"Busaw means (in native language) halimaw, and tuba is a visayan term for lambanog. Ang sinasabi diyang ipinagbabawal kainin ay ibig sabihin sa totoong nangyari ay ang pagkain ng karne ng tao, kahit ano pa mang bahagi ng katawan ito.
Leonna's pov....
Tahimik lamang akong nakadungaw sa bintana ng kwarto namin habang masayang nag-iinuman ng tuba at tanduay ang iilang mga kalalakihan sa bakuran ng bahay. Si Daniel ay nasa labas lamang ng bakod at nililinis nito ang kotseng Toyota Camry na hiniram niya sa site. Gusto ko sanang tumulong kay Ate Amelia at sa iba pang naghahanda sa kusina pero lahat sila'y umayaw. Magpahinga na lamang ako dahil mamaya ay sasabak kami sa mahabang byahe.
Napatingin ako sa mga nag-uumpukang mga lalaki nang tawagin ng isang may edad na si Mang Lando at mukhang may sinabi ito sa kanya.
"Pwede bang makausap ka iha...?" tanong nito habang inaaayos ang pagdilat niya ng kanyang mga mata, mukhang tinamaan na yata ng kalasingan.
Alanganin man akong tumango ay napatango na rin ako. Papasok siya ng mag-isa dito? Tiningnan ko si Daniel na nakatayo ngayon at tumitingin sa mga nag-iinuman. Parang may binubulong si Mang Lando sa kanya na kanina'y nakita ko pang lumalagok ng tuba. Kinawayan lamang ako ng aking asawa at humarap uli sa kotse namin.
Naiinis man ako'y hindi ko na ipinahalata, hinintay ko na lamang na pumasok sa kwarto ang lasing na lalaki.
'Di nga nagtagal ay nakarinig na ako ng mahihinang katok kahit na nakabukas rin ang pinto.
"Pasok ka kuya..." sabi ko sa kanya na hindi ako umaalis sa bintana. Dahan dahan naman itong sumilip at ngumiti nang magtama ang mga mata namin. "Pasok ho kayo..."
"Wag kang matakot, tawagin mo'kong Mang Manuel o Kuya Manuel..." umupo siya sa may pintuan habang nakalingon sa akin. "Kilala ko ang sumalakay sa'yo... si Rosita.."
Parang isang malakas na tunog ang dumaan sa pandinig ko para buhayin ang lahat ng interes ko. Napaharap ako sa lalaki nang marinig ko ang sinabi niya, sino si Rosita?
Umupo ako sa sahig at sumandig sa dingding na gawa sa kawayang tinadtad ng maliliit.
"K-Kuya parang awa niyo na... sabihin niyo sa akin ang nalalaman niyo." nagmakaawa na ako, matagal ko nang itinatanong sa isipan ko kung sino o 'san nanggaling ang mga nilalang na nagpaparamdam sa akin.
"Sa isang kondisyon..." ang masiglang mukha ng lalaki ay naging seryuso ngayon.
"A-Ano po?" kinakabahan man ako'y tinanong ko pa rin.
"Iwanan mo'ko ng kahit tatlong hibla ng buhok mo at ng address mo..." deritsong sagot ng lalaki at pumanhik sa isang palapag na hagdan ng kwarto mula sa sahig ng sala. "Naninigurado lang ako na hindi mo ilalahad kahit kanino ang pagkatao ko... 'pag mangyari 'yun babalikan kita." tumayo siya sa harap ko at pumikit.
Napapikit na rin ako at sumigaw pero parang walang nakarinig sa akin.
"Hindi ka nila maririnig iha..." anas nito nang mula sa normal na lalaki ay naging matandang nakakatakot ang mukha at medyo humaba ang mga balahibo sa buong katawan.
Tiningnan niya ako at nagsalita.
"Si Rosita at ako ay iisa, may iba pa kaming kalahi na nagtatago sa katawan ng tao." nakatingin lamang siya sa akin habang nagsasalita. "Tinatawag kaming mga busaw..." anas niya habang ang mga mata ay nakaalerto sa paligid. "Wag kang matakot dahil hindi ako kagaya niya... nila." pumikit uli ang lalaki na parang may enerheyang nag-uutos sa akin para ipikit din ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
KABIT
HorrorPUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. This story isn't completed anymore, the ending is already deleted. You can read the whole contents in its book version for only 175php in bookstores "nationwide". ________________________________________________________...