Chapter 12

764 48 5
                                    

MAKI

" You're kidding, right?" Tanong ko at pilit na pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

" I wish I am. Sana nga ay hindi totoo ang mga nangyayari ngayon. I'm sorry Maki." Mahinang sambit ni Brylle sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Nangangatog ang mga tuhod ko at pakiramdam ko'y biglang huminto ang oras.
This is not true ! If this is just a nightmare. Please, Wake me up !
I-- but I saw him---

Lalo akong naiyak ng matanto ko ang nangyari. Nakita ko siya kanina lang at imposibleng mangyari yun dahil alam kong nasa france sila ni Mama.
Hirap man ay inalalayan ako ni Brylle na makasakay ng elevator at umuwi sa condo ko.
Pinaupo niya ako sa sofa at dumiretso naman siya ng kusina.

Humiga ako at ipinagpatuloy ang pag-iyak.
Why all of a sudden? B-bakit bigla bigla na lang nangyayari ito?
Bakit iniwAn mo kami agad ? Ni hindi man lang kita nakita at naalayan ng mga oras na kailangan mo ko. Pa, why did you leave us?

" Here, uminom ka muna ng tubig."

Inabot ko yun at ininom saka ako bumalik sa pagkakahiga.
Umiyak lang ako ng umiyak habang hinahaplos ni Brylle ang ulo ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa paghikbi.
Masakit isiping hindi na kita makakasama pa ulit papa. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong makausap ka kahit sandali lang noong nabubuhay ka pa.
Unti-unti na akong nilalamon ng antok at ang huling nakita ko na lang ay ang marahang paghaplos ni Papa sa ulo ko.

" papa." Bulong ko at nakatulog na

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hinang hina akong bumangon at napatingin sa side table. Nakalagay ang isang tray doon na may lamang pagkain at may note pa.

Eat your breakfast. We have an emergency operation. Can't be with you right now. Be safe.

Basa ko sa note na nakadikit sa tray. Napangiti naman ako at sinimulan na ang pagkain. Pagkatapos nun ay naligo na ako't nag-ayos.
Habang nagsusuklay, napatingin ako sa mga mata kong kulay itim. I have my Father's eyes.
Naalala ko pa noong magising ako sa coma, sa tuwing lumalabas si mama para maggrocery siya ang naiiwan. Siya ang sumusuklay sa buhok ko pagkatapos kong maligo.

" Ang ganda ng buhok mo anak. Naalala ko noong magnobyo kami ng mama mo, ako lagi ang nagsusuklay at nagtatali ng buhok niya." Sabi niya ng nakangiti animo'y naaalala ang mga sandaling iyon.

" talaga papa? Hindi naman ba kayo napagkakamalang bakla niyan?" Sabi ko sabay kagat sa hawak kong mansanas.

" hindi maiiwasan yan anak. May mga ilang nag-iisip nun pero hinahayaan ko lang. Bahala sila sa kung anong gusto nilang isipin. Alam mo kasi ang mga tao, kahit anong gawin mo ay may masasabi't masasabi sila. Isa pa, mas mahalaga ang mama mo kesa sa kung anong sabihin nila. Idagdag mo pa na gwapo ako di'ba" sabay taas baba ng kilay niya.

Napangiti ulit ako dahil sa naalala. Pero ilang sandali lang ay nag-umpisa ng magtubig ang mga mata ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni mama pero out of reach ito. Lalo akong naiyak dahil hindi ko siya makontak. Bakit out of reach ang cellphone ni mama?
I am so hopeless. Wala ngayon si Brylle, wala akong masasandalan.
Napatigil ako saglit ng maalala ko si Ryann. Agad kong dinial ang number niya at ilang ring lang ay sinagot niya ito.

" Hello Maki?"

" R-ryann... Please... I need you right now." Paputol putol kong sabi dahil sa paghikbi ko. Naninikip ang dibdib ko at halos hindi makahinga.

" Are you crying? Hintayin mo ko, papunta na ako diyan." Saka in'end Ang tawag.
Napaupo ako at hinayaan ang sariling umiyak ulit.
Hindi ba ako mauubusan ng luha?
Sa dami ng nailuha ko kahapon ay hindi aakalaing may mailuluha pa pala ako.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pagdoorbell. Dali dali akong tumayo at pinagbuksan siya.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay sinunggaban ko siya agad ng yakap. Nabigla man ay gumanti rin siya ng yakap at inakay ako sa sofa upang maupo.
Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang mukha ko.

" Maki, tell me what's wrong?" Halata ang pag-aalala sa mukha niya habang pinupunasan ang luha ko na halos hindi magkamayaw sa pagtulo.
Ikwenento ko sa kanya ang nangyari. Hinayaan niya lang akong umiyak habang yakap yakap niya ako hanggang sa mapagod ako. Medyo kumakalma na rin ako pero maya't maya'y napapahikbi.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>

RYANN

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Maki. Hindi ako magaling magcomfort ng isang tao.
*sigh*
Niyakap ko lang siya hanggang sa maramdaman kong kumalma na siya kahit papano.
Namatayan siya ng ama at hindi biro yun. Alam kong masakit dahil naranasan ko rin ang mawalan ng minamahal. Naramdaman ko din kung ano ang nararAmdaman niya ngayon.
Hinaplos haplos ko ang buhok niya habang nakasiksik siya sa dibdib ko. Sinilip ko ang mukha niya. Nakatulog na pala siya. Pinunasan ko ang luhang bigla na lang tumulo sa mga nakapikit niyang mata. Kahit na tulog siya ay umiiyak pa rin.

" Yann-yann, please don't leave me." Bulong niya

Yann-yann... Minsan napapaisip ako. Ako ba talaga ang tinatawag niyang Yann-yann? Pero kahit na ganun, pinapangako kong hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari, sasamahan kita. Ganun kita kamahal Maki.

Nang ipipikit ko na ang mga mata ko'y bigla ko na lang napansin ang isang lalaking nasa edad 40 pataas. Nakatingin siya sa babaeng nakasiksik sa akin tsaka niya ibinaling ang paningin sa akin. Napakurap pa ako ng mata.
P-paano nakapasok ito?


" S-sino ho kayo? Paano po kayo nakapasok dito?" Tanong ko pa. Hindi ko man lang namalayang may nakapasok dito. Dahan dahan kong inihiga si Maki sa sofa para hindi magising.
Nilapitan ko ang lalaki na hindi man lang natinag sa kung saan siya nakatayo.

" Alagaan mo siya. Matapang ang anak ko but deep inside, she's vulnerable. Alam kong mahalaga sayo ang anak ko at ganun din siya sayo. Alagaan mo siyang mabuti."

" S-sir..." Sambit ko at akmang hahawakan siya ng biglang lumusot ang kamay ko sa kanya.
Napamaang na lang ako ng makitang unti-unti siyang naglalaho. Nakangiti siya sa akin at muling tumingin sa anak niya


" Alagaan mo si Maki lalo na sa oras na makaalala siya." Saka siya naglaho

Ilang beses akong napakurap at napaupo na lang sa sahig. Hindi pa rin magsink-in sa akin ang nangyari.


Did I just...



Talk to her father?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon