Ngayon pa na wala na...

41.2K 465 17
                                    

NOTE!

 

Some parts of this story were already deleted. You can read the whole contents in its book version for 175p only, published under Viva-Psicom. The book is still available in bookstores "nationwide" and for further inquiries, you may ask to their facebook website @Viva-Psicom Publishing Inc.

 

 

Inuulit ko, 'wag niyo na lang basahin kung in the end ay magagalit, maiinis, maaasar at baka may "magmumura" na naman sa akin dahil lang sa word na "bitin".  Hindi lang ako ang nagdedelete ng published books kundi almost sa mga writers dito kaya inuulit ko, hindi na'to kompleto...

         

 

     





Nagising na lang ako nang makaramdam ako ng hapdi mula sa puson ko. Bigla akong napabalikwas ng bangon sa naisip ko, ang anak ko!


Napalingon ako sa kwarto, sa sarili ko. May nakasabit nang dextrose sa kamay ko at puting puti ang buong paligid. Nasaan ba ako, malamang nasa isang hospital. Inilibot ko uli ang paningin ko sa paligid, wala man lang akong kasama dito.


Nasaan na ba ang magaling na Daniel na iyon? Kabago bago palang naming mag-asawa'y away agad ang nangyayari sa amin.Marahan akong gumalaw, gusto kong tumayo pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng tuhod ko. Nasapo ko ang hapis kong puson. Unti unting pumatak ang luha ko sa isiping wala na siya.




     


         Kasalukuyang nakahiga ulit ako, pumuwesto ako paharap sa pintuan para agad kong makita kung sino man ang papasok. Nagtakip ako hanggang leeg dahil iba ang nararamdaman ko ngayon. Nilalamig ako samantalang nakasara naman ang aircon. Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako ng papalapit na mga boses.


Ilang sandali pa nga'y nakilala ko na ang mga iyon.


"Bakit ka ba kasi naglasing kagabi?" boses ni Tita Lailanie.


"Ma, inaya lang ako nila Brent... anong magagawa ko?"narinig kong pagdadahilan niya.


"Well bahala ka mag-explain sa kanya, nawala ang anak niya and that was so painful for her at sa ating lahat..." ang byenan ko uli. "Tandaan mo Daniel, hindi kita kinokonsente sa ginawa mo, if hiwalayan ka man niya'y labas na kami ng daddy mo..."


Pagkarinig ko sa sinabi ng ginang ay nanginig ang katawan ko sa galit. Kung hindi kay Daniel sana dinadala ko pa rin hanggang ngayon ang anak ko!


Bumangon ako at hinintay ang pagpasok nila.


Nanggagalaiti ako kay Daniel!


Pagkakita ko palang sa kanya ay tinapunan ko siya ng unan sabay napasigaw ako sa galit at napaiyak.

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon