Chapter Eleven: Reason

2.3K 82 2
                                    

Jules pov

Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin Ngayon ni Zach.Di ko alam kung maiinis o kikiligin. Magkatabi kami ni Zach habang nakasquat sa sahig pero may distance rin naman.

Your near yet so far from me---char!

"Bakit di ka sumipot?" bigla nalang nagsalita si Zach.Sinong kausap nya? May ibang tao ba dito?May nakikita ba sya na di ko nakikita? Huhu T_____T

"Z-zach,s-sinong kinakausap mo?" tanong ko, di parin ako makatingin sa kanya.

"Ikaw,may iba pa bang tao dito?" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.Nakatingin lang sya sa may pinto? With no reaction po.

"Bakit di ka sumipot?" Tanong nya ulit.

"Ha?" yan lang ang nasagot ko.

"Hinintay kita sa airport,kasi sabi mo pupunta ka.Gusto kong bago ako umalis nang bansa makita kita,pero di ka pumunta" sabi nya at tinignan nya ako kaya napayuko ako.

Kasi...may dengue ako that time,critical nga ako nun,buti nga di ako natuluyan.

"M-may dengue kasi ako,nasa hospital ako nun." sabi ko.Nakita ko sa peripheral vision ko na kumunot ang noo nya.

"Really? Bakit ka naman magkakadengue? as far as I know,your room is air -conditioned"

Aba! Anong kala nya sakin?Na hindi umaalis ng bahay!? Kung alam nya lang na sya ang dahilan kung bakit ako nagkadengue!

"Hinintay kita sa meeting place natin Zach kaso di ka dumating,yun pala kasama mo ang crush mo.Maghapon akong naghintay sayo kahit na nilalamok na ako.Buti nga dumating si Ate eh,Naabutan nya akong NILALAGNAT."inimphasize ko talaga ang salitang nilalagnat para damang-dama nya.

Nakakainis kaya! Halos mamatay na ako dahil sa sitwasyon ko,pinilit ko pa ngang puntahan sya sa airport,kaso di puede dahil mahina pa ako.

Puedeng umiyak? T_______T

"Pinilit ko si Mommy na papuntahin ako sa airport para makita ka kaso,mahina pa ako." halos mangiyak-ngiyak kong sabi.

Tahimik lang si Zach.Ay takte! Ang taas ng litanya ko tapos wala syang isasagut?

"I'm sorry..." rinig kong sabi nya saka ako....niyakap.

OMYGHADDDD!!!

KEKELEGEN O KIKILIGIN?

Omyghoad talaga!!!

"Sorry...bestfriend..."napangiti ako dun sa pagsabi nya ng Bestfriend,saka sya niyakap pabalik. Di ako nananantsing ah!

"Okay lang yun,past is past,...Bespren" sabi ko

Masaya na ako,bumalik na rin kami sa dati.Okay na kami.Sana nga wala ng asungot eh! Haha.

--------------------------------

Inihatid ako ni Zach sa bahay.Paano kami nakalabas ng storage? Well,dumating ksi yung panot namin na janitor.

Sabi pa nga nya "Kung gagawa kayo ng kababalaghan,dun kayo sa motel!"

Dba ang dirty? Sarap lang lampasuhin!

Hiyang-hiya nga ako kay Zach kasi inunan ko yung balikat,tapos paggising ko nalawayan ko pa -////-

Buti nga okay lang sa kanya,tinawanan nya lang ako nung natataranta kong punasan ang uniform nya na may laway ko -////-

"Salamat Zach" sabi ko sabay bow nang makalabas ako nang kotse nya.

Nagsmile naman sya saka nagsalute.

"Ingat sa pagmamaneho,Salamat ulit"

"Tss..your like my mom" sabi nya at tumawa sya.

"Hmpf! Umalis ka na nga!" sabi ko at tumango lang sya saka pinaandar ang kotse nya.

Pinagmasdan ko muna ang kotse nya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko kaya pumasok na ako sa loob.Buti nalang sabado ngayon.

Nang makapasok ako sa loob nakita ko sila Mommy at ang mga friends nya,pati si bakulaw At si....ate janella?!!!!! Pati si Daddy?!!

Teka lang...ano bang meron?

"D-daddy?...Ate?" di makapaniwalang sabi ko.

Yung mga mata nila nag-aalala,pati rin si Bakulaw.

"SAAN KA BA GALING PIGGY!? KAHAPON KA PA NAMIN HINAHANAP,AKALA NGA NAMIN KINATAY KA NA!" sigaw ni Lance sa akin habang niyuyogyug ang dalawang balikat ko.

"Haist! Bitawan mo nga ako bakulaw! Ang OA mo,kasama ko si Zach!" sabi ko saka tinakwil ang kamay nya na nasa balikat ko.

"SI ZACH?!" sigaw nya.Ang lapit lapit lang naman namin,bakit sumisigaw sya.?!!

"Pwede ba,wag kang sumigaw?!" inis kong sabi.

"Nalock kami ni Zach sa storage room,and unfortunately,lowbat ako at naiwan nya ang cp nya kaya nagpagabi kami dun" sabi ko

"yung anak ko talagang yun" Sabi ni tita na mama ni Zach.

"Teka lang...ate, Daddy,kailan pa kayo umuwi?" sabi ko.

Ngumiti naman silang lahat.

"SURPRISE!!!!!" sabi nilang lahat kaya lumaki ang mata ko.

Surprise to?

Natouch naman ako,huhu.Puedeng umiyak?

:')

------------------------

vote/comment

For this lame update,haha:D

Sinong nakapunta sa BTS Epilogue in Manila? Huhu,teambahay ako eh!

Nagluluksa pa nga ako ngayon,huhu T______T

Asawa ko.V koooo!!! Mahar kita!!! :'(

Ms.Mataba Turns To Ms.Sexy [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon