Nagkamali ba ako?

44.5K 475 18
                                    


NOTE!

 

Some parts of this story were already deleted. You can read the whole contents in its book version for 175p only, published under Viva-Psicom. The book is still available in bookstores "nationwide" and for further inquiries, you may ask to their facebook website @Viva-Psicom Publishing Inc.

 

 

Inuulit ko, 'wag niyo na lang basahin kung in the end ay magagalit, maiinis, maaasar at baka may "magmumura" na naman sa akin dahil lang sa word na "bitin".  Hindi lang ako ang nagde-delete ng published books kundi almost sa mga writers dito kaya inuulit ko, hindi na'to kompleto...







     

       Ala-una ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Ang init ng nararamdaman ko samantalang naka-fully aircondition naman ang kwarto namin. Nilingon ko si Daniel na mahimbing ng natutulog sa tabi ko. Ang kasayahang inaasam ko kapag mag-asawa na kami ay hindi ko nararamdaman ngayon. Walang problema sa mga in laws ko pero kay Daniel, sa kanya ako nakakaramdam ng pagkukulang.



Nagkamali ba ako sa desisyong pagpapakasal?



Hinaplos ko ang tiyan ko, kawawa naman siya kung paglaki ay bastardo ang labas. Nilingon ko uli ang asawa ko, bakit may nag-iba sa kanya? Hindi naman siya ganito dati? May bago na naman bang babae sa buhay niya?



O baka.... ganito naman siya lagi. Kapag nahuhuli ko at hihiwalayan ay parang asong lumuluhod sa pagmamakaawa.Ayaw naman niya akong pakawalan.



Napalingon ako sa bintana.



Parang may sumilip sa amin. Pero wala naman, tanging kadiliman lang ang nakikita ko. Sumiksik ako sa katawan ni Daniel dahil nakaramdam ako ng pangingilabot. Parang may mga mata talagang nakatingin sa amin kanina. Tumutok ako doon, aabangan ko ang paglitaw ng nakita ko kanina.



"Good morning Ma'," bati ko sa nanay ng asawa ko.



Nagmamadali na akong pumunta sa kusina para personal na ipaghanda ang almusal ng asawa ko. Dati na siyang maselan sa pagkain kaya ngayong asawa na niya ako ay responsabilidad ko nang pagkain niya.



"Oh iha... ang aga mong nagising ah, saan ka pupunta?" tanong ng matandang babaing nagbabasa ng dyaryo sa sala.



"Sa kusina po..."lingon ko lang sa kanya habang naglalakad pa rin ako.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon