Chapter 7

887 49 3
                                    

MAKI

*ring*

Urgh ! I'm still sleepy. Sino bang ponsyo pilato ang tatawag sa akin.
Iminulat ko ang isang mata ko at kinuha ang cellphone. Sinagot ko ito na hindi tinitignan kung sino ang caller.

" hello. *yawn*" napahikab pa ako pagkasagot.


" BESSSSSSSS !" Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw na yun. Agad kong tinignan ang caller.

" Urgh ! Angsakit sa tenga ng boses mo Mavs." Iritang sabi ko sa kanya


" Ah yeah, Good morning din sayo bes." Sarkastik niyang sagot sa akin. Napairap naman ako kahit na di niya nakikita.


" Bakit ka ba tumawag?" Tanong ko


" Oh ! I just want to tell you na late ka na. Bye.---*toot*"


Late ? Saan?

Tinignan ko ang oras sa wall clock ko at nakitang 7:00 na pala.


O_______O

7:00 !!!???
Oh sheeeeeezzzz ! Late na nga ako.

Agad akong tumayo at dumiretso ng banyo.
Mga 5 minutes lang akong naligo. Just kidding !

Kinuha ko ang bag ko at paalis na.


" AHHHHHHH !" Sigaw ko ng pagbukas ko ng pinto ay mukha na ni Mavs ang sumalubong. Naku talagang sisigaw ka !

" Mukha ba akong multo at parang gulat na gulat ka diyan?" Mavs

" Aba eh, kung mukha mo agad tumambad talagang matatakot at sisigaw ako. Daig mo pa ang multo kung sumulpot eh."

" Grabe ka naman bes. Nakakasakit ka na ah." Sabi niya at may pahawak hawak effect pa sa dibdib.

" ang drama mo. Alis na ako" Sabi ko at ginulo ang buhok niya.


" Teka ka lang bes. Sasabay ako." Sabi niya at sumunod sa elevator.


" Taxi na lang tayo. Tinatamad akong magmotor." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.



Nasa taxi na kami at itong si Mavs ay nakanguso pa rin. Ewan ko diyan.

" Ah bess."

" hmmm?"



" kasi... May nambubully sa akin dun sa school." Sumbong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya kaagad.

" Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito? Kailan pa ?" Parang ate na rin kasi ako ni Mavs eh kaya concern ako sa kanya.

Napansin kong napakunot noo ang taxi driver habang tumitingin sa akin at sa katabi ko. Hindi ko na lang pinansin.

"M-matagal na."

" isumbong natin sa principal niyo." Sabi ko at sinabi ang address ng school na pinapasukan niya.

Nang makarating ay inabot ko ang bayad sa driver. Sinuklian niya naman ako pero bakit pang-isa lang ang siningil niya e dalawa kaming sumakay?

" Kuya sobra po yung sinukli niyo sa akin." Sabi ko at iniaabot yung sobra

" ha? Naku sakto lang yan miss." Driver


" pero dalawa po kaming sumakay." Sambit ko at tumingin kay Mavs pero wala na siya sa loob.

Saan nagpunta yun? Nauna na sigurong lumabas.

" hay sige na ineng at ako'y papasada na ulit. Mga kabataan nga naman ngayon, kung ano-ano nahihithit." Sabi niya pero may ibinulong pa. Nagkibit balikat na lang ako at lumabas.


" Miss, Wala talagang Mavie Cruz ang nag-aaral dito." Sabi ng nag-aassist sa akin.

" pero dito po talaga siya nag-aaral. Kaparehas po ng uniform dito ang uniform niya." Pilit ko

" pasensya na pero wala talaga. Hinalughog ko na ang mga records na nandito pero wala. May isa lang na pangalan ang nakita kong medyo hawig sa pangalan niya." Sabi niya kaya tinanong ko

" Maki... Maki Dvonne Lee. Yun lang ang hawig sa Mavie. Hehehe pasensya na." Sabi niya na parang nahiya pa sa sinabi.
Pero teka... Pangalan ko yun eh. Paano ako nagkaroon ng record dito kung di naman ko nag-aral dito.

" ah sige po. Salamat na lang." Saka ako umalis.

Nakakapagtaka naman.
Nasa labas na ako ng gate ng school ng makita ko si Mavie.

" Mavs." Napatingin siya sa akin at kumaway.

" saan ka ba galing? Bakit sabi nung nag-assist sa akin kanina ay wala ka daw pangalan sa record nila?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami .

" ah hindi ko a----"

Hindi na natapos ni Mavs ang sagot niya ng may humarAng sa aming tatlong babae. Agad namang nagtago sa likod ko si Mavs. Mukhang sila ang nambubully sa kanya.

" Scardy cat. Nakuha mo pang magsumbong hahaha !" Sabi nung nasa gitna at tumawa sila

" Pwede ba tigilan niyo na si Mavs." Sambit ko kaya napaatras sila

" tsk. Bakit ba? Eh sa gusto namin eh."

" parehas kayo ni Mavie. Tapang tapangan." Sabi din nung isa

Pinatunog ko ang mga daliri ko at inikot ikot ang leeg ko.

" sino nagsabing nagtatapang tapangan lang ako ha?" Saka ako umabanti dahilan ng pagtakbo nila. Tsk joke lang naman yun HAHAHAHA

" takot din pala yung mga yun e hahaha !" Sabi ko saka humarap kaya Mavie. Niyakap naman niya ako

" Thank you." Napangiti naman ako at hinaplos ang buhok niya

" wala yun. Basta kapag binully ka pa nila , isumbong mo sa akin ha?" Tumango naman siya.

" oh siya, alis na ako. Absent na ako sa first subject ko eh." Pumara na rin ako ng taxi para madali

Pagdating sa classroom ay agad akong sinalubong ni Ryann. Nakapamewang pa.

Wala daw kasi ang prof sa second subject namin kaya malakas makapamewang ang isang to.

" At bakit hindi ka pumasok kanina?"

" nalate kasi ako ng gising." Sabi ko at napakamot sa noo ko

" tsk. Sa susunod susunduin na lang kita." Napakunot noo naman ako

" Huwag na. Kaya ko naman eh. Tsaka tinatawagan ako ni Mavie tuwing umaga." Palusot ko. haha madalas tumawag sa akin si Mavs pero hindi tuwing umaga

" maniwala ako sayo." Sabi niya. Luh? Hmmm

" oh ! Kahit tignan mo cp ko." Sabi ko at inabot sa kanya yun. Kinuha naman niya at inechos ang cellphone ko. Kumunot ang noo niya.

Bakit kaya? Napansin kaya niyang hindi umaga yung oras nung tawag?

" Ako ba Maki pinagloloko mo?" And this time ako naman ang napakunot-noo

" bakit mo naman naisip yun?" Tanong ko

" Wala namang Mavie ang nakalagay sa recent calls mo. Puro mom, dad, doc Brylle at ako ang nakalagay." Sabi niya habang isinusuksok ang cellphone ko sa bag ko.

Walang Mavie? Paanong wala e kakatawag lang din niya kanina?

" Ewan ko sayo Ryann."

" Oppa !" Sigaw niya


" E si Oppa ! Arte mo, oppakan kita eh." Biro ko

" As if you can." Sabi niya at inirapan ako. Bakla !

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon