ko yun. Mukhang nandito na si Ryann.
Patakbo akong lumapit sa pinto at inayos ang dress na suot ko saka binuksan ang pinto.

" Ry---" natigil ako ng makitang hindi si Ryann ang nasa harap ko.
Nakatitig lang siya sa akin. Muntanga dre? Ipinitik ko ang mga daliri sa harap ng mukha niya. Mukha namang nagising siya.

" Sino sila?" Tanong ko, napakurap pa siya ng tatlong beses.

" A-ah ano kasi... Hmmm, ikaw ba si Maki Dvonne?" Tanong din niya, tumango naman ako bilang sagot. Lumaki ang mga mata niya na mukhang natuwang makita ako.

" Ikaw? Waaaa !" Siya at bigla na lang akong niyakap. Nabigla naman ako dahil dun

" Teka ! Teka, bakit ka nangyayakap? Bitawwww---" sino ba itong batang 'to at bigla na lang nangyayakap.

" iiiiiiih anganda mo kasi. Pwede bang ikaw na lang girlfriend ko?"

WHAT !?

" Ano? Teka sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Kahit naman siksik sa kacutan itong nangyayakap sa akin eh aba'y kailangang makilala . Mamaya mamamatay tao pala 'to hehe.

" oh, sorry. I'm Ian. Pinadala ako dito ni Hyung Ry para sunduin ka." Nakangiting sagot niya sa akin. Kung ganun siya na pala ang sundo ko. Ano kayang nangyari kay Ryann at hindi siya ang sumundo sa akin? Hindi naman sa ayaw ko ang batang 'to, nakakapagtaka lang dahil nagtext pa siya kanina.
Mukhang nabasa ni Ian ang iniisip ko kaya nagsalita siya.

" Don't worry, ayos lang naman si hyung. Yun nga lang nagtatae ata dahil sa dami ng kapeng nainom niya." Sabi niya at bigla na lang tumawa kaya natawa na rin ako. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Inaya na niya ako kaya naman bumaba na kami at pumuntang parking lot. Pinagbuksan niya ako ng marating namin ang kotse pero hindi muna ako pumasok.

" Anong problema?" Nagtatakang tanong niya

" Ikaw ba ang magdadrive? May license ka na?" Tanong ko. Mahirap na, baka wala pang lisensya ang batang 'to. Mas matangkad siya sa akin pero mukha namang mas bata siya eh.
Nagpout naman siya dahil sa tanong ko.

" Grabe ka naman, anong tingin mo sa akin menor de edad?" Ian, napakunot noo naman ako.

" Hindi ba?" Mukha namang nakuha niya ang gusto kong sabihin kaya tumayo siya ng tuwid

" Ahhh kaya pala. Baby face lang ako, pero magkasing edad tayo no. Mas matanda lang sa akin ng isang taon sila Hyung Ry, hyung Jb, at Hyung Jin-jin. Sabi sa akin ni hyung Ry, edad 20 ka na. Kaya magkaedad lang tayo." Paliwanag niya. Napa-aaah naman ako at pumasok na ganun rin siya.
Inistart niya ang engine pero bago magdrive ay pinisil na muna niya ang pisnge ko at pinanggigilan.

" Hmmm. Angcute mo talaga. Girlfriend na kita ha?" Saka niya pinaandar an kotse. Nagkibit balikat na lang ako dahil alam ko namang nagbibiro lang siya.
Habang nasa byahe, pansin kong nakailang beses na siyang tingin sa side mirror kaya nagtaka ako. Pasimple akong tumingin sa likod pero wala naman akong makitang kahinahinala.
Tumingin ulit ako kay Ian at nakitang napalunok siya.

" May problema ba?" Tanong ko, mukha kasing hindi siya mapakali

" Ha? Ah oo, naalala ko kasing may ipanapabili sa akin si Hyung Jb. E lumagpas na kasi tayo dun sa pagbibilhan." Sagot niya

" Ganun ba? Ayaw mo bang bumalik? Baka mapagalitan ka niyan." Ako

" Okay lang. Hindi naman marunong magalit si hyung. Masyadong mabait yun." Sagot niya ng nakangiti kaya tumango na lang ako.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa mansyon nila Ryann. Medyo malayo din pala ito mula sa condo ko.
Pinagbuksan ulit ako ni Ian ng pinto at sabay kaming pumasok sa loob. May ilang maid ang bumabati sa amin habang papuntang sala. Nandun daw kasi silang lahat.

" Hihihihi." Mukha talagang ewan 'tong si Ian. Tumatawa ng walang dahilan. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot noo.
Kinindatan niya ako at sinabihang wag maingay. May kalokohan 'to sigurado.
Nakita naming nagtatawanan ang dalawang lalaki at isang babae sa may sala. Mukhang may nakakatawa silang pinagkukwentuhan. Sabay ng pagdating namin ay ang pagbaba din ni Ryann.

" Maki !" Tawag niya sa akin ng nakangiti kaya ngumiti din ako at kumaway sa kanya. Napatingin sa amin ang kanina'y nagtatawanan.

" Nandito na kami !" Sigaw ni Ian. Para talagang bata. Lumapit sila sa amin. Pero nabigla ako ng hilain ako ni Ryann palapit sa kanya at tinignan ng masama ang nakangiting si Ian.

" Hyung girlfriend ko na siya !" Sigaw niya na parang bata. Napamake face ako ng sabihin niya yun. Yung totoo? Magkasing-edad ba talaga kami?
Tinignan ako niRyann pero nagkibit balikat lang ako. Malay ko diyan.
Akmang babatukan na ni Ryann si Ian ng pumagitna yung babae na sa tingin ko ay ang ate Rica niya. May hawig sila ni Ryann.

" Hep ! Tama na nga yan. Nakakahiya sa magandang dalaga na ito oh." Saway niya sa dalawa kaya napatawa naman ang dalawa.

" Ako pala ang ate ni Ryann. Ako si Rica." Pakilala niya sa akin habang nakangiti kaya naman ngumiti rin ako at nakipagkamay.

" I'm Maki Dvonne."

" Hi ! I'm Jb, basist." Sabi nung lalaking brown ang buhok. Mukha nga siyang mabait

" Jin-jin, ang gwapong drummer" sabi naman nung lalaking sobrang singkit at blonde ang buhok. Kahit siguro hindi siya ngumiti ay talagang guhit na lang ang mata niya.
Nakipagkamay ako sa kanila.

" Gf ! Kilala mo na ako diba? Pianist ng melows !" Hyper talaga itong si Ian.

" Kung ganun, ikaw ang vocalist Ryann?" Baling ko kay Ryann na mukhang di mapakali.

" ah oo."

" Ba't mukhang di ka matae dyan?" Tanong ko. Rinig ko namang nagpipigil ng tawa ang apat na nasa gilid ko kaya tumingin ako sa kanila. Mga weirdo rin pala ang mga ito.
Inakbayan ako ni Ate Rica at bumulong.

" may lbm." Bulong niya pero halata namang pinaparinig niya sa lahat kaya nagsitawanan sila. Pati tuloy ako ay natatawa. Masamang nakatingin sa amin si Ryann at pinagtuturo kami.

" Hintayin niyo kong matapos." Sabiniya at tumakbo sa taas. Nagkatinginan kami ng ilang sandali...



" HAHAHAHAHA KADIRI!"

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon