Chapter 2

1.4K 64 9
                                    

Dr. Brylle at the screen



" Maki" tawag niya sa akin

" lapitin ka talaga ng disgrasya" dagdag pa niya

" eh nandiyan ka naman bestfriend eh. Ililigtas mo naman ako di'ba?" nakangiting tanong ko kaya napabuntong hininga siya
Lumuhod siya at nilagyan ng band-aid ang sugat ko sa pisnge

" pssh ! Para kang lalaki dahil sa sugat mo. Pasalamat ka't hindi kita iniiwan." Sabi niya at pinat ang ulo ko.
I really love it everytime he pat my head. I find it sweet

" oo na po. Kaya nga't love na love kita Yann-yann eh !" Masiglang sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya ng pagkalapad lapad

" tsk ! Oo na. Mahal din kitang babaeng pasaway."

>>>>>>>>>>>>

Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong lagabog sa kabilang kwarto nitong apartment ko. Tinignan ko kung anong oras na at 3:30 am pa lang pala.

*sigh*

Napanaginipan ko nanaman yun. Hindi malinaw ang mga panaginip ko. Malabo ang mukha ng lalaking kausap ko. Ang lalaking tinatawag kong Yann-yann sa panaginip ko.
Sino ba si Yann-yann? Bestfriend ko ba siya ? Kung bestfriend ko nga siya, nasaan na siya ngayon?

Muli kong narinig ang lagabog sa kabilang kwarto kaya napagpasyahan kong itapat ang tenga ko sa pader. Nagbabakasakaling marinig ko kung ano talaga ang nangyayari sa kabila. Isang linggo pa lang kasi ako dito sa apartment na to. Ang gusto nila mama ay sa condong binili nila ako tumuloy habang nag-aaral kaso tinanggihan ko muna dahil mas malapit itong apartment na to sa Stanforde University. Mas tipid sa gasolina at pwedeng lakarin kong sakali.

Ilang minuto na ring nakalapat ang tenga ko sa dingding pero wala naman akong marinig kundi mga kalabog lang. Palakas ng palakas hanggang sa makarinig ako ng sigaw ng isang babae. Agad akong tumakbo palabas ng apartment ko at tumungo sa kwartong katapat ko lang.

" Ma'am ayos lang po ba kayo ??" Katok ko sa pinto at itinapat ang tenga rito. Pero walang nagbukas ng pinto at walang sumagot. Katok lang ako ng katok hanggang sa napagpasyahan kong silipin ang peephole pero berde lang ang nakikita ko rito.

" may tao ba diyan?" Tanong ko pa at muling sinilip ang peephole pero this time ay kita ko na ng konti ang loob.
Sinisilip ko ito ng biglang kumalabog ang pinto kasabay ng isang sigaw.

" HELP ME !"

Napaupo ako dahil sa pagkagulat kasabay ng pagbukas ng pinto sa tapat ng kwartong ito kaya napatingin ako sa matandang nakarobe pa.

" ano ba? Bakit ba ang-ingay mong bata ka eh ke'aga-aga pa?"

" m-may narinig po kasi akong kalabog dito sa kwartong tapat ng kwarto ko at kwarto niyo." Nautal kong sabi na nakapagpakunot-noo sa kanya

" ano? Eh wala namang tao diyan iha. Matagal ng walang umuupa sa kwartong yan." Sabi niya and this time ako naman ang kumunot-noo. Eh ano yung narinig ko?

" hala sige't matulog ka na ulit,huwag mo na lang pansinin. Nakakaistorbo ka ng tulog eh. Hay naku mga bata nga naman oh."
Sabi niya at isinara ang pintuan ng kwarto nila.

Tumayo na rin ako upang pumasok na sa loob ng kwarto ko. Nakahawak na ako sa doorknob ng muli kong tanawin ang kwartong katabi lang ng akin.
Nanlaki ang mga mata ko at di magkanda'ugaga sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ko ng makita kong unti-unting bumubukas ang kwartong kanina ay kinakatok ko.

Napahawak ako sa dibdib pagkapasok ko.
Sheez ! Kung walang tao dun paanong may narinig akong sigaw na nanggagaling don?

Isinawalang bahala ko na lang at muling natulog. May pasok pa ako mamayang 7:30am.

>>>>>>>>>>>>>>

STANFORDE UNIVERSITY

" Bes !"

Rinig kong tawag sa akin ni Mavs. Eh sino ba namang tatawag sa aking bes e siya lang naman. Iniiwasan kasi ako ng mga estudyante dito sa University, but who cares? They even call me freak, crazy, weirdo etc. pero sorry na lang sila because I don't care as long as hindi nila ako pinakikialaman. They can call me what they want.
Hindi naman nila alam kung ano ang nangyayari at nararanasan ko kaya hinahayaan ko na lang sila. Wala akong balak sabihin sa kahit na sino sa kanila ang nararanasan ko. Para san pa? Hindi rin naman nila maiintindihan.

" Oh? Ba't andito ka?" Tanong ko. Hindi naman siya nag-aaral dito eh. Actually highschooler pa lang siya

" ehhhhh ! Grabe ka naman Maki eh. Ayaw mo ba akong makita?" Nakangusong sabi niya kaya nginitian ko na lang siya.

" hindi naman sa ganun. Eh paano kung nakita ka ng guard ha? At tsaka paano ka nga ba nakapasok dito?" Tanong ko

" haha ! Ako pa ! Konting pacute at paawa effect lang kailangan makakalusot na ako noh." Proud niyang sagot. Napailing na lang ako sa kabaliwan ni Mavs.

" oh siya sige na at baka malate na ako,pati ikaw."

" shoot ! Oo nga pala. Bye Makiiiiiiiii !" Paalam niya at tumakbo na. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papunta sa room ko.
Pagpasok ay agad na nagsitahimikan ang mga tao sa loob. Dire-diretsu lang ako hanggang sa dulong upuan kung saan ako nakapwesto.

Ganyan naman lagi ang eksena sa tuwing pumapasok ako. Tatahimik. Magbubulungan. Chismis dito chismis diyan.

" angganda talaga ni Maki Dvonne."

" she's really creepy kaya."

" yeah, that's true. Balita ko nga nagsasalita yan ng mag-isa eh."

" really? Oh gosh, hindi lang siya creepy. She's crazy pa !"

" baka naman insecure lang kayo?"

" duh ! I'm prettier naman than her ee."

Duhh ! You're so conyo

Yeah whatever. But thanks to that guy. Aba first time atang may nagtanggol sa akin.

Di nagtagal ay pumasok na ang Professor namin.

" Class, you have a new blockmate. He's from South Korea and not just that he's the youngest son of Mr. John Stanforde." Sabi niya at sinenyasan ang lalaking nasa pinto para pumasok. So he's the son of the SU owner.

Nakangiti siyang nakatingin sa amin kaya naman nakaani siya ng tilian. Urgh ! Bakit ba kailangang tumili?

" Hi, I'm Ryann Stanforde. Nice to meet you." Pakilala niya at nag'bow.

" oh goodness, he's cute !"

" sheez he's handsome and hot kaya."

Bulungan nila. Ewan ko ba feeling ko nga nasasayahan pa tong lalaking to sa mga bulungan ng mga babae.
Nakatingin lang ako sa kanya. Aba san pa ba ako titingin e siya na apple of the eye ngayon. Siya tinitignan eh,makitingin na rin ako.

Bored na bored akong nakahalukipkip sa desk ko ng bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Kumaway pa nga eh. Feeling close din tong isang toh kaya inirapan ko na lang.

" ah sir can I ask?"

" yes Ms. Cindy?"

" Is he single?" Malanding tanong ni Cindy at nagkagat-labi pa.
Yuck ! Akala naman niya ikinaganda niya yan. Pwe

Uy di ako insecure ah. Nagsasabi ako ng totoo.
Napakamot naman ng ulo si Ryann Stanforde ng marinig yun

" we'll I'm single and hinahanap ko pa ang right girl"

Tilian nanaman dahil dun. Ano bang big deal kung single? Makairit naman kasi parang nakakita lang ng multo tong nga babaeng blockmate ko. Paano naman kaya kung maranasan nila ang makakita ng multo tulad ko?

Yung mga kablock kong lalake ay nagsitakip ng tenga. Maski ako ay naiirita na rin.

" but I think I already found her." Sabi niya at ewan ko kung tumingin ba siya sa akin o sa babaeng nasa harapan ko na si Cindy.

" oH my ! Tumingin siya sa akin."

Ah si Cindy nga.

Bahala na sila diyan. Magdodrawing na lang ako.

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon