Ang Bagong Kasambahay...

41.1K 392 40
                                    

NOTE!

 

Some parts of this story were already deleted. You can read the whole contents in its book version for 175p only, published under Viva-Psicom. The book is still available in bookstores "nationwide" and for further inquiries, you may ask to their facebook website @Viva-Psicom Publishing Inc.

 

 

Inuulit ko, 'wag niyo na lang basahin kung in the end ay magagalit, maiinis, maaasar at baka may "magmumura" na naman sa akin dahil lang sa word na "bitin".  Hindi lang ako ang nagdedelete ng published books kundi almost sa mga writers dito kaya inuulit ko, hindi na'to kompleto...


  


    


   

      Naging mabilis ang mga pangyayari, pagkakita lang ni Daniel kay Lara ay agad niya itong tinanggap. Hindi sa nagseselos ako pero hindi rin naman pangkarinawan ang ikinilos ng asawa ko sa probinsyanang ito. Magmukha na akong ipokrita o selosa, pero hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Hinila ko si Daniel habang nasa harapan namin si Ate Amelia atni Lara. Naiinis na kinausap ko siya sa may kusina at ang resulta ay wala din akong nagawa.


Tahimik akong naghahanda ngayon ng almusal namin at baon na niya. Kagabi ay natulog akong masama ang loob. Ang kunting pagtatanong ay nauwi na sa pagtatalo at away.


Napapitlag ako nang mula sa likod ay may yumakap sa akin, sabay halik sa leeg ko.


"Hon'... galit ka pa ba, 'wag na nating pagtalunan si Lara ok..." sabi niya sa akin at pinilit akong mapaharap sa kanya. "Mabuti nga 'yung may kasama ka na dito sa bahay... atleast 'di ka maboboring."


Tahimik lamang akong nakinig sa kanya kaya hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para mapatingin sa kanya.


"Nagiging selosa na ang asawa ko ah, hemmm..." sabay halik niya sa akin. "Hon naman, nakahanap ka na nga ng makakasama sa bahay, pinag-iisipan mo naman ng masama tsaka hindi rin kami magkikita, nasa site kaya ako." sabay bitaw niya sa akin.


Hinarap ko uli ang pagliligpit ko ng baon para sa kanya at nagsalita.


"Hindi naman ako nagseselos, alam ko namang loyal ka kahit papaano sa akin..." sabi ko at hindi siya nililingon. "Problema lang sa'yo ay pagbabarkada... at hindi babae 'di ba?" sabi ko at bigla akong humarap, pero... "Ay!" malakas kong sigaw at nabitiwan ang baunan ni Daniel.


Nagmamadali namang pinulot ito nang nasa harapan ko at matipid na ngumiti. Kumuha siya ng plato at inilagay ang natapong pagkain.


"Pasensya na po kayo Maam Leonna... hindi ko po sinasadya, kanina pa po ako kumakatok," sabay lingon niya sa sala.  "Eh walang nagbubukas sa akin kaya pumasok na ako Maam..." 

 

Hindi ko agad siya nasagot, nakahawak pa rin ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat.


KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon