Chandria's Pov
Nagising ako dahil sa Liwanag mula sa buwan . Fullmoon pala ngayon . Teka ? Paano nga ulit ako napunta dito ? Hmmmmm.
Oo nga pala . Si Draven .
Teka ? Nasaan na nga pala yun ? Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng mahigpit na pagyakap sa bewang ko .
At nang tignan ko sya kung sino yun . Hindi na ako nagulat .
"Draven" Sabi ko ng makita ko siyang natutulog sa likod ko .
Pinag masdan ko yung may pasang pisngi niya , at ung sugat sa labi niya . Napangiti ako dahil may isang mala anghel na Draven na natutulog sa likod ko ngayon ibang iba sa Draven na nakilala ko .
Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng mabilis na pag kabog sa loob nito .
'Anong nangyayari sa akin?' tanong ko sa sarili ko at saka ko napansin ang pag patay sindi ng mga lampara na nakasabit sa mga poste ng hardin .
"Hindi maaari to" at pag kasabi ko nun ay agad akong tumayo at kumawala sa pag kakayakap ni Draven .
Pinakiramdaman ko ang pagtibok ng aking puso . Unti unti na itong bumabalik sa normal. Tinignan ko si Draven .
Nakatitig siya sakin na parang iniisip kung anong ginagawa ko . Hanggang sa bumalik ang mga maamo niyang mata sa dati nitong itsura . Ang kanyang mga mata na kayang pumatay o ipadala sa Thanatos ang isang tao .
Agad siyang tumayo at pinagpag ang suot na pantalon , at muli'y tumitig saakin at ang tanging nagawa ko ay umiwas sa kanya ng tingin .
"Chandria Kasi —" Hindi na naituloy ni Draven ang sasabihin niya ng bigla akong napatingin sa himpapawid .
"May paparating ." Sabi ko at saka inihanda ang sarili ko para sa parating .
"Chhhhhhaaaaaaa!" matinis na Sigaw ng isang babae at nang tignan ko ung babae sa himpapawid ay bigla itong kumaway .
"Ash ?" Sabi ng makababa na ito sa kanyang magic Broom .
"Loka loka ka ba ! Kanina ka pa namin hinahanap !" Sigaw ni Ash at Nang mapatingin siya sa tao sa likod ko ay laking gulat nalang niya .
"Draven ?! Anong ginawa mo sa bestfriend ko !" Sigaw ni Ash at saka ako kinapa kapa kung saan saan kaya natawa ako . "Best ! ok ka lang ba ? Anong ginawa sayo niyang Si Draven ha !" Nagaalalang tanong niya .
"Ano ka ba , Ok lang ako . Napadaan lang ako dito at nakita ko siya ." Sabi ko at saka ngumiti .
"Sigurado ka best !?" Muling tanong ni Ash at masamang tumingin kay Draven .
"Ang O.a nyo . Diyan na nga kayo" Sabi ni Draven saka niya nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at sakA nag lakad .
"Kahit kailan talaga ang sungit nung lalaking yon" Sabi ni Ash habang sinundan ng tingin si Draven.
"Tara na Ash" Aya ko sa kanya at saka ngumiti .
At muling napaisip .
Sa likod pala ng masungit na si Draven may Anghel na nagtatago ."Tara sakay na !" Sigaw ni Ash na nakasakay na sa kanyang walis .
"Ha ? dyan tayo sasakay ?!" Sigaw ko . F*ck takot ako sa matataas ! >o<
"Ayaw mo ba ?" Tanong ni Ash na nakataas ang kilay at agad akong umiling iling .
"Ah ok cge lakad nalang tayo" Sabi niya saka bumaba sa walis .
"Tara !" Sabi ko at nagsimulang mag lakad.
Habang nag lalakad kami ni Ash , kinukwento niya na nalaman niyang pamangkin niya si Andrea kaya niya ito inayang mag laban .
BINABASA MO ANG
UNBREAKABLE
RandomSa buong kalawakan , pinaniniwalalaan ng Lahat na may iba't ibang dimensyon o mundo . Isa dito ang Magic world at Realworld . Sa isang Aklat , Ang aklat ng pag kakapantay pantay o ang Book Of Equality nasusulat ang tadhana ng lahat ng Charmers at Ti...