Bahay namin.

39.7K 432 15
                                    

 NOTE!

 

Some parts of this were already deleted. You can read the whole contents in its book version, published under Viva-Psicom. The book is still available in bookstores "nationwide" and for further inquiries, you may ask to their facebook website @Viva-Psicom Publishing Inc.

 

 

Inuulit ko, 'wag niyo na lang basahin kung in the end ay magagalit, maiinis, maaasar at baka may "magmumura" na naman sa akin dahil lang sa word na "bitin".  Hindi lang ako ang nagdedelete ng published books kundi almost sa mga writers dito kaya inuulit ko, hindi na'to kompleto...

     



     




Nasa malaking bahay uli ako, kasalukuyang nag-iimpake kasi bukas na ng umaga ang alis namin. Binigyan ko nga siya ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ang kanyang pangakong magbabagong buhay na. 



Napalingon ako nang pumasok siya sa kwarto namin at may kausap sa cellphone. Nginitian niya ako habang ako't tumango lang at bahagyang ngumiti rin sa kanya. Itinuon ko uli ang atensiyon ko sa mga damit at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.



"Aba Mang Lando, matagal ko nang sinabing inereserve ko na ang bahay na 'yan... hindi ko na problema ang gusot na 'yan, gawaan niyo ng paraan dahil bukas ay darating na kami ng asawa ko." malakas ang boses nyang nakikipag-usap sa tinatawag niyang Mang Lando.



Napalingon uli ako sa kanya sa tinatakbo ng usapan nila.



"Sige, basta gaw'an niyo ng paraan... isang linggo lang kami magtatagal sa hotel... at 'pag hindi pa napasaakin ang bahay na 'yan... humanap na kayo ng ibang trabaho Mang Lando." at nakita kong pinatay na niya ang cellphone.



Nilingon ko siya pagkababa niya sa cellphone.



"Parang sumobra ka naman yata sa taong 'yun Daniel." puna ko sa kanya.



Agad naman siyang lumapit sa akin at tumabi ng upo. Ngumiti siya at hinalikan ako sa buhok. Nginitian ko lang din siya at ginalaw uli ang mga damit. Naramdaman kong hinahaplos niya ang braso ko pababa sa kamay ko habang pinipisil ito.



"Miss you hon'..." bulong niya at sinamyo uli ang buhok ko.



Hindi ko pinansin ang paglalambing niya, ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.



"Wala ba tayong matutuluyan 'dun?" binuksan ko ang pinag-usapan nila kanina at umaasang mawala ang interes niya sa akin. "Paano tayo titira sa isang lugar na wala tayong kakilala ninuman?"  sinulyapan ko siyang  nakahiga na sa kama at ginawang unan ang mga kamay.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon