Chapter14: The Mission

12 0 0
                                    

Chandria's Pov

          Pag kadilat ko ng aking mga mata , nagulat ako ng matagpuan ko ang aking sarili sa Likod ng isang malaking puno na nakatayo sa Isang mataas na burol At isang Bangin sa likod nito . Gabi na kaya mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin mula sa Dagat sa ibaba ng bangin.

Makikita mo naman sa langit ang pangalan ng bayan na nangunguna sa ngayon .

Ang Hesperia.

"Teka nasaan na kayo?" Sabi ko at may biglang nag salita.

"Shhh Wag ka maingay ! Baka marinig tayo" Bulong ni Ash na makatunghay sa Puno na para bang may tinitignan .

Agad akong sumilip sa likod ng puno at Nagulat ako sa nakita ko .

"Lucas" Nasabi ko ng makita ko si Lucas na nakasandal sa Isang malaking bato .

Tuluyang tumulo ang luha ko ng makita ko ang dumudugong sugat sa kanyang ulo , ang braso nyang tila may nabaling buto , ang halos magutay na pantalon niya sa dami ng sugat at ang hiwa sa kanyang dibdib .

Nakita ko din ang isang babae na nasa harap niya .

"Iiwan na kita, Lucas." Sabi nito at saka pinahid ang mga luhang dumausdos sa kanyang pisngi. "I know right now you are more than okay. And I really hope..."

"I really hope I can be the same" Sabi nito at saka tumayo na nakaharap parin kay Lucas.

"But I'm so empty, I can't feel anything anymore. I'm scared i will never be complete again" Sabi niya at saka huminga ng malalim .

Patuloy padin ang pagtulo ng mga luha ko . Hindi ko malapitan si Lucas dahil makakagulo iyon sa dimensyong ito pag nakita kami nung babae. Wala kaming magawa ngayun kundi ang tumangis habang nakikinig sa kanila .

"Natatakot akong sa mundong dadatnan ko dahil wala ka na . But i'm going to be fine . I need to be brave right ? I'm Shia Sheridan" sabi ni Shia at saka pinahid ang mga luha niya .

"Ok lang ako" Sabi nito at saka tumingin sa langit . "Ok lang ako" at saka siya humakbang paatras at tuluyang tumalikod.

"So Long, Lucas" Sabi ni Shia atsaka nag lakad palayo .

Nang makalayo na siya , agad akong tumakbo patungo sa kinalalagyan ni Lucas .

"Lucas?Nandito na kami" Sabi ko habang patuloy sa pag yugyog sa kanya .

"Chandria, wala na siya" Sabi ni Jack na nasa likuran ko .

"No! Hindi Pwede to ! Lucas nandito na ako. Gumising ka na dyan" Sabi habang patuloy sa paghikbi .

"Chandria" Tawag sakin ni Icelle na nakahawak sa balikad ko . "Iuwi na natin siya"

Tango lang ang isinagot ko sa kanya . Agad kong niyakap si Lucas.

"Uuwi na tayo" Sabi ko atsaka ngumiti ng pilit .

"Teacher Jess, nakuha na namin si Lucas." Sabi ni Jack .

Agad gumawa ng lagusan sa dimensyon namin si Icelle . At sa isang iglap nakabalik na kami sa Library .

Andrea's Pov

           Nakaupo kami sa mahabang sofa sa Library . Nag dadasal na sana , sana okay lang ang lahat .

Nagulat kami ng biglang nagliwanag yung elevated part ng Library . Habang unti unti nawawala yung liwanag , unti unti ko din naaninag ung limang tao na naroon .

"Icelle!" Sigaw ni Zxander atsaka mahigpit na yinakap ang kapatid .

Nag lakad naman palapit sa amin si Jack at Ash na parehong walan emosyon ang mga mukha .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNBREAKABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon