Chandria's Pov
Pendellum Academy.
Isang academy na pinapalibutan ng apat na Kaharian sa Silangan. Napapaligiran ng matataas na pader , at napapalibutan ng barrier para sa proteksyon ng mga mag aaral .Academy kung saan nag-aral ang mga may kaya at mayayaman sa bawat kaharian sa Silangan.
Academy kung saan tinetrain ng mabuti ang mga piling mag aaral para sa Wingston Cup na ginaganap tuwing ika 5 taon .
Wingston Cup isang Survival game na ginaganap sa ibat ibang dimensyon . Iba iba ang mga panuntunan sa bawat dimensyon . May nag papatayan , may nakawan meron ding nag hahanapan lang para sa puntos o makalabas ng buhay sa Laro .
Academy kung saan ako nag aral simula ng dalhin ako sa kahariang Penumbra .
——
"Anak mag tago ka lang dyan sa loob huh? kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas jan" sabi ng ina ko saka niya sinara ang aparador . Sinilip ko sya sa maliit na butas doon , nakita kong tumalikod sya at nag palabas ng apoy mula sa kamay niya .Hindi ko na alam ang iba pang nangyari , bigla nalang bumagsak ang ina ko habang unti unting nagyeyelo ang katawan niya.
Nakita ko ang pag tingin niya saakin bago tuluyang magyelo ang buo nyang mukha .
"Hanapin niyo yung bata" maawtoridad na sabi ng isang lalake .
Nagulat ako ng may biglang nag takip ng bibig ko , isang malausok na kamay at unti unti ako hinila sa dilim .
Nagising nalang ako na nakahiga sa isang silid at napapalibutan ng mga taong nakasuot ng cloak .
"Gising na sya sa wakas" boses ng isang babae.
"Ama , ama nagising na ba sya?" sabi ng isang batang lalaki. Saka tumingin sa akin. "Sa wakas gising ka na , ako nga pala si Lucas Tyler" Sabi niya saka ngumiti .
——
Araw araw ko nalang napapanaginipan yung mga alaala ko .
Bigla nalang akong nagising ng may naramdaman akong sumampa sa kama ko .
At di na ako magugulat kung makita ko si —
"Lucas !" Sita ko sa kanya .
Araw araw syang pumupunta sa kwarto ko para kulitin akong mag laro .
"Cha ! tara may papakita ako sa Garden" - Nakangiting aya ni Lucas sakin.
Pang ilang beses nya na akong inayang mag laro pero ngayon may papakita na sya ?"Ano ba yon ?" - Walang emosyong tanong ko sa kanya .
"Secret Tara muna" - Sabi ni Lucas at saka ngumiti ng abot Tenga.
"Fine" -Sagot ko at saka umirap sa kanya . Ayaw ko kasing mag pa cute sya dahil nkaka badtrip yun .
"Yey sge pikit ka muna"- sigaw nya saka ngumiti ng napaka lapad .Parang ganito -> ^______^ .
'Hayy dami namang arte nito .' Sa isip ko. Pero napag pasyahan ko ring pumikit nalang .
Agad nya akong hinawakan sa kamay at saka sya tumakbo ng Sobrang bilis dahil sa Super Speed Ability nya. Pag dilat ko Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng isang Malaking puno na may Bahay sa tuktok ..
isang Tree House .
"Surprise. ang ganda diba ? ako may gawa niyan , matagal ko na sana ito gustong ipakita sayo kaso ayaw mo kasing sumama eh" - Nabalot ng Lungkot ang mukha nya pero agad din syang ngumiti at hinila ako papunta sa paikot na hagdan patungo sa tree house .
BINABASA MO ANG
UNBREAKABLE
RandomSa buong kalawakan , pinaniniwalalaan ng Lahat na may iba't ibang dimensyon o mundo . Isa dito ang Magic world at Realworld . Sa isang Aklat , Ang aklat ng pag kakapantay pantay o ang Book Of Equality nasusulat ang tadhana ng lahat ng Charmers at Ti...