Tulong!

28.9K 276 5
                                    



            Dumaan ang mga araw, naging masalimuot ang pagsasama namin. Lagi kaming nagtatalo hanggang sa nauuwi ito sa away. Ang dating buhay namin sa Manila ay parang bumabalik dito sa probinsiya. Sinabi ko na ito kay Tita Celia minsang nagkausap kami sa cellphone pero ang tanging napayo niya sa akin ay 'wag kong aawayin ang asawa ko dahil malayo kami sa kanila.

Hindi ko na sinabi sa tiyahin ko ang nararamdam kong kakaiba sa ikinikilos ng asawa ko. Ganun' pa rin siya kung papansinin, malambing, masayahin pero may kulang talaga ramdam ko iyon. Malimit kong pag-isipan kung may ibang babae na naman bang kinalolokohan si Daniel sa lugar na'to? Ngunit agad namang sumasagot ang isipan ko ng imposible. May iilang kadalagahan na akong nakita pero wala akong nararamdamang pagseselos. Kung ikukumpara sa akin, hindi naman ako nagmamayabang pero wala silang panama sa aking lahat.

Napansin ko na rin na naging malamig siya sa gabi. Sa tuwing tatangkain kong may mangyari sa amin ay napapahinto ako dahil hindi siya tumtugon at kalaunan ay lumilitaw ang lalaking nakikita ko.




              Palihim ko itong sinabi kay Ate Amelia kaya wala sa kaalaman ni Daniel na pumunta kami kay Lolo Semion. Pagkahawak pa lamang niya sa pulso ko'y bigla niya akong iniwan sa loob ng isang kwarto at naramdaman kong kinausap niya si ate sa labas.

Hindi nga ako nagkamali, pumasok siya at pilit na ngumingiti.

"Saka na lang raw tayo babalik dito, nilalagnat kasi si lolo kaya hindi ka rin niya magagamot... nawawala ang kaalaman niya tungkol sa mga ispiritu kung hindi maganda ang pakiramdam niya." sabay hawak niya sa kamay kong inilahad ko para matulungan niya akong makatayo.

"Ibig sabihin ay naiingkanto ako ate, kailan tayo babalik dito... baka malaman ni Daniel ay pag-iisipan lang ako ng masama at natatakot na rin talaga ako." malungkot kong tanong ko sa kanya at inayos ang damit ko. "Gusto ko lang malaman kung ano ang apakay ng lalaking 'yun sa akin."

Hindi ako tiningnan ni ate at nauna nang lumabas ng kwarto.

"Malalaman mo rin, dadaanan kita sa bahay kung babalik tayo dito..." sabi nito na tuluyan nang lumabas at isinuot ang tsinilas. "Halika na... pauwi na rin si Kuya Lando mo at si Daniel."

Tahimik naman akong sumunod pero pababa na ako sa dalawang palapag na hagdan nang lumitaw sa isang silid si Lolo Simeon. Marahan siyang lumapit sa akin habang hawak ang tungkod at isang parang pulseras.

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam.

"Uuwi na ho ako Lolo, pasensya na ho sa abala..." sabi ko at tuluyan ng bumaba nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kunin mo i-ito..." halos wala ng boses na lumalabas sa kanyang bibig. "Wag mo 'yang tanggalin, kahit saan ka 'wag mong aalisin pero sa isang pagkakataon lang..." anas niya. "Alisin mo 'yan kung dudumi ka at agad mong ring suotin uli..." bigay niya sa mukhang gawa sa iba't ibang kahoy na pulseras.

"Para ho saan ito lolo?" tanong ko at kinuha na rin.

"Para sa masasamang ispiritu na nasa paligid lang... kayong mga taga kabihasnan ay maaring hindi na maniwala." titig niya sa akin. "May ibang mundo pa rin ang mga masasamang isipiritu at mga kakaibang nilalang na nabuksan ang lagusan patungo dito sa ating mundo..." Sabi ng matanda at hinawakan ako sa noo. "Mag-iingat ka, may isang nilalang na gustong agawin ang katawan mo at ng mga taong mahal mo sa buhay..."

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon