Chapter Five: Good and bad News?!

2.8K 83 3
                                    

Jules Pov

Kanina pa namin hinihintay ang teacher namin sa math,hayyy...sana nga di sya dumating para ebrebadi hapi!

Bigla nalang pumasok si Lance na hingal na hingal.Anyare sa kanya?Pawet-look ba sya?Ew!

"ANNOUNCEMENT!" sabi nya

Alam nyo ba? Na siya ang sgt @ arms ng class namin,duh! Ako nga yung kalaban nya kaso sya ang Napili. tsk!

"May bad and good news!Ano ang gusto nyong unahin ko?"sabi nya

"BAD NEWS!" oh pabitin tong classmates ko hihi...

"okay,ang bad news,May long quiz tayo sa math!" huwat! di ako nakastudy eh,actually di talaga ako nags-study hihi.

"Booooo!!!" Ayun! binato namin si Lance ng Papel nyahaha!!!

"Sandali lang may good news pa!" sabi ni Lance kaya natahimik kami.

"Ang good news....ay...."pabitin much Lance? duh!

"ABSENT SI MAAM KAYA WALANG QUIZZZZZ!!!!WOOOO!!!PARTY PARTY!" hala patay! nagwala na ang sgt.@arms,masama to!Tsk!

Ayun nga nagwala kami! nyahaha!!!Nagpasabog pa nga ng confetti  si Lance,nyahaha...Tangina!Sya tong sgt.@ arms tapos sya tong leader ng kaguluhan,charot! hahaha!

******************

MALL*****

Dahil wala si ma'am,eh lumabas muna kami ni Nicks,shoping!

Nandito ako ngayon sa bookstore.May hinahanap akong libro,malamang sa malamang:D

Si Nicks?Ewan ko dun! Nyahaha...kita nalang daw kami sa food court pagkatapos naming mamili.Di naman siguro kami maliligaw noh?haha!

Habang naglilibot eh nagshining shemiring,splendid ang precious eyes ko nyahaha...

Eh kasi! yung matagal ko ng hinahanap na libro! Ehhhh!! *____*

My wattpad love!

Matapos ko yung titigan,kukunin ko na sana iyon kaso....kaso...kaso...may nauna sakin!!!! wahhhhh!"" ako nauna nyan eh!!!

"Ah kuya,ako kasi nauna---HOIE!LANCE!IBIGAY MO SAKIN YAN!AKO NAUNA DYAN!" takte! ang bakulaw na si Lance pala ang kaagaw ko!

Good news:Nakita ko ang fav book ko!

Bad news: Naunahan ako at ang malala....si Lance ang kaagaw ko!!

"Ngek!Ano ka? chicks? akin to noh! ako nauna dito!" Iiyak na ba ako? Uwahhhhhh!!! fav book ko na naging bato pa!!!

"Eh!ako una nakakita nyan eh!" inis kong sabi

"Pero ako una nakakuha:p" Hoie Lance ibigay mo na sakin yan,tutal its better to give than to recieve naman dba?!

Argh!

"Alam mo Taba,iyon nalang basahin mo oh! pffftt! bagay sayo nyahaha...ah alam ko na! piggy nalang itatawag ko sayo...nyahaha...bye piggy!" Tinutukoy nya yung librong may pic ng baboy syaka umalis ng tumatawa.

"Arghhh!!! huhu!" ayon umiyak na nga ako! Nakakainis kasi eh! Favorite ko yun eh! FAVORITE!!!

Napaupo nalang ako saka umiyak habang nakatakip ang palad sa mukha.

"Ay ang panget pala nito,sayo nalang...piggy"

Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Lance na hawak ang libro habang inaabot iyon sakin?

Kumonut ang noo ko.

"Ayaw mo? ok sige---" dali akong tumayo.

"Di gusto ko! akin na!" hinablot ko ang libro sa kanya.

"Uwahhhh!! Thanks Lance!!!" mangiyak ngiyak kong sabi dahil sa tuwa...ang saya ko! ang saya ko kaya napayakap ako kay Lance!

"Tsk! Lumayo ka nga sakin Piggy!" then tinulak nya ako...mahina lang namn.

Oa talaga!

"Thank  youuuuu" nagbow pa ako.

May tinatagong bait pala tong bakulaw na to!

Good news: Nakuha ko na ang fav book ko! Magpapaparty akoooo!!

Bad news: May bagong tawag sakin si Lance at mas malaswa pa kaysa noon!

Pero ice lang! kasi meron na akong collection ng book!!!!!

------------------------------------

Vote/comment

Ms.Mataba Turns To Ms.Sexy [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon