Chapter 5

993 55 2
                                    

MAKI

Sino ba ang lalaking yun? Bakit pakiramdam ko ay pamilyar siya sa akin? Hindi kaya'y may koneksyon siya sa nakaraan ko?
Aish ! Anghirap ng sitwasyon kong ito. Mahirap magkaamnesia

*tok*

" ah--ray. Bakit ka ba namimitik ng ilong?" Asar na tanong ko sa kanya. Paano ba naman bigla na lang hinarass ang ilong ko.

" Tsk ! Kanina pa kita tinatawag,tulala ka diyan. Tara na sa cafeteria nagugutom na ako."

Eh? Tinignan ko ang classroom at kami na lang pala ang nandito. Ano yun? Kanina pa ako lutang na hindi ko namalayan na lunch break na pala? Goodness !

Agad kong kinuha ang bag ko at patakbong sumunod kay Ryann. Well, nasa likod lang ako dahil ang bilis niya. Plus the fact na may mga froglets na nakatingin ng masama sa akin. Tsk !

" Bakit ba ang bagal mo?"

Napatingin ako kay Ryann ng magsalita siya. Aba may dalaw ba tong lalaking to?

" eh bakit ba angsungit mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

Bigla niyang itiniklop ang mga braso sa tapat ng dibdib niya.
Kung may itataas pa ang kilay ko ay malamang itinaas ko na. He's acting weird.

" hindi mo kasi ako pinansin kanina." Parang batang sabi niya

" and?" Tanong ko


" kasi...kasi ako kasama mo tapos di mo ako pinapansin. Tapos-- Aish ! Gusto ko nasa akin lang yung atensyon mo!" Sigaw niya kaya napatingin dito ang mga estudyanteng dumadaan. Mga tsismosa.

" wait--what!?" Napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya. Napakamot naman siya sa ulo niya at ngumiti ng alanganin.

" I mean... Diba, magkasama tayo. And we're friends na, gusto ko yung usual na ginagawa ng magkaibigan. Kwentuhan,chikahan yung parang ganun? He-he"

Is he serious? What's wrong with this guy?

" yun lang? Ang childish mo Ryann." Sabi ko at nauna na pero pinigilan niya ako.

" I told you call me oppa !" Sabi niya kaya inirapan ko.

" Eu, arasso oppa." Sabi ko at naglakad ulit pero pinigilan nanaman niya ako.

" now what!?" Nakakaasar na pwede namang dinadramahan niya ako habang naglalakad. Gutom na ako !

" waahhh ! Daebak ! Hangukeo halsu isseoyo?" Parang batang tanong niya. Aba amaze na amaze to ah.

" psh ! Marami akong alam na linggwahe wag kang oa. Tara na gutom na ako." Sabi ko at hinawakan pa ang tiyan. Natawa naman siya at hinila na ako. Buti naman at nakaalis na kami.

" Dito ka lang, ako na oorder. Ano ba gusto mo?" Tanong niya

" ikaw na bahala. Basta yung mabubusog ako." Sagot

" sa sagot mo pa lang halata ng matakaw ka." Sabi niya kaya kinurot ko siya sa bewang.

" ouch, nagbibiro lang eh." Sabi niya kaya tinigilan ko na. Umalis na rin siya para omorder habang hinihimas ang bewang niya.

Habang hinihintay siya ay ibinaling ko muna ang tingin sa labas. Glass wall naman tong cafeteria kaya kita pa rin ang nasa labas.
Mabuti na lang at malapit dito ang garden. Ang ganda ng mga bulalak na itinanim dito. Minsan nga pupuslit ako diyan at pipitas ng rose. Ewan ko ba, feeling ko kasi sumasaya ako kapag nakakakita ako ng white rose.
Habang tinititigan ko ang isang rose ay bigla na lang may pumitas nito.

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon