Naiingkanto!

27.2K 296 36
                                    

     

                Para akong natulog ng napakahaba at ngayon lang ako magising at bumalik sa reyalidad. May mga naririnig akong mga tao sa paligi. Bakit kaya, pinaglalamayan na ba ako? Gusto ko mang dumilat at tingnan sila ay mas ginusto kong pumikit na lang. Baka bumalik ang matandang halimaw at tuluyan na akong patayin.

Narinig ko ang isang boses na pamilyar sa akin at pinakinggan ko ang kanyang sinasabi.

"Mang Lando, 'andito na po ang sasakyan." ramdam kong humahangos siyang pumasok sabay bagsak ng pinto. "Tulungan niyo ako..." sabi niya at naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko.

Binuhat niya ako at dahan dahan akong umangat sa kinahihigaan ko na para lang akong hangin na lumulutang sa kawalan. Bahagya kong tiningnan kung nasaan na kami at nakita kong papalayo na kami sa second floor ng bahay. Ibig sabihin ay pababa kami ngayon ng hagdan. At nasulyapan ko pang sumusunod si Mang Lando sa amin na may dalang kumot at unan.

May pumapasok na sa isipan ko pero hinintay ko pa rin kung saan ako dadalhin ng asawa ko. Si Daniel na akala ko ang siyang may gawa sa akin ng lahat.

Hindi ko na natiis ay nagkunwaring umungol ako ng mahina at gumalaw ng kaunti. Kanina pa kasi nanganganay ang katawan ko. Sa wakas ay naramdaman kong inilapag uli ako ni Daniel sa isang matigas na lugar. Sa isang manipis na pangtabon at naramdaman ko pa rin ang lamig nito. Nagpasya na akong dumilat at pinagmasdan ang paligid.

Nasa isang sasakyan ako ngayon.

Pumikit uli ako nang sumakay si Mang Lando at inayos ang higaan ko.

Narinig ko siyang nagsalita.

"Daniel bilisan mo na, baka umapaw ang tubig sa tulay... masa-stranded tayo 'dun!" pasigaw niyang utos sa asawa ko at may ipinupunas siya sa noo ko.

Naramdaman ko namang umandar ang sasakyan hudyat na aalis na kami.

Lalo pa akong pumikit, baka mahalata ng nakatunghay sa akin na gising na pala ako. Habang nakapikit ay tahimik akong nagpasalamat sa Dios. Makakaalis na ako sa lugar na'to. Saan man ako dalhin ni Daniel ay hindi na mahalaga. Ang importante ngayon ay makalayo ako sa lugar na'to na sa umpisa palang ay mabigat na loob ko dito.

Nagpasya akong matulog at erelax ang sarili ko sa pagkakahiga keysa namang pinipilit ko ang sarili kong magkunwari na laman.




              Halos mauntog ako nang biglang magpreno ang sasakyan. Nakatulog yata ako dahil hindi ko na namalayan ang nangyayari. Saan na ba kami, nakiramdam lamang ako pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Kaya nagpasya na akong bumangon at silipin ang paligid.

Nakita ko ang dalawa habang nagpapaulan sila at hinahawi ang isang punong natumba sa gitna ng kalsada. Totoo palang umulan at lalo pang lumalakas ngayon. Nakatingin lamang ako sa kanila habang basang basa na sa ulan na ngayon ay pabalik na ng sasakyan. Nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit hindi ko pa ipinaalam na kanina pa ako gising.

Hihiga na sana ako nang mapako ang mga mata ko sa isang porma ng tao na nakatayo lamang sa kaliwang gilid ng kalsada. Nangunot ang noo ko sa pagkilala dito hanggang umukit sa paningin ko ang porma ng isang babae.

Bumalik uli ang takot ko at panginginig ng katawan nang makilala ito. Siya 'yung matandang papatay sa akin kaya agad akong tumabi kay Mang Lando nang pumasok siya.

"Oh!" sigaw niyang itutulak sana ako sa pagkagulat pero nagsumiksik pa rin ako sa basa niyang katawan. "Leonna, gising ka na!" bulalas niya habang bahagya akong inilayo sa katawan niya at pilit tinitingnan ang mukha ko. "Daniel!" narinig kong sigaw niya sa asawa ko.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon