Chapter 4

1.1K 51 3
                                    


" hmmm." Ungol ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Medyo blurr pa rin ang paningin ko kaya nanatili akong nakatitig sa kisame ng... Hmmm saan ba to?

Ohmyghost ! Nasaan ako?

Agad akong bumangon sa malambot na kamang ito at tumingin sa paligid.
Puti ang pintura ng kwartong ito at napakasarap sa pakiramdam. Kumpleto ang mga gamit dito. Nilapitan ko ang isang pinto at binuksan.
Wowww... Ang ganda, ang sosyal naman ng banyo na to.
Sunod kong binuksan yung isang pinto at napanganga na lang.
K-kanino to? Angganda ng mga damit. May mga dress at may mga simple lang din. Tinignan ko ang nasa babang parte at may mga sapatos dun at mga heels. Wow ha

Muli akong umupo sa kama at bigla na lang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si mama na may dalang tray ng pagkain.
Nalito naman ako, bakit nandito si mama?

" Gising ka na pala anak." Sabi niya ng nakangiti. Ganda sanang sumagot ng " ay hindi pa po ma, tulog pa po ako." pero wag na. Baka mamaya batukan pa ako eh hahaha . Pero di nga? Ano bang nangyare

Kita niya ang pagkalito sa mukha ko kaya umupo siya sa kama at inilapag ang pagkain.
Hinaplos niya ang buhok ko at nagsalita.

" tumawag sa akin ang landlady ng inuupahan mong apartment kahapon. Ang sabi eh isinugod ka daw sa hospital. Nakita ka daw nilang nakahandusay sa tapat ng kwarto mo. Pero ang sabi ng doctor ay stress lang kaya ka nawalan ng malay." Mahinang sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

" ibig sabihin kahapon pa ako nandito? At nasaan ba tayo ma?" Takang tanong ko

" naku ikaw talagang bata ka. Dinala ka namin dito sa condong binili namin sayo. Sabi ko naman kasi sayo dito ka na lang mamalagi. Mas kompleto ang gamit at mas maaliwalas." Sabi niya kaya tumango na lang ako. Sa bagay mas maganda nga dito kumpara sa apartment na inuupahan ko. At WAHHHH ! Yung nakita ko kanina ay sa akin.

" oh siya maiwan na kita, kainin mo na yang breakfast mo. Mag-aayos lang kami ng gamit ng papa mo . Alam mo namang may business trip pa kami. Pasensya na talaga anak." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti na lang ako bilang sagot kaya lumabas na rin siya ng kwarto.
Okay lang naman kahit mag-isa ako noh. Duh ! 20 year old na kaya ako.

Habang kumakain ay di ko maiwasang isipin yung nangyari.
Biglang nagflashback sa isipan ko yung lalaking may mahaba at puting buhok.

" ahh." Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito, ano ba yan ! Walang warning?

Likod niya lang ang nakita ko. But why do I have this feeling na.. Aish ! Basta. Ang weird

" ahh." Daing ko ng sumakit ito lalo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinakalma ang sarili hanggang sa mawala ang sakit nanararamdaman ko.

*sigh*

Ganito naman kasi lagi ang nangyayari sa akin sa tuwing nag-iisip ako. Yun bang pilit na may inaalala.
Isinawalang bahala ko na lang iyon at ipinagpatuloy na ang pagkain.

>>>>>>>>>>>>>>>

" Hi bes."

Nagulat ako ng marinig ang boses ni Mavs sa likudan ko.
Nandito kasi ako sa lobby at palabas na sana sa building para maghintay ng taxi.

" ano ba Mavs . Nakakagulat ka naman eh." Sabi ko ng nakahawak pa sa dibdib ko. Nagpeace'sign lang naman siya at ngumiti

" teka, ano pa lang ginagawa mo dito? Tsaka ba't hindi ka nakauniform? Hindi ka ba papasok?" Tuloy-tuloy kong tanong sa kaniya

" Hep-hep !!" Pigil niya sa akin na nakalapat pa ang palad sa mukha ko. Asar ko namang inalis yun.

Pwe ! Malay ko ba kung san niya pinaghahawak yun. Ewwww

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon