Chandria's Pov
Nandito kami ngayon lahat sa itaas na training room . Si Teacher Jessica ,Ako , si Icelle , Ash , Draven , Penumbra , Zxander at Andrea .
Sabi ni teacher Jessica , May misyon daw kaming gagawin.
"Kailangan nyong humanap sa Enchanted Forest ng isang healer" Sabi ni Teacher Jess .
"Mam sasama ka naman diba?" Tanong ni Icelle .
"Hindi ako sasama dahil ang misyon na ito ay maituturing na ring pag sasanay para sa mga senior students na gaya nyo" Paliwanag ni Teacher Jess . "At isasama niyo na rin si Andrea"
Nakita kong napailing ang ilan sa amin na mukhang hindi sang ayon sa sinabi ng guro .
"Pero mam , baguhan palang siya at mas nakabubuting maiwan nalang siya dito!" Sabi ni Draven .
"Edi alalayan niyo nalang . Kelangan niyang matuto dahil makakasama niyo sya sa Wingston Cup" Sabi ni Mam at saka Tumayo . "Ok Class dismissed" Saka tuluyang naglakad paalis si Mam.
"Kaasar" Naiinis na sabi ni Draven saka umalis .
"Ano bang kaya mo ?" Nakataas na kilay na sabi ni Ash .
"I can kill you if needed" Naka smirk na sagot ni Andrea .
"Ang tapang mo ah ?" Naiiritang sabi ni Icelle .
"Zxander , I-activate mo yung Real Life simulator" Utos ni Ash.
"Ash ! Diba hindi pwedeng gamitin yan pag bagohan ang makakalaban mo !" Sigaw ko sa kanya .
"Wag ka mag alala I can handle this" Cool na sabi ni Ash at saka nag lakad sa bilog sa gitna ng training room. "Tara dito babaeng taga lupa" Pang aasar ni Ash .
"Edi wow . Kung ako taga lupa , ikaw taga impyerno?" Nangaasar na sabi ni Andrea at saka naglakad papunta sa bilog .
"Zxand i-Power on mo na" utos ni Ash kaya nag si- layuan kami .
Unti unting bumaba ung Glass barrier at unti unti silang natakpan ng usok sa Loob .
Makalipas ng Ilang minuto nasa gitna na sila ng gubat . Nakikita namin sila mula sa glass barrier pero di nila kami nakikita .
"Huh . Goodluck sa kanya kung makalabas pa siya ng buhay" Sabi ni Icelle .
Kinakabahan ako , di pa namin alam kung anong kayang gawin ni Andrea .
Tumunog na ang trumpeta , hudyat na simula na ng laban .
Prenteng nakaupo si Ash sa isang nakabuwal na puno . Marahil sinusubukan niya ng makipag palit ng katawan kay Andrea .
Bahagyang napangiti si Ash . Ibig sabihin ay Nakapag palit na sila ni Andrea .
Agad nag labas ng dalawang dagger si Andrea at patakbong sinugod si Ash .
"Hindi ba natin sila papatigilin !" Nagaalalang sabi ko .
"Hayaan niyo lang sila , nang malaman natin kung anong kayang gawin ng isang legendary na katulad niya " Napatingin ako sa lalaking nag salita .
"Draven" Nasabi ko nang makitang nakasandal siya sa pader at seryosong nanonood sa laban .
Third Person's Pov
Habang nanood ang lahat sa laban ni Ash at Andrea , Nalaman ng mga kaibigan ni Andrea na nauna na pala ito sa Magic World .
Ang pinag tataka lang nila ay sino ang gumawa ng lagusan papunta doon ?
Nang hapon na tumakbo pauwi si Andrea , saka lang napansin ng mga kaibigan niyang sina Ace , Azy , Jack , King , Queen at Spade ang mga uwak na nakadapo sa Isang patay na puno sa school nila .
BINABASA MO ANG
UNBREAKABLE
RandomSa buong kalawakan , pinaniniwalalaan ng Lahat na may iba't ibang dimensyon o mundo . Isa dito ang Magic world at Realworld . Sa isang Aklat , Ang aklat ng pag kakapantay pantay o ang Book Of Equality nasusulat ang tadhana ng lahat ng Charmers at Ti...