Chapter 11: The Visit

125 2 2
                                    

Dedicated 'to sayo.. nabitin ka diba.. O eto na :))   Thanks for reading my storryyyy!!! :**

CHAPTER 11: The Visit

Mira's POV

Pagkabalik na pagkabalik ko sa mansion, agad akong sinalubong ni tito at tita...

"Where have you been!? Kanina pa kami naghihintay sayo! Do you know what time is it!? Pinag-alala mo kami nang husto!" Tito Niall

"Hon. Calm down. Let Mira explain first." Tita Lia

"Eh si Nathan po ba? Inalala niyo po ba siya?"

Natigilan si tito sa sinabi ko. Napakunot siya ng noo.

"Magpahinga ka na at pagod ka na rin. Sa susunod, magpaalam ka rin sakin kung aalis ka."

He left without answering my question...

"Mira, did you find him!?" Tanong ni tita 

"Pasensya na po tita pero sa ngayon di ko po muna sasabihin kung nasan si Nathan. Bigyan po muna naten siya ng time and space. Kailangan niya po yun. I hope you understand me tita" :(

"I understand" Lumungkot naman si tita.. "Kamusta na ang anak ko?"

"No worries tita. Okay naman po siya. Safe naman po siya kung nasan man siya ngayon."

"Nakausap mo ba siya? Kelan daw siya babalik?'

"Sa totoo lang po, nagpumilit akong kausapin siya. He doesn't want to talk to anybody right now. Lalo na kung about dun sa nangyari. Pero nasabi ko naman po ang gusto kong sabihin although nasa kwarto siya nun at di ako nilalabas. About po dun sa kung kelan siya babalik. Hindi ko po alam."

Napabuntong hininga na lang si tita.

"Ano ba itong nangyayari samin? Kahit gaano ka kayaman hindi mo pa rin magawang maging masaya lalo na kung ang problema mo ay tungkol sa pamilya.. Mira, maraming maraming salamat sa paghahanap mo sa anak ko."

"Wala po yun tita. Sige po, pahinga na po tayo..."

"Kambaaaaallll!!! I'm ready! hahaha! Bilis na!! It's time to wake up! You sleepyhead!!!"

"Ano ba kambal, ang aga mo naman.. Anong oras pa lang oh.. Mamaya pa alis natin eh! Excited much?"

Nakita ko ang sarili ko na may kasusap na babae. Natulog na lang ulit yung babaeng kinakausap ko hanggang sa may nagbukas ng pinto at pumasok ang dalawa pang babae.

The problem is, I'm seeing blurred faces again.

"Oh Mira! Nandito ka na pala. Krisha! You're still in bed!?" sabi nung girl

"Kahit kelan talaga tulog mantika ka talagang babae ka! And you're still not packed!?" the other girl said..

"Ano ba kayo.. Di na kayo nasanay kay kambal. Sige na, ituloy niyo na yung iniimpake niya. Magmimistulang alarm clock na naman ako ngayon.. hahaha!"

"Haaaayy.. hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko kayo.. hahaha!"

Nagtawanan na lang kaming tatlo habang yung isa naman, ang sarap ng tulog...

Is this a dream? Or it's just another lost memory...

One week has passed simula nung huling kinausap ko si Nathan... Haaay.. Wala na ba talaga siyang balak bumalik?

"Ate Mira?" nakita ko si Angel sa likod ko.

"O Angel! Bakit?" :)

"Mom told me you know where kuya is."

When You BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon