Chapter 15: Ilocos Tour! (Part 1)

133 3 7
                                    

CHAPTER 15: Ilocos Tour! (Part 1)

AJ's POV

Kung naiirita agad kayo dahil simula pa lang POV ko na, wala akong pakialam sa inyo! Ganyan talaga pag diyosa! Laging nauuna!

Nakakaimbyerna talaga yung babaeng yon! Bakit pa kasi may umaaligid na impakta! To make it even worse, kapatid pa pala ni Nathan yung bubwit na yon! These awful creatures! They should be wiped out from my sight! Pano ko masosolo si Nate my loves kung nanjan sila! Arrgghh! I hate it!

Sino ba yang Mira na yan!? Kelan pa siya nakatira sa mansion nila!? How come ok lang kay tito na she can be Nathan's fiance!? That should be me!!!! Baka naman gold digger lang yan!? She should be gone! Gustung-gusto ko na siyang isako tapos itapon sa dagat!

And yung Angel na yon! That little devil! I need to be close with her. Kelangan magpagood impression ako sa kanila to get Nathaniel! I'll still stick with my brilliant plan! Make Nathaniel fall in love with me!!

As for Mira the impakta! I'll make her life miserable! To the point na kusa na siyang aalis at never na siyang magpakita samin! Baka mahawaan pako ng kaimpaktahan niya! Eeeww.. She's so disgusting!! Sa katawan pa lang wala na siyang binatbat saken! Me? Hourglass ang body shape! Eh yung sa kanya! She's like a walking stick! Kung di niyo alam ang hourglass, search niyo sa google, idiots!

Tignan mo siya ngayon, wala ata sa vocabulary niya ang word na sexy and fashion! Ang baduy ng outfit niya! Plain loose t-shirt and shorts na hanggang tuhod!! Kacheapan!! Ew.. Ang sexy sexy ko ata ngayon!

Kakapasok lang ni impakta sa living room. Napatingin siya samin ni CJ. Irap to the max! Dineadma ko siya ng bongga! Ang aga aga siya agad makikita ko! Later na later papatakan ko yung pretty eyes ko ng solution!

Di niya ata ineexpect na sobrang aga namin ngayon. Si kuya nga, kung di pa yan nahulog dahil tinulak ko siya palabas ng kama e di pa yan magigising! I really hate it everytime I wake him up!

Well I need to be early para paglabas ng hubby ko, makakaladkad ko na siya papasok ng van at kami magkatabi! I won't let that impakta na masolo ang hubby ko sa byahe noh!

Eto namang si kuya tulog na naman! And he's snoring like a pig! Ang ingay! Kairita! Super! GRRR.

Mira's POV

Time check: 2:00 am

Bumangon nako at inayos ko ang sarili ko para sa byahe. 5 days ang tour namin sa Ilocos.. more on Ilocos Norte kami. Sa totoo lang 4 days lang talaga ang tour namin dahil yung one day ay nakalaan para sa byahe and that is today.

I didn't expect na sobrang layo ng Ilocos! Nung tinignan ko siya sa map, halos dulo na siya ng Pilipinas, specifically sa northern part ng bansa. Tapos naka van lang kami!? Edi syempre sobrang tagal ng byahe namin kung galing ka ng Manila!

Sabi naman ni tito, mas okay na raw ang mag roadtrip kesa sumakay ng plane. At least sa roadtrip, makikita mo yung iba't ibang magagandang sceneries. Unlike sa plane, wala ka nang ibang makikita kundi white clouds and blue sky. Tama nga naman si tito.

Di ko talaga alam kung maeexcite ako o matutuwa ngayon kasi nanjan na naman si.. basta alam niyo na kung sino! Antaray ng suot ha.. Kelangan pag bbyahe naka short-shorts! yung panty na short! -__- tapos sleveless na top na sobrang fit! Kulang na lang eh lumuwa na yung dalawang cupcakes niya! Sobrang revealing naman suot neto! Mag bra at panty ka na lang kaya! Lamigin ka sana sa van!! >.<

huhu... Ang bad ko na naman -__-

Time check: 3:00 am

Pineprepare na yung mga gamit na dadalin at isa isa na silang nilalagay sa van. Dalawa yung van na gagamitin. Sa isang van sasakay sila tito Niall, tita Lia, Angel, Manang, at si Mang Kanor yung driver.. para hindi raw maging crowded sa van, hiniwalay kami sa kanila..

When You BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon