Chapter 13

881 42 1
                                    

MAKI

Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula noong nailibing si papa. Bumalik sa France si Mama upang ipagpatuloy ang naudlot na trabaho roon.

*sigh*

Alam kong malungkot at nasasaktan pa rin si Mama. Kahit naman ako ay ganun din ang nararamdaman pero syempre kailangan naming magpatuloy sa buhay. Alam kong yun din ang gusto ni papa na gawin namin. Kailangan naming maging malakas at matatag dahil marami pang problema at pagsubok ang maaari naming kaharapin.
Tumingala ako sa langit. Angganda ng panahon ngayon at narito lang ako sa rooftop. Mas maganda kasing magpakaisa rito lalo na't napakatahimik.
Itinaas ko ang kamay ko at itinapat iyon sa ulap na hugis tao.

" Alam kong masaya ka na diyan pa. Huwag kang mag-alala sa amin dito. Magpapakatatag po ako para sa amin ni mama. Hayaan niyo pa, kapag nakapagtapos ako ng college makakatulong na rin ako kay mama. Kaya chill ka lang diyan ha?" Sabi ko at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kalangitan habang nakapikit


" Magkikita rin po tayo sa tamang panahon."





" Hoy Maki, ano ginagawa mo diyan?" Rinig kong tanong ni Ryann na sa tingin ko ay kararating lang.

" Naghahunting ng elepante." Sagot ko ng hindi tumitingin


*tok*


Napahawak ako sa noo ko at umaray. Ang lakas ng pagkakapitik niya na talagang tumunog pa. Ang sakit !

" Kailan ka pa naging pilosopo ha?" Nakapamewang niyang tanong sa akin. Bakla talaga


" simula nung makilala kita." Saka ako umismid pero ngumiti lang siya. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

" Gusto mong sumama sa bahay Maki?" Tanong niya sa akin


O_____O


" Ba't naman ako sasama sayo . Baka mamaya niyan i-rape mo ako. Yuck ayoko!" Exagge kong sagot kaya natawa siya na halos gumulong na

" HAHAHAHAHA ! Sobra ka mag-isip Maki." Halakhak niya. E di ikaw na kulang mag-isip Ryann. Kaltukan kita eh


" Psh ! Bahala ka diyan." Saka ako tumayo at naglakad na pababa para maitago ko ang mukha kong namumula dahil sa hiya. Bakit kasi yun ang nasabi ko?


" Haha ! Nahiya ka pa." Sigaw niya habang humahabol sa akin

" ...okay lang yan Maki haha pfft. Oh ano sama ka na? Uuwi si ate mamaya eh, ipapakilala kita." Tuloy niya
Lumingon naman ako sa kanya

" Bakit mo naman ako ipapakilala sa ate mo?" Para naman siyang nagulat sa tanong ko. May nakakagulat pa?


" ah-- ano kasi... Hmmm wala lang. S-syempre kaibigan kita kaya dapat makilala ka niya. At isa pa darating din ang mga kabanda ko." Sabi niya.

" kabanda? May banda kayo?" Tanong ko, ewan ko at bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang concert hall. Maraming tao, sasakyan...


" Maki wait !"


" Hey Maki, Are you okay?" Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Ryann. Napatingin ako sa kanya at tumango.

" Yeah, ano na nga yung sinabi mo?"


" ang sabi ko, oo may banda kami at si Ate Rica ang band manager namin." Sabi niya ng nakangiti kaya pati ako napapangiti


" wow, talaga? Alam mo bang may paborito akong banda kaso hindi ko maalala kung anong pangalan. " natatawang sambit ko. Paborito ko pero hindi ko maalala. Basta ang alam ko paborito ko ang banda na yun at ni Yann-yann.


" Eh anong pangalan ng banda niyo ?" Tanong ko pa. Ngumiti siya sa akin ng pagkalapad lapad

" Baka kapag sinabi ko mainlab ka sa akin." Proud na sambit niya.

" Yabang neto ! Bilis na, sabihin mo na dali."


" tsk ! Oo na. Matagal na rin simula nung last performance namin dahil nag-ibang bansa kami lahat at nag-aral. At ngayon, isa-isa na kaming bumabalik sa Pilipinas." Kwento niya habang nakatingin sa malayo. Gara din nito eh, pangalan ang tinanong ko pero anghaba ng kwento. Hayaan na nga, nagmomoment eh.
Tumingin ulit siya sa akin ngumiti

" Melows. Kami yung bandang nagngangalang Melows na tinitilian ng mga kababaihan." Sabi niya at kumindat.


" Melows..." Bulong ko


" Yupp. Oh ano? Sunduin kita bukas ng hapon ha? Total sabado naman bukas eh."



>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>


Pabagsak akong humilata sa kama pagkarating ko. Hayyy buhay estudyante haha !
Nagpahinga lang ako ng ilang minuto at napagpasyahan kong magshower. Pakiramdam ko kasi anglagkit ng katawan ko. Angsarap magbabad nito !
Agad kong hinubad ang dapat hubadin at patakbong nagtungo sa shower room. Hindi ko na nilock ang pinto ng shower room dahil ako lang naman ang tao dito. Condo ko 'toh people ! Sigaw ko sa isipan ko

Nagha-hum lang ako habang nagsasabon ng katawan. Patuloy lang sa pagpatak ang tubig na nagmumula sa shower hanggang sa matapos ako. Kinuha ko kaagad ang tuwalya at nagpunas. Pagkatapos ay pinulupot ang isa pang tuwalya sa katawan

" Ahhmmm angsarap maligo !" Sambit ko ng nakataas ang mga kamay at nakapikit habang naglalakad papuntang kwarto ko.
Pagmulat ko ay siya ring paglaki ng mga mata ko. At agad na itinakip ang mga braso ko sa katawan. Para namang matatakpan ko ang katawan ko gamit nito. *iling* ah basta !


" YOU ! What are you doing here?" Turo ko sa lalaking may mahabang puting buhok. Oo siya yung lalaki sa garden ng school.

"... Paano ka nakapasok sa condo ko ha? Magnanakaw ka noh?" Bintang ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at humilata sa kama ko na parang kanya.


" Aba't !" Lumapit ako sa kanya at hinila siya sa kamay.

" Lumabas ka dito Manyak ka !" Sigaw ko pero dahil mas malakas siya ay hindi ko magawang hilahin siya palabas.


" Tumayo ka diyan bago pa ako tumawag ng security. One !" Bilang ko pero tinitigan niya lang ako


" two, three." Parang walang buhay niyang dugtong sa pagbibilang ko tsaka niya ako ini'snob. Tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala.
Lalong nag-init ang ulo ko dahil dun. Trespassing ang ginagawa niya and I don't even know him for pete's sake. Urgh !


" Get out of here, you Pervert ! Urgh !" Tsaka ko siya muling hinila . Pero hindi ko inaasahang hihilain niya ako papunta sa kanya at ipinaikot upang makahiga ako sa kama. Nahawakan niya ang tuwalya dahilan upang matanggal ito kasabay ng pag-ibabaw niya sa akin. Napatingin ako sa katawan ko at sa kanya na kasalukuyang nakatingin din sa akin na parang hindi rin makapaniwala sa nangyari.


" AHHHHHHHH !" Tili ko saka ko siya sinampal. Para siyang nagising sa pagkakatulog dahil dun at dali-daling umalis sa ibabaw ko.





" AHHHHHHHH MANYAK !"

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon