Sa kasal namin...

63.4K 640 30
                                    

NOTE!

 

Some parts of this story were already deleted. You can read the whole contents in its book version, published under Viva-Psicom. The book is still available in bookstores "nationwide" and for further inquiries, you may ask to their facebook website @Viva-Psicom Publishing Inc.

 

 

Inuulit ko, 'wag niyo na lang basahin kung in the end ay magagalit, maiinis, maaasar at baka may "magmumura" na naman sa akin dahil lang sa word na "bitin".  Hindi lang ako ang nagde-delete ng published books kundi almost sa mga writers dito kaya inuulit ko, hindi na'to kompleto...










    

 

       Maaga akong gumising dahil ito ang araw ng kasal namin ni Daniel. Ang matagal kong naging kasintahan pero sa loob ng apat na taon na magkarelasyon kami ay hindi ko narinig sa kanya ang pakasalan ako.



Ngayon lamang nang malaman niyang buntis ako.



Hindi ko alam kung mahal ba talaga niya ako o ginagamit lang? Sa apat na taong pagsasama namin bilang magkasintahan, nitong taon ko lang naibigay sa kanya ang sarili ko dahil sa insidenteng... nalasing ako.



Hindi naman ako nagsisisi dahil mahal ko siya. Siya lamang ang unang lalaking minahal ko hanggang sa huli.



Hindi ko rin alam kung bakit ayaw sa kanya ng tiyahin kong si Tita Celia. Siya na ang nagpalaki sa akin kaya hindi na rin iba ang turing ko sa kanya kundi isang tunay na ina. Kapatid siya ng nanay ko kaya noong namatay sila ni papa sa aksidente ay kinuha na ako ni tita. Dahil pareho kaming walang kasama sa buhay.



Ako bilang ulila at siya bilang matandang dalaga.




Napalingon ako nang kumatok siya sa pinto ng aking kwarto.Siguro aalis na kami, lumapit na ako sa pintuan at binuksan ito. 



"Ayyy!" sigaw ko at napahawak sa dibdib.



Sa likod pa rin ako ni Tita nakatingin.



"Bakit?" kunot noong tanong niya at lumingon rin sa likuran niya. "Bakit Leonna?"

 

 

"H-Hindi niyo po nakita tita, may tao po sa tabi ng tv nakadamit din ng pangkasal...." napatigil ako sa pagsasalita at binalikan ko uli ng tingin ang sulok na iyon. "P-Pero wala pong ulo..." pagpapatuloy ko.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon