Dalagang Maranggayan

39.2K 420 13
                                    

NOTE!

 

Some parts of this story were already deleted. You can read the whole contents in its book version for 175p only, published under Viva-Psicom. The book is still available in bookstores "nationwide" and for further inquiries, you may ask to their facebook website @Viva-Psicom Publishing Inc.

 

 

Inuulit ko, 'wag niyo na lang basahin kung in the end ay magagalit, maiinis, maaasar at baka may "magmumura" na naman sa akin dahil lang sa word na "bitin".  Hindi lang ako ang nagdedelete ng published books kundi almost sa mga writers dito kaya inuulit ko, hindi na'to kompleto...




     



Kasalukuyan kaming naghahanda ng hapunan ni Ate Amelia sa kusina habang nasa taas si Daniel at may ginagawa. Sabi kasi ng asawa ko habang walang nahahanap na makakasama ko sa bahay ay si ate muna ang tutulong sa akin.


Wala namang problema kung ako lang. Sanay ako sa gawaing bahay pero ako lang ang nakakaalam sa totoong dahilan kung bakit pumayag ako. Natatakot ako, natatakot ako sa bahay na ito. Mabigat ang loob ko pero iniisip ko na lamang na namamahay lang siguro ako.


"Tapos na ba 'yan Ate, tatawagin ko na si Daniel?" lingon ko sa unang nakausap ko rito. 


"Oo, tawagin mo na at nang makakain na kayo... mukhang uulan yata." sagot naman niya na hindi ako nilingon. Kasalukuyan niyang hinahalo ang ginawa naming salad kapartner ng inihaw na bangus ni Mang Lando. 


Tahimik akong lumabas ng kusina at tumuloy sa hagdan.

"Daniel, halika na..." pumahik ako at sa huling hagdan ako tumigil. Sinilip ko siya sa sala sa itaas pero wala. Akala ko ba dito siya kanina nang daanan ko? Napatigil ako sa isiping iyon, baka pumasok lang siya sa kwarto namin.

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya.



"Oo baba na!" narinig kong sigaw ni Daniel.



Tahimik akong bumaba at pinuntahan uli si Ate Amelia sa kusina. Naghuhugas na siya ng mga ginamit naming pinggan nang magsalita ako.



"Ate..."marahan kong tawag sa kanya pero nagulat ko pala siya.



"Ayy Dios ko!" napasigaw siya sa gulat at nahimas ang dibdib niya. Humarap siya sa akin at pinilit niyang ngumiti.. "Tumatanda na talaga ako..."



Ngumiti rin ako.



"Sorry ate..." umupo ako at humarap sa kanya. "May gusto lang po akong itanong, kung hindi niyo mamasamain." simula ko.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon