Chapter 15: Ilocos Tour! (Part 4)

90 5 3
                                    

Hi ate! Dedicated po sa inyo.. thanks po sa pagbabasa ng story ko at sa pagfollow saken.. hihi.. God Bless! :**

Picture ng ating mga bida sa side [sorry kung malabo =(((] ---->

Mira's POV 

Di ko maintindihan 'tong si CJ. Kinakabahan nga ako sa kinikilos niya at dun sa sasabihin niya. Bumuntong hininga siya pero nakatalikod pa rin siya sakin. Bakit ba ayaw niya 'ko harapin? -__-

"Mira..."

Pero bago ko pa marinig yung mga susunod niyang sasabihin, bigla na lang may asungot na tumakip ng bibig ko at binuhat ako papalayo kay CJ! Yung isang kamay naman niya parang nakayakap sa may bandang bewang ko kaya nabuhat niya ako patalikod sa kanya.. Kinakabahan talaga ako! Kidnapper ba 'to!!??

 Ang bilis niya kaya sobrang layo ko na kay CJ. Kahit anong pagpapadyak ang gawin ko at kahit anong pilit na pagkawala ko, sadyang malakas ang lalaking bumuhat sakin. Sinong asungot ba 'to!? Makakatikim talaga siya sakin!!!

"Mm! Mmm! Mmmm!"

"Tumahimik ka nga! Ang likot likot mo!!"

Nung narinig ko siyang nagsalita, sobrang pamilyar talaga saken yung boses niya kaya nag-usok yung tenga ko sabay kinagat ko yung kamay niya!!

"AAAAHH!"  bigla niya akong binitawan at hinarap ko siya agad

"NATHAAAAAANNN!!!" 

*WAPAK!* 

"Masakit yun ha! Kulang na lang humiwalay na ulo ko sa katawan ko! Tomboy ka talaga! Sadista na nga, mas malala ka pa sa aso kung mangagat!"

"You deserved it! Muntik nakong atakihin sa puso! papatayin mo ba ako sa kaba ha!? Akala ko naman may kumidnap na sakin! Ba't mo ba ginawa yun ha!? Kita mong kinakausap pa 'ko ni CJ, edi nagmukha siyang baliw na nagsasalita dun pero wala namang kausap--"

"Pfft! HAHAHAHAHA! XD"  sa dirediretso kong pagsasalita, tinawanan lang ako! This guy is so annoying!!! >__<#

"Ano bang nakakatawa!?"  >:|  naiinis nako ha!

"Wala. wala."  pero kitang kita mo sa kanya nagpipigil siya ng tawa!

"Crazy!! Jan ka na nga!!"

Babalikan ko sana si CJ pero hinawakan niya braso ko para pigilan ako.

"You're not going anywhere! You're going with me!"

"At bakit!?"  -__^  taas kilay kong tanong sa kanya

"Kelangan mong magpalit!"

"What!? Okay naman itong suot ko ah!'

"Ang pangit sayo niyan! Di bagay sayo!"

"Hey! For your info binili, 'to saken ng nanay mo!"

"I don't care! Andami mo pang satsat! Tara na!"

Tapos hinatak niya ako pero binawi ko ng malakas yung kamay ko kaya napahinto kami.

"Problema mo sa suot ko!? Wala naman akong nakikitang mali ah!"

"Alam mo, kapag di ako nakapagpigil, marami akong masusuntok na lalaki sa tabi-tabi! Kanina ka pa istorbo sa paningin ng mga kalalakihan! Agaw atensyon ka masyado! Pakiramdam ko tuloy minamanyak ka na sa mga isipan nila! Kaya kung ako sayo, magpalit ka na hangga't kaya ko pang kontrolin sarili ko!"

Ayun. Hinila niya ako pabalik sa place namin. Nagpahila naman ako. Di ko rin naman alam ang isasagot ko eh. Natameme na lang ako. Pero di ko mapigilang ngumiti. Mapagkakamalan na nga akong baliw dito.

When You BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon