Bumalik ako...

23.3K 277 48
                                    


          Tahimik akong nakatingin sa labas habang nagbabyahe kami nila Mang Lando at Ate Myrna. Walang nakapigil sa akin nang pilitin kong puntahan ang inuuwian ng babaing 'yun. Hindi ko lubos maisip na nakaya niyang patulan ang asawa ko at traydorin ako bilang kaibigan na niya.

"Ok ka lang Leonna, baka nauuga ka masyado sa dinadaanan natin..." pansin ni Mang Lando na ikinalingon ko sa kanya.

Marahang akong umiling at ngumiti sa kanya.

"Wala ho sa akin ang alin mang nararamdaman ko ngayon 'Nong, iisa law ang isinisigaw ng damdamin ko..." sambit ko at tumingin sa labas. "Ang liwanagin ang tungkol kay Daniel at Lara, hindi ko sukat akalain na magagawa nila 'yun sa akin." nilingon ko uli ang matandang naging kaibigan ko na at katu-katulong sa mga gawain dito sa lugar nila.

"Yan na ang tadhana niyong mag-asawa, may mga pagkakataong dadaan kayo sa problema na kung hindi niyo gawan' ng paraan ay maaring ikakasama ng pagsasama niyo..." nakita kong sinulyapan lang ako ng matanda at ibinaik uli sa daanan ang paningin. "Anong gagawin mo 'pag makita siya, mag-iingat ka.. sabi mo nga parang isa siyang aswang..."

Napabuntong hininga ako at sumandig sa headboard ng upuang katabi lang ng matanda.

"Hindi ko alam sa ngayon 'Nong, basta gusto ko lang malaman ang lahat... sa lalaking 'yun kasi ay tumikom na ang bibig niya, hindi na siguro niya kayang idetalye pa sa akin ang pangangaliwa niya..." nabuksan na naman ang galit ko nang maalala si Daniel, "Nong daan muna tayo sa inyo, may gusto akong makausap na lalaki..."

"Sino, may kakilala ka na ba doon?" nagtatakang tanong at lingon ng matanda sa akin.

Tumango ako ng bahagya habang inaayos ang pagkakaupo ko.

"Oho, si Mang Manuel... 'yung kumausap ho sa akin 'nung araw na paalis kami... gusto ko ho siyang makausap.." sagot ko at tiningnan si Ate Myrna sa likod, kanina pa ito tulog dahil ang hina niya sa mahabang byahe. "At bisitahin man lang ang puntod ni lolo..."

"Ah... oo naaalala ko na, albularyo din 'yun pero hindi masyado kinikilala sa amin dahil nga sa pagiging lasenggero niya, tama subukan mong lumapit sa kanya..." sambit niya. "Bakit ba naman kasi isang maranggayan pa ang pinatulan ni Daniel, hindi sa kinakampihan ko siya iha ah... pero alam kong may kakaiba sa lahing 'yan..."

"Wala na tayong magagawa 'Nong, nangyari na eh..." pabuntong hininga kong sagot at bahagyang umusog pababa, pinikit ko ang mga mata ko at nagsalita. "Iidlip lang ho ako... 'ni isang segundo'y hindi ako nakatulog kagabi..."

Wala na akong narinig pang sagot mula sa katabi ko. Pinilit kong matulog pero parang umaalingawngaw lang ang nangyari sa amin kagabi. Kahit anong pangbabalewala ko'y kumakatok sa isipan ko ang lahat...

"Magsaya ka na Daniel... habang oras mo pa..." madiin kong sambit at tinalikuran na siya nang magsalita uli siya.

"Leonna.. don't do this to me please..." nagmamakaawang lumapit sa akin ang asawa ko at hinawakan niya ako sa kamay pero tinabig ko uli.

"Sino siya?" tinanong ko uli ang babaing 'yun.

Nakita kong bumuntong hininga siya at naiiyak na pumikit.

"Si Lara... Si Lara... Si Lara... Si Lara.... Si Lara... Si Laraaaahhhhh!"

Bigla akong napadilat at mabilis na umupo ng maayos. Tumingin ako sa labas para ikubli kay Mang Lando ang bigla kong pagdilat at napasigaw pa yata ako. Pero hindi nga ako nakaligtas sa kanya.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon