Uuwi na kami...

24.1K 246 22
                                    

 


               Hinalughog ko na ang buong bahay pero hindi ko mahanap si Leonna. Nasaan na ba ang babaing 'yun, saka pa siya mawawala eh ngayong may kababalaghang nangyayari?

Sinilip ko ang isang kwartong nakakandado, para akong magnanakaw na sumilip sa maliit na butas nito at inaninag ang nasa loob. Wala, walang laman ang kwarto kaya patakbo akong lumabas at nagbabakasaling makikita ko siya. Nadatnan ko ang mag-asawa at ibang mga tao na nagkukumpulan sa labas at nag-uusap usap tungkol sa nangyayari.

Hinarap ako ni Mang Lando at nagtatakang nagtanong.

"Bakit, kumusta sila sa loob?" tingala niya sa akin.

"Nong tulong... 'andito ang halimaw!" pasigaw kong sagot habang ang mga mata ko'y naghahanap pa rin sa mga mukhang nakatingala rin sa akin. "Si Leonna nawawala!"

Agad nagkagulo ang mga tao, ang iba ay patakbong pumasok sa loob kasama si Mang Lando. Ang iba naman ay kumalat na sa paligid at tumulong na rin sa paghahanap.

Nangangambang lumapit sa akin si Manang Amelia at nagsalita.

"Anong nangyari, at paanong mawawala si Leonna eh wala naman kaming nakitang lumabas na tao mula sa loob." tiningnan niya ako. "May sinabi sa akin si Lolo Simeon Daniel..."

Naririnig ko si Manang Amelia pero abala ang isip ko at paningin sa paligid kung saan maaaring dumaan si Leonna. Napalingon kami ng ginang nang naghiyawan ang mga tao sa loob.

"Patay na si Lolo Simeon!"

"Wala na si lolo..." sambit ko habang nakalingon pa rin.

Napatabi kami sa gilid nang lumabas ang grupo ng mga tao at binubuhat nila ang matandang wala ng buhay. Naririnig kong nagsisigawan pa rin sila kaya hindi na nila kami napansin at tuloy tuloy na sila sa pintuan.

Napatingin ako sa mga huminto sa harapan ko.

"Hanapin natin si Leonna Daniel, nanganganib siya..." mataman akong tinitigan ni Mang Lando nang may lumapit rin sa tatlong lalaki.

"Daniel, may nakita akong matandang babae na lumabas mula dito sa loob... maliban 'dun wala na akong nakita." sabi ng isa.

"Anong itsura niya?" napako ang paningin ko sa lalaking nagsumbong. Alam kong si Leonna na 'yun pero kinokomperma ko lang. "Anong itsura niya pare...?"

"Mahaba ang damit niya at mahaba rin ang buhok niya na hanggang balikat o lampas lang ng balikat..." paglalarawan ng lalaki habang nag-iisip. "Kulubot ang balat... 'yun lang ang nakita ko dahil nakayuko siyang dumaan sa amin."

Tiningnan ko si Mang Lando.

"Si Leonna 'yun 'Nong..." sabi ko sa kanya. "S-Samahan niyo akong hanapin siya..."

Tumango naman ang may edad ng lalaki kasama ang mga lalaking lumapit rin sa akin. Pumasok si Mang Lando at nang bumalik ay may flashlights ng dala. Ibinigay niya ang isa sa akin at ang isa ay hinawakan lang niya.





           Sabay-sabay kaming bumaba at tumungo sa bakod na kahoy habang alerto pa rin ang mga mata namin sa kadiliman. Ako lang at si Mang Lando ang may hawak na flashlights kaya medyo nakalapit sa amin ang mga lalaking sumama.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon