Chapter 15: Ilocos Tour! (Part 3)

60 3 7
                                    

Dedicated to her.. Thank you for reading!!! :)))))))))))))))

Nathan's POV 

Pagbaba ko ng van, hinanap ko agad si Mira pero di siya mahagilap ng mga mata ko, kainis! Ambilis naman kasi mapikon! naiwan tuloy ako -__-

Teka, ano nga ba pinunta namin dito? Baka sakaling dun na nagpunta si Mira. Matext nga yung babaeng yun, at oo, may cellphone na siya, binilan siya ni dad ng iPhone 5s, thank you gift daw. Nung una di agad matanggap ni Mira kasi sobrang mahal daw nun at madami na kaming naitulong sa kanya. Pero sa huli, kinuha pa rin niya dahil sabi ni dad, magtatampo siya pag di niya kinuha yun.

-------------------------------------------------------

To: Sadistang tomboy xD 

Hoy babae! Nasan ka na!?

-------------------------------------------------------

Ilang minuto ang nakalipas, wala akong natanggap na reply! Tinawagan ko, pero ring lang nang ring! Tssss.. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko yung kakaibang bato sa malayo. Yun ata yung tourist attraction dito. Nagdecide akong pumunta dun. May madadaanan kang mahabang sementadong hagdan pababa para makarating dun. Pababa na sana ako nang may kumalabit saken. Paglingon ko, isang matandang babae.

"Iho, pwede mo ba akong alalayan pababa? Baka di kayanin ng tuhod ko"

Ano ba 'tong si lola.. Di na nga kaya, pipilitin pa! At dahil mabait ako..

"Si-sige po." Inalalayan ko si lola pababa.. Anubayan! Ang tagal! Ang daming oras na nasasayang sakin! 

"Salamat iho." sabi ni lola nung makarating na kami sa baba.

"Walang anuman ho" tapos naglakad na siya palayo sakin.

Paalis na sana ako pero may kumakalabit na naman! And guess what!? Isang lola ulet! Pangalawa na 'to ha.. Asan ba mga kamag-anak neto!? Ba't ba kasi hinahayaan nilang mag-isa mga matatanda!? -__-

"Pogi, tulungan mo naman ako bitbitin mga gamit ko paitaas. Nagmamadali kasi ako. Baka maiwan nako ng mga kasama ko."

Ako rin po lola, nagmamadali rin ako! Baka mamaya eh ilang beses nang naka-score si CJ kay Mira! Di pwedeng mangyari yon! Dakilang alalay na ba role ko ngayon!?  At dahil gentleman ako.. Wew!

"Sige po, tulungan ko na po kayo"

"Naku pogi! Salamat ng marami!!"

Pagkatapos, nagmadali akong bumaba ulet. Grabe ang inet!! Tagaktak na pawis ko! Pero mas hot ako tignan ngayon.. Wahahahaha!

Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Mira. Lingon dito. Lingon doon. Nasan na ba siya!? Maya-maya di ko na talaga matagalan yung init! Kaya huminto muna ako at bumili ng malamig na inumin. Tinignan ko kung hanggang saan pa yung lalakarin ko.. Takte ang layo ko pa!!! -___-||

On the way nako tapos may humarang sakin na dalawang foreigners, andaming tanong sakin. Ano 'ko? Tourist guide!? Kabwiset! Sinabi ko na lang di ko alam! Andaming umeepal sa paghahanap ko kay Mira!! Tawag ako ng tawag sa phone niya pero di niya talaga sinasagot!!! 

Sa wakas! Nakarating na rin ako! Naabutan ko si AJ na walang sawang pinipicturan ang sarili. Kulang na lang maging bibe na siya kakanguso!! Tapos nakita niya 'ko...

"Nate!!!" sabay takbo papalapit saken at naging linta na naman!  "Tara picture tayo!"

"Lumayo ka nga saken! Get lost AJ!!"  Nilayo ko siya

"You're still angry at me? I'm sorry okay. Di ko naman talaga sinasadyang mangyari yun noh! Malay ko bang may tinatagong kaduwagan yung babaeng yun!"

When You BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon