Si Lara...

22K 270 41
                                    

 "Totoong nakita ni "Leonna" na hubo't hubad si Larang tumalon sa bintana. Ayon sa matatanda na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan nila. Ang isang klase ng aswang o "taong busaw" sa native language nila ay hindi makakalipad o makakatakbo ng mabilis kung may 'ni isang tela o kahit anong gamit na nakakabit sa kanilang katawan. Ugali na nilang maghubad o tanggalin ang lahat ng bagay dahil sa lagay na 'yun ay kaya nilang pumasan habang lumilipad o tumatakbo (naka-angat ng isang dangkal sa lupa ang mga paa) ng tatlo o apat na katao."




Araw ng sabado....


"Ate... ano bang nangyari at nadelay ang flight natin, tanungin mo nga uli?" 'di ako mapakali, kanina na kami dito sa NAIA Terminal 3. Ang dapat na alas nwebeng flight namin ay umabot na ng ilang oras. "Hindi na ba 'yan pwedeng machange passenger?" nakatingala lamang ako kay Ate Myrna.

Alam kong naiirita na siya sa akin, hindi ko kasi sinabi sa kanya ang totoong dahilan ng pagpunta ko kaya kahit anong sabihin niyang sa kamakalawa na lang ay pinilit ko pa ring ngayong araw.

"Leonna, 'antayin na lang natin... makakaabot rin tayo ng Davao." lingon niya sa akin at tiningnan uli ang babaing nagsasalita sa dulo ng mga upuang nakahilera. "Bakit kasi hindi ka pa sumama kay Daniel kahapon..."

"Sorry na 'teh, malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ako nag-aapura." tumayo na rin ako dahil nararamdaman ko nang nanganganay ang mga paa ko.

"O dahan dahan," alalay niya sa akin.

"Salamat 'teh," sabi ko sa kanya nang mahagip ko ang dalawang taong nakatingin sa akin o bandang bahagi lang ng mga upuang malapit sa akin. Pasimple kong tiningnan ang paligid, iilan lamang ang mga tao kaya inisip kong ako ang tinitingnan nila.

'Di nga ako nagkamali, tumayo ang dalawa at lumapit sa akin.

"Leonna Sandoval?" tanong ng lalaki na nakaakbay sa kasamang babae.

Napakunot noo ako, 'yun nga ang pangalan ko pero hindi ko maalala ang lalaking ito.

"Yes..." sagot ko at tinanong siya, "and you are....?"

"Jaime Cristobal Jr... ang dali mo namang makalimot ah ha haha!" tumawa ang kaharap ko. "Anyway... this is my wife Jennifer, kayo pa rin ba ni Daniel?" habang hinahanap ng mga mata niya ang asawa ko.

Doon ko lang nakilala ang lalaking ito. Isa siya sa mga masugid kong manliligaw 'nung nag-aaral pa kami ng asawa ko.

"O-Oo, susundan ko nga siya sa Davao..." pinilit kong ngumiti, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng panliliit ngayon.

"Really... sana hindi ka niya iniwan with your condition..." sabi niya at tumingin sa tiyan ko. "Anyway we have to go... kinumusta lang kita, dahil sa pang-iignore mo sa akin nakilala ko tuloy ang love of my life..." sabay hinalikan niya sa mukha ang asawa niya at tumugon naman ito.

Napatingin ako sa ibang deriksyon, nandyan naman si Daniel na love of my life niya rin ako ah...

Sure ka ba Leonna, kusang tanong ng sarili ko sa akin.

"God bless in both you..." ngumiti ako sa lalaki. "I'm just surprising him to his birthday... kaya nag-iisa ako ngayon." sabay lingon ko sa kasama ko. "Tumatawag na ba sila Ate?"

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon