King's Pov
Tumigil ang aming mga halik . At nakangiting humarap siya sa akin .
"Napakaganda mo aking mahal" Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"N-na Miss kita" Sabi niya . Wala na ang kalungkutan sa kanyang mga mata .
"Mas namiss kita mahal ko" Sagot ko sa kanya .
"Tara at tayo'y sandaling mag lakad lakad muna" Aya ko sa kanya at agad ko siyang inakbayan.
Andrea's Pov
Nagising nalang ako na nakahiga sa isang maliwanag na lugar .
"Nasa langit na ba ako?" Tanong ko sa sarili .
"T*nga asa pang mapupunta ka sa langit !" Sigaw ng isang pamilyar na boses at ng tinignan ko ung kaliwang bahagi ng kwarto , nakita ko si Ash na nakaupo at may benda sa kanang braso .
Ah nasa clinic lang pala ako . At sa buong buhay ko , ngayon lang ako nakapasok sa clinic .
"Oo nga wala ako sa langit , nandito ka kase eh" Sabi ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay .
Naalala ko ang mga nangyare , Hindi ko nasense ang mga gagawin ni Ash . Prente siyang nakaupo sa isang nakabuwal na puno .
Agad akong naglabas ng dalawang dagger . Napansin ko ang pagngisi niya at sa di malaman na dahilan ay kinabahan ako .
Patakbo ko siya sinugod at saka inundayan ng saksak , ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng makaramdam ako ng sakit sa aking likuran at tagiliran .
"Paano nangyare to i-ikaw dapat—" Sabi ko habang unti unti napaupo sa lupa .
"Masyado kang agresibo , sa susunod alamin mo muna ang kaya kong gawin" Sabi niya .
Muli at tumayo ako at sinugod ko siya at nagulat ako ng may naapakan akong kung ano at ng masense ko kung ano ito nakadama ako ng takot para sa sarili ko .
'kaasar bakit di ko nasense tong land mine' sabi ko sa isip ko .
"Oh bakit di ka na gumagalaw dyan? Let me guest may natapakan kang landmine no?" Sabi ni Ash at saka humalakhak .
Hindi ko pinansin ang pang aasar niya .
'F*ck bahala na' sabi ko sa sarili at agad tumalon ng mataas .
'Booooooooooommmmmmm' pag sabog ng landmine .
Nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa lupa at nakadagan ang ilang sanga sa katawan ko .
"F*ck" Nasabi ko ng makita ko ang pag durugo ng mga sugat natamo ko.
Nakita ko si Ash na nakaupo sa Sanga ng isang malaking puno , hawak niya ang kanyang duguan braso .
"Nasugatan siya" Sabi ko at saka tuluyang nawalan ng malay.
——
"Hoy Andeng ! Kanina pa kami nandito hello !" Sigaw ng isang babae dahilan para matauhan ako .
"Q-queen ?!" Nasabi ko ng makilala ko siya ng tuluyan . "Nandito kayo??"
"Hayy nako ! Kanina pa po kami nandito" Sabi ni Queen saka nag make face .
"Sorry naman ! Huhuhu Kala ko di ko na kayo makikita!" Sabi ko saka ko siya agad niyakap .
"Anong kat*ngahan nanaman ba ang ginawa mo at ipinasok ka agad sa real life simulator ha?!" Sermon ni Spade .
BINABASA MO ANG
UNBREAKABLE
RandomSa buong kalawakan , pinaniniwalalaan ng Lahat na may iba't ibang dimensyon o mundo . Isa dito ang Magic world at Realworld . Sa isang Aklat , Ang aklat ng pag kakapantay pantay o ang Book Of Equality nasusulat ang tadhana ng lahat ng Charmers at Ti...