MAKI
*unat*unat*
"Hmmmm... Nakakapagod ang araw na to." Sabi ko at naglakad na palabas ng room. Wala namang masyadong nangyari pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako hihihi.
Habang naglalakad sa hallway ay napatingin ako sa labas. Umuulan pala, hindi ko man lang napansin. Buti na lang at may dala akong payong ngayon.
Napatingin ako sa garden malapit sa caf. Pumitas kaya ako ng puting rosas? Umuulan naman eh, wala masyadong naglalakad sa labas.Kinuha ko ang payong sa bag ko at agad na nagtungo sa garden. Napangiti na lang ako ng makita ang mga puting rosas. Angdami pala nito dito.
Tumakbo ako sa isang rosas at pipitasin na sana ito ng matusok ako sa may tangkay." Aray." Daing ko at agad na nailayo ang kamay. Dumudugo ang daliri ko kaya natuon ang atensyon ko rito.
Naputol ang pagkakatitig ko sa dugo ko ng may pumitas sa rosas na pipitasin ko sana kanina. Napatingala ako sa pumitas" ang ganda ng puting rosas di'ba?"
Napatulala na lang ako sa kanya. Mahaba at maputing buhok. Para siyang babae kung titignan. A-ang ganda niya pero sa tingin ko ay lalaki naman talaga siya. Boses at body frame pa lang ay lalaki na.
Ilang beses ko na siyang nakita pero ngayon lang kami nagkaharap." alam mo bang ito ang paborito kong bulaklak?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Umiling ako bilang sagot. Napansin kong nalungkot ang mga mata niya. Basang basa na siya at hindi niya alintana ang ulan. Tumayo ako at pinayungan siya.
" Paborito mo rin pala ang puting rosas? Paborito ko rin kasi ito eh. Ewan ko ba, nakakarelax kasing tignan at paborito rin ito ng bestfriend ko." Ako
" Bestfriend?" Tanong niya
Maski ako ay nagulat sa sinabi ko. Paborito ng bestfriend ko? Si Mavs ba ? Pero hindi eh. Bakit ko nasabi yun?
" a-ah wala nevermind. Pasensya na, bigla ko na lang nasabi yun. Ewan ko ba." Sabi ko at napayuko. Pakiramdam ko ay nalungkot ako ng mabanggit ko ang salitang BESTFRIEND.
Naramdaman kong hinawakan niya ako sa chin at iniangat ang ulo. Isa pang nakakapagtaka, bakit hindi man lang ako pumapalag sa kanya? Bakit anggaan ng pakiramdam ko sa kanya? Bakit pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala?
Ang daming tanong sa isip ko pero ni isa, wala akong kasagutan.Napapikit ako ng haplusin niya ang pisnge ko. Nabitawan ko ang payong at pati ako ay basang basa na. This feeling... It is familiar. Napadilat ako at tumingin sa mga mata niya.
" Who are you?" Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.
Why am I crying?
I don't know. Basta nalulungkot ako. Basta ang alam ko, I'm longing for this. For his...touch?
Nakita kong pumungay ang mga mata niya ng tanungin ko siya. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Di kalaunan ay ngumiti siya. Ngiting may lungkot at pangungulila.
Muli akong napapikit dahil sa nararamdaman kong kirot. Kirot sa puso dahil sa nakikita ko sa mga mata niya." Soon. You'll know me soon, my QUEEN."
...my Queen.
...my Queen.
" just always remember. I am your only King, and you are my only Queen, Maki."
Napamulat ako dahil dun. A-asan na siya?
" Maki !"
" Urgh !" Daing ko dahil sa pagsakit ng ulo.
Then everything went black.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
" Maki huwag kang tumakbo!"
" Hahaha ! Ang bagal mo talaga Yann-Yann." Napatigil ako sa pagtakbo ng hindi ko na marinig ang boses ni Yann-Yann.
" Yann-yann?" Tanong ko at luminga linga sa paligid.
Bakit angdilim? Nasaan na si Yann-yann?
" M-maki... "
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun and to my surprise. I saw Yann-yann, lying on the ground. Covered by his own blood. I run as fast as I could towards him but it seems that the distance between us is not getting shorter.
Hindi ko alintana kahit na madapa ako kakatakbo basta malapitan ko lang siya. Ayoko dito Yann-yann. pleAse umuwi na tayo ! Bumalik ka please, Yann-yann.No, don't leave me Yann-yann. Please come back ! Please, my King.
" Yann-yann !" Sigaw ko at bigla na lang akong napabangon
" Hey,hey it's okay. Calm down Maki." Brylle
I look at him and hug him tight. I was catching my breath and at the same time tears are freely falling from my eyes.
" It's okay... I'm here." Pagpapakalma niya sa akin.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.
Ibinigay niya ang isang baso ng tubig kay Brylle at ipinainom niya sa akin to.
Nang kumalma ako ay nagsalita si Brylle." I saw you at the garden of your school. Basang basa ka at ng tawagin kita bigla ka na lang nawalan ng malay. Kaya dinala na muna kita dito sa hospital. Ano bang ginagawa mo dun?" Tanong niya
" nakita mo ba yung kasama ko kanina? Baka naiwan natin siya." Tanong ko at hindi binigyang pansin ang tanong niya. Napakunot noo siya.
" Mag-isa ka lang dun nung dumating ako para sunduin ka." Sabi niya na pinagtaka ko. Paanong nangyaring wala akong kasama?
" I am with... " napatigil ako ng maalalang hindi ko alam ang pangalan niya. Bigla na lang akong napaluha ulit. Bakit ba ako umiiyak?
" with who? Why are you crying Maki? Tell me." Napatitig ako sa kanya. Am I going to tell him?
" ... Trust me. Maybe I can help you." Dagdag niya.
" Will you believe me if I say I can see...
Ghost?" Pag-amin ko
" w-what?" Napayuko ako dahil dun
" K-kalimutan mo na lang ang sinabi ko."
" no,no,no. Hindi sa ganun. Nagulat lang ako Maki." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.
" I believe you. Just trust me and tell me everything you see." Tinignan niya ako mata sa mata. I can see his sincerity when he said that. Maybe I can trust him?
Ilang segundo akong nakatitig lang sa kanya bago ko mapagpasyahang ikwento sa kanya lahat. Lahat ng nakikita ko.
Taimtim naman siyang nakinig sa akin." oh my Maki." Sabi niya at niyakap ako.
"... Hindi ko alam na ganito pala ang nararanasan mo. Does your mom and dad knows this?" Tanong niya at umiling lang ako.
" walang nakakaalam. Maliban sayo... And maybe I can tell it to Ryann too. He's my friend after all. Ayokong sabihin kanila Mom ito, baka magfreak out lang siya."
Tumango naman siya at ngumiti sa akin.
" Thank you for trusting me Maki. And I promise to help you." Ngumiti ako pabalik sa kanya at niyakap siya. Para ko na rin siyang kuya.
Siguro bukas ay sasabihin ko na kay Ryann to.
Napag'isip-isip ko ring hindi habang buhay ay masesekreto ko to. Hindi habang buhay na kikimkimin ko lang to.
Kailangan ko ring pag-aralang magtiwala sa iba.Sana nga tama ang desisyon kong to.
BINABASA MO ANG
I'm Talking With The Ghost
Paranormal" Ahhhh ! Layuan niyo na ako please. Naglalakihan na ang eyebags ko ng dahil sa inyo !" - Maki Dvonne