Lucas's Pov
Isang Linggo na ang nakalipas nung nag diwang ng kaarawan si Chandria , at Walang kahit sino ang nakakaalam na kasabay ng Kaarawan niya ang kaarawan ko maliban sa aking Ama at ang mga namumuno dito sa Silangan.
Labing isang taong gulang na ako , Nag kasundo na ang Ama ko at ang mga Headmasters ng mga taga Silangan na kaharian na ipadala ako sa isang dimensyon kung saan ipapanganak akong muli .
Yun kase ang nakasulat na tadhana ko sa Aklat ng Pagkakapantay-Pantay kaya wala akong ibang pweding gawin kundi ang Sumunod . Wala rin makakapag sabi kung makakabalik pa ako dito sa mundo namin.
Kinabukasan , Pumasok ako sa academy . May training kami ngayon para sa paggawa ng sariling sandata para sa may mga charm at kung paano lalaban ang katulad naming may Special Ability gaya ko.
Naalala ko tuloy na kahit anong minuto , oras , araw o Linggo pwede akong ipatawag sa Kahariang Dimensia at ipadala na ako sa ibang Dimensyon .
Pag kapasok ko sa Training room nakita ko agad si Icelle na Gumagawa ng Bow and arrow na gawa sa yelo , Si Zxander na kumokontrol sa isang ipo ipo , Si ash nakaupo habang nakapikit na sa tingin ko'y nag Coconcentrate ng maige .
Kung sakaling umalis ako , Mamimiss ko ang palatawang si Ash , ang malokong si Zxander , ang masasarap na luto ni Icelle at Higit sa Lahat ang matatamis na ngiti ni Chandria .
"Oy Lucas tara na dito !" Nakangiting tawag ni Zxander.
"Sige lang , maya na ako . Hahanapin ko lang si Chandria" - Nakangiting sabi ko saka Lumabas at pumunta sa Ibabang training room.
Bubuksan ko na sana ung pinto pero natigilan ako ng makarinig ako ng tawa ng isang babae at lalaki .
"Hahahahaha grabi naman pala si Draven , mabait pala un kahit mukha siyang masungit" Si Chandria to hindi ako pweding magkamali
Bahagya kong binuksan ung pinto para makita makita kung sino yung kausap ni Chandria . Pero wala akong kahit sinong nakita .
"Hahaha oo si Luffy ang pinaka una nyang kaibigan kaso ipinadala un sa ibang dimensyon" - sabi ng isang boses ng lalaki . Saka ko nakita ang isang aninong galing sa madilim na parte ng training room at tumabi kay Chandria .
"Ah nakakalungkot naman yun , siguro kung ipapadala sa ibang Dimensyon si Lucas siguradong malulungkot ako ng sobra" Sabi ni Chandria na malungkot ang mukha ganun din ang boses .
Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng Puso ko nang maalala na kahit anung oras maaari akong ipatawag sa Dimensia at ipadala na ako sa ibang dimensyon.
Pero mas bumilis ung tibok ng puso ko at mas nalungkot ako ng marinig ko ang sumunod na sinabi ni Chandria .
"Pero di naman ako iiwan ni Lucas kasi nangako siya sakin na Di nya ako iiwan , Lagi nya akong poprotektahan at Ako lang papakasalan niya . Alam mo ba Penumbra , Mahal ko ung bestfriend kong yun . Mahal na mahal" Nakangiting sabi ni Chandria .
Agad akong umalis sa lugar na un . Hindi ko alam kung anong gagawin ko , kahit anong oras pwede na akong ipatawag sa Dimensia para ipadala sa ibang dimensyon .
Paano na si Chandria ? Siguradong malulungkot siya pag umalis ako . Nag unahan ng mag bagsakan ang mga luha ko habang tumatakbo at iniisip si Chandria .
'Sorry Cha , Kelangan kong sundin ang Aklat ng Pagkakapantay pantay . Pangako babalik ako , Babalikan ko kayo , Babalikan kita kasi mahal na mahal kita' Sa isip isip ko .
Di ko namalayang nandito na ako sa Hardin kung saan matatagpuan ang pinaka matandang puno na may tree house sa tuktok na ginawa ko para kay Chandria .
Naalala ko ung mga araw na pinipilit ko syang mag laro dito sa hardin pero tanging 'Ayoko' Lang ang sinasagot niya .
Naalala ko ung Ngiti nya nung nakita niya to . Alam kong natuwa sya .
Mga ngiti , Tawa , pag susungit at pag irap niya sakin na Kaylan man hindi ko na makikita sa ibang dimensyon .
Makalipas nang mahigit isang oras na pag iyak ko habang inaalala ang mga taong hindi ko na makikita sa ibang dimensyon , mga boses na di ko na maririnig , Si Zxander na palaasar , Si Icelle na lagi akong sinesermonan , Si Ash na walang ginawa kundi tumawa at si Chandria na lagi akong sinusungitan , Napag pasyahan ko ng bumalik sa silid ko sa kastilyo .
Habang nakahiga ako sa aking silid di ko maiwasang malungkot , Dahil baka kinabukasan di ko na makita pa ang mga kaklase at kaibigan ko at ang babaeng mahal ko na si Chandria .
Naramdaman ko nalang ang muling pagtulo ng mga luha ko . Mariin ko nalang pinikit ang aking mga mata at saka inisip na ....
"Magiging ok din ang lahat" Saka ako tuluyang nakatulog .
Nakarinig ako ng sunod sunod na malalakas na katok sa pinto na ikinagising ko . Ayon sa orasan na nakasabit sa dingding ng silid ko Alas tres palang ng madaling araw
"Lucas Tyler gumising ka na , ngayon na ang alis mo" - Boses ng isang lalake na sa tingin ko'y si Dark Lord Saphiro .
Agad akong bumangon , nag ayos ng aking sarili at sinuot ang cloak ko . Hindi na ako nag impake dahil sabi nila'y hindi na ito kaylangan .
Lumabas na ako sa aking silid . Wala pang masyadong tao sa hallway maliban sa tatlong taga silbi na nag lilinis .
"Handa ka na Lucas ?" Tanong sakin ni Dark Lord Saphiro , ang aking ama . Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya at saka kami sabay na naglakad .
Pag kalabas namin , muli kong pinag masdan ang kaharian naming Illinum , Ang kahariang Fatalline ni Ash na nasa bandang norte , ang kahariang Penumbra kung saan Tumutuloy ngayon si Chandria na nasa bandang silangan .
Pumasok nanaman sa isip ko ang Pangalan ng lalakeng anino na kausap ni Chandria kahapon .
'Penumbra'
Di kaya sya ung tinutukoy ng Lahat na kakambal ni Draven ? Ibig sabihin totoong may kakambal syang anino . Bakit ngayon ko lang nalaman na totoo pala yon .
Pinag masdan ko din ang Academy namin na nasa pagitan ng apat na kaharian . Inalala ko lahat ng masasayang alaala ko sa lugar na ito , Yung mga kaklase kong maiingay at magugulo , Ung teacher naming lagi kaming pinapagalitan at ung surpresa na ginawa namin para kay Chandria .
Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap namin . Ang sasakyan na magdadala saamin sa Kaharian ng Dimensia , Ang kaharian nila Icelle at Zxander na nasa bandang kanluran.
Binuksan ng butler ng pamilya namin ang pinto sa backseat at agad akong pumasok , kasunod ko ang aking ama .
Pag kaandar ng sasakyan , Muli akong sumilip sa bintana at pinag masdan sa huling pag kakataon ang lugar kung saan ko natagpuan at nakilala ang mga taong naging malaki ang parte sa Buhay ko .'Goodbye Chandria . Mahal na mahal kita' Sinabi ko sa isip at saka umayos sa pag upo .
Habang nasa byahe kami papunta sa Kaharian ng Dimensia , Di ko maiwasang malungkot dahil hindi man lang ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko lalo na kay Chandria .
Siguradong Malulungkot si Cha ng Sobra .

BINABASA MO ANG
UNBREAKABLE
AcakSa buong kalawakan , pinaniniwalalaan ng Lahat na may iba't ibang dimensyon o mundo . Isa dito ang Magic world at Realworld . Sa isang Aklat , Ang aklat ng pag kakapantay pantay o ang Book Of Equality nasusulat ang tadhana ng lahat ng Charmers at Ti...