Chapter Eight: Orphanage/Date

2.6K 66 0
                                    

Jules Pov

*Beep! beep!

Dali-dali kong kinuha ang sling ko saka kumaripas ng takbo sa baba.

Grabe naman tong si Lance,excited much lang?

Excited naman ako,kasi....first time kong may kadate,pero sa kasamaang palad...kay bakulaw pa!

Nang buksan ko ang gate,tumambad sakin ang isang gwapong---este! si bakulaw!

Grabe siya oh! Nakasandal pa sya sa kotse nya,nakashades pa ang gago! Pacool lang eh!

Ibinaba nya ng kunti ang shades nya at tinaas baba ang kilay.

"Ready?" sabi nya kaya napangiwi ako.

"Ulol!" sabi ko saka sumakay na sa kotse,yung katabi ng driver's seat?shotgun seat ata yun?Wala naman kasi akong car!

"Ang KJ mo talaga piggy,akala mo naman sexy!" sabi ni Lance habang inaayos ang seatbelt nya,ganun din ang ginagawa ko.

Inirapan ko sya.

"Sa'n ba tayo pupunta?" inis kong sabi.

Alam kong di ako sexy!Kailangan pa bang ipamukha yun?

"Secret..." sabi nya habang nakawide smile

"He!Para kang nakadrugs!" sabi ko at sinamaan nya ako ng tingin pero inarapan ko lang sya.

He started the engine.

Tahimik lang nagddrive si Lance,pero ang lawak ng ngiti nya.Yung tipong mapupunit na ang labi nya sa kakangiti?

Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung kailan ko makikita si Lance na magseryoso,puro kasi kayabangan at kalokohan nalalaman eh!

-----------------------------

Mga isang oras siguro ang biyahe namin bago kami makarating sa isang.....ampunan?

Six Pm na rin kaya medyo makulimlim na pero may mga ilaw naman sa daan.

"Anong ginagawa natin  dito?" tanong ko.

"Date---i mean,yung activity natin" sabi nya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit dito?" nagtatakang tanong ko.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa kaya mas lalong naguluhan ako.

"Ano ka chiks! Atsaka,anong kala mo? na dadalhin kita sa isang romantic na lugar pfttt!! inaantok ka ata! hahaha!!" sabi ni Bakulaw saka tumawa.Sinamaan ko sya ng tingin,pero alam niyo naman ang bakulaw na to dba? di natitinag sa death glare!

Nauna na akong pumasok.Nakakainis sya!

"Hoie piggy!hintay!" Sigaw pa nya pero di ko sya pinansin at tuluyan syang iniwan.

Di po sya maliligaw nyan noh!

Padabog akong naglalakad nang may makabangga ako.

"Anu ba yan ate,ang tigas ng tiyan mo!" Napatingin ako sa ibaba ko at nakita ko ang isang cute na batang lalaking hinihimas ang noo nya:3

"Ay,sorry babyboy! di kita nakita eh" sabi ko saka lumuhod sa harap nya para magkapantay kami.

Napangiti ako saka ginulo ang buhok nya.

"Ang cute mo naman! Anong name mo?" sabi ko

"Nico po,hello!" sabi ng bata habang nakangiti kaya lumabas ang dimple nya sa right cheeck,cute!

"Hello Nico! Ako nga pala si ate Jules! Nice meeting you!" sabi ko saka nakipagshakehands sa maliit nyang kamay.Wahhh!!Namiss ko tuloy si Ate! Nasa Korea pa kasi sya,pero uuwi na yun next week! Excited!

"Nico!"May boses ng lalaki ang tumawag kay Nico.

"Kuya!!!" napatingin ako dun sa tinawag nyang kuya---Si bakulaw lang pala!

"Magkakkilala kayo?" tanong ko kay Lance

"Obvious ba?" aba!pilosopong lalaking to ah! Batukan ko sya eh!

"Aray!" ayan,binatukan ko nga!

"Umaayos ka ah!" inis kong sabi kaya napapout sya...kadiri!parang tutang ligaw pffft!!

"haha! ang sweet nyo naman!" napatingin ako kay Nico na humahagikhik sa isang tabi

"Nico ah! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo!" sabi ko saka umaktong kinikilabutan kaya mas lalong natawa sya.

"Osya,tama na yang daldalan nyo,Sige ka Nico,baka mapunta sayo Fats ni Ate Jules,tataba ka haha" Sabi ni lance kaya binatukan ko at tumawa lang sila ni Nico

"Tigilan mo ko lance ah!" inis kong sabi

"Pasok na po tayo,hinihintay na tayo ni sister" sabi ni Lance kaya nagtungo kami sa loob ng ampunan

-------------------------

lame,just lame -____-

Ms.Mataba Turns To Ms.Sexy [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon